Ang Papel ng mga Ladino sa Pagpapalaganap Ng Katolisismo sa Pilipinas
Spencer See Nicholas Chua Fil 14-R G. Lopez
1
I.
Introduksiyon Noong dumating sa Pilipinas ang mga Kastila, isa sa mga malaking kontribusyon na
ibinigay nila sa atin ay ang relihiyong Kristiyanismo. Malaking bahagi ang pananampalataya sa pagdating ng mga Kastila. Dahil dito, ang mga namumuno ng bansa sa panahon noon ay halos ang mga prayle (Harvard Divinity School, n.d.). Naging makapangyarihan ang mga prayle dahil nagtagumpay sila sa pagyakap ng mga Pilipino sa Kristiyanismo. Hindi lamang sila natuto ng katutubong wika, kundi humingi rin sila ng tulong sa mga Pilipinong marunong sa wikang Kastila at Tagalog (Russell, n.d.). Ladino ang palayaw noon sa mga katutubo na marunong magsalita at magsulat ng wikang Español at Tagalog (Lumbera, 2001). Ang kanilang kagalingan sa dalawang wika ay nagsilbing plataporma para sa ugnayan ng dalawang kultura. Dahil dito, sila ang isa sa mga malaking kadahilan kung bakit niyakap ng mga Pilipino ang relihiyong Katoliko. Ang mga Ladino ay naging tagasalin ng mga prayle na pumasok sa Pilipinas, at tinulungan sila para kumalat ang Katolisismo sa bansa (Salazar, 2000). Maliban dito, sila rin ang gumawa ng mga nauunang librong gramatika at bokabularyo sa wikang Tagalog upang matuto ang kanilang kapwa Pilipino. Isang halimbawa rito ay si Tomas Pinpin na nagsulat ng librong “ Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla”, at dito tinatawag ni Pinpin ang kanyang mga kapuwa Pilipino na hindi lamang matuto ng wikang Kastila, ngunit tinatawag din niya ang mga ito na yakapin ang Kristiyanismo (National Library of the Philippines, n.d.). Mahalaga ang naging papel ng mga Ladino sa paglaganap at pagtanggap ng mga Pilipino sa Katolisismo dahil sa kanilang istilo ng pagtula at kadalubhasaan sa wikang Tagalog at Kastila.
II. Kristiyianismo at Pangangailangan ng mga Ladino Ang Simbahan ay kinakailangan ang mga Ladino na ito lalo na sa ika-18 at 19 siglo lalo na nang nag-organisa ang Arsobispo noong 1748 ng Kongregasyon ng mga tagalista, mga
1
2
sekular na prayle na kayang magsulat sa wikang Tagalog upang ipalaganap ang mga nobena at iba pang sulatang pang-Kristiyanismo. Ang mga katutubong prayle katulad nina Bernard Saguinsin at Mariano Pilapil ay naging bahagi ng kongregasyon na ito. Sila ay sumulat ng mga novena para sa mga simbahan sa Quiapo at Antipolo (Blanco, 2009). Ang mahalagang paraan ng pagkalat ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay ang pagbahagi ng mga relihiyosong tula ng prayle kung saan isinulat ang dapat na paraang pamumuhay at paniniwala sa Diyos (Almario, n.d.). Ang mga katutubong tula ay matalinghaga. Subalit, ayon kay Bienvenido Lumbera, ang katutubong tula ay nagtuon sa paggamit ng talinghaga at dahil dito’y nagkaroon ng mga kaibahan sa kahulugan na maaaring magsanhi sa maling pagbasa at pag-unawa ng mambabasa (Lumbera, 1968). Dahil dito, iniwasan ng mga prayle at mga nagtutulang misyonero na sumulat ng matatalinghagang libro at tula sa kanilang pagkalat ng Katolisismo. III. Pagsusuri ng mga Tulang Ladino Ang mga tulang ito ay kadalasan nauuna ang linyang nakalimbag sa Tagalog pagtapos ay ang katumbas na kahulugan sa wikang Espanyol, subalit hindi lahat ng tulang Ladino ay sumusunod sa ganitong kombensyon. Sa pagsulat ng ganitong paraan ay makikita ang mga pagkakatulad ng paraan ng pagtula ng mga Kastila at mga Filipino (Blanco, 2009). Katulad ng sinaunang tulang Tagalog, gumagamit ang mga tulang Ladino ng “monorhyme” at maraming talinghaga (Lumbera, 1968). Isang mahalagang katangian ng mga tulang Ladino ang paggamit ng maraming talinghaga na may kaugnayan sa Kalikasan. Ang isang halimbawa ng naunang panitikan ay ang mga bugtong. Isang halimbawa: Munting dagatdagatan binabacor nang danglay
2
3
Ang sagot nito’y mata. Hindi lamang kailangang kilala kung ano ang lawa at pambitag ng isda, kundi kailangang makita ito sa perspektibo ng talinghaga upang makuha ang totoong kaluhugan nito. Ang pagkaugnay ng lumang kaalaman sa bagong kabatiran na kaniyang nakuha ay nagbibigay ng bagong kaalaman tungkol sa kaugnayan ng mga bagay sa mundo (Lumbera, 1968). May kaugnayan ang mga bugtong at panitikang-bayan sa mga tulang Ladino, lalo na sa pagkaroon ng kaugnayan sa kalikasan. Ngunit, ayon kay Soledad Reyes, ang mga bugtong at mga panitikang-bayan ay nagsasalamin ng tradisyon ng katahimikan sa pagitan ng tao at kalikasan, habang sa Tulang Ladino naman ay tungkol sa mga panawagan ng mga Ladino tungkol sa mundo kagaya ng pananampalataya (Reyes, 1977). May ilang pagkakaiba ang tulang Ladino sa mga naunang anyo ng mga tula. Ang mga naunang tula ay pinasa gamit ang oral na tradisyon subalit ang mga tulang Ladino ay inilimbag. Dahil dito, iba ang kumbensyon na ginagamit ng dalawang tula at pumapasok na ang konsepto ng “mono rhyme” at iba pang kumbensyon na ginagamit sa sinusulat na tula. (Lumbera, 1968) Isang halimbawa ng tulang Ladino na nagpapakita ng maraming talinghaga ay ang “May Bagyo Ma’t May Rilim” ni “Una Persona Tagala.” Ang manunulat ay ‘di kilala ngunit ang tulang ito ay mahahanap sa akda ni Padre Francisco de San Jose na “Memorial de la Vida Cristiana en Lengua Tagala” na koleksiyon ng mga pagninilay tungkol sa mga doktrinang Kristiyano. Ang parteng isinulat ni Francisco de San Jose na Tagalog ay buong nakahiwalay sa wikang Espanyol. Subalit, sa tula ni “Una Persona Tagala,” makikita na isinulat ang buong tula sa wikang Tagalog, kung saan ginagamit ang letrang “O” imbes na “u”, at “c” “ imbes na “k”. Ang pangunang pakay ng pagsulat ng Bagyo ma’t May Rilim ay para maikalat ang Katolisismo. Sa ilalim nito, mahahanap ang interpretasyon ni Bienvenido Lumbera: Unang saknong:
3
4
May bagyo ma,t, may rilim ang ola,y, titiguisin, aco’y, magpipilit din: aquing paglalacbayin toloyin cong hanapin Dios na ama namin Sa unang saknong, may imaheng gabi, ang bagyo ay nagngangalit. Ang persona ay nakikita ang kanyang sarili bilang bata na tinatangging ibigay ang kanyang sarili sa pagtangis sa kabila ng kanyang mga takot. Nagtakda siya na hanapin ang kanyang Ama na siyang Diyos. Ang lakas ng loob na ito ay magdadala sa persona sa kabila ng paghihirap na ilalarawan sa mga susunod na saknong. Cun di man magupiling Tocsong mabaomabaoin, Aco’y, mangangahas din: Itong libro’y, basahin, At dito co hahangoin Acquing sasandatahin. Sa susunod na saknong, makikita na ang tukso ay lumilitaw bilang isang mapaglalang puwersa. Ang pagkilos nito ay ipinahahayag ng salitang mabaomabaoin, na maaaring mangahulugan na ang tukso ay timbang na may hawak sa biktima nito. Ginamit din ang salitang mabaomabaoin sa Pasyon ni Kristo. Ngunit ang nagsasalita ay may tiwala, at inihahayag niya ang dahilan sa likod ng kanyang tapang at lakas ng loob: ang aklat na Memorial de la vida ay nagbibigay ng kapangyarihan upang mapaglabanan ang tukso. Ang kapangyarihan na iyon ay binubuo sa liwanag ng Diyos na ang may-akda ay pinapayagan na lumiwanag. Importante ito sa
4
5
susunod na saknong kung saan ipinakita ang imaheng ilaw na binigyan ng pagkikita ang manunulat. “Cun dati mang nabulag “Aco’y, pasasalamat, Na ito ang liuanag Dios ang nagpahayag Sa Padreng nagsiualat Nitong mabuting sulat.” Ang pagkikita na ito ay ang nagtulong sa persona upang mahanap ang Ama niya na kaniyang hinahanap sa unang saknong. Ang tagapagsalita ay muling nakipag-ugnayan sa kaniyang ama, Diyos, at nakalabas mula sa bagyo at kadiliman. Kita sa huling dalawang linya sa saknong nito ang importante ng “Padreng nagsiulat nitong mabuting sulat” na si Padre Francisco de San Jose. Ikalimang Saknong: “Cun lompo ma’t, cun pilay Anong di icahacbang Naito ang aacay Magtuturo nang daan: Toncod ay inilaan Sucat pagcatibayan.” Sa ikalimang saknong ay may isang imahen ng isang aakay sa isang taong lumpo o pilay. Kinukumpirma nito ang lakas at gabay na ibinibigay ng liwanag na ang paggabay ng Diyos. Dito nagtatapos nito ang paglalakbay ng persona para hanapin ang kaniyang Diyos na ama niya at may hiniwatig siyang pag-asa na kung may bagyo man, may daluyong man, at
5
6
ramdam na walang-wala na ang pag-asa, ay nandiyan ang Diyos para akayin at igabay ang lahat. Sariling Interpretasyon: Sa simula pa lang ng tula, makikita na ang matalinghagang pagtula ng manunulat. May imaheng bagyo, dilim, ulan, at paglalakbay para hanapin ang Diyos na ama niya. Sa susunod na saknong, sinasabi ng persona na kung di man niya makaya ang mga hamon na dadating sa kaniyang paglalakbay ay mayroon siyang sasandatahin: ang libro. Ang librong ito’y maaaring bibliya o ang librong Memorial de la Vida Cristiana En Lengua Tagala. Gayunman, isa lamang ang punto nito; ang mga librong ito ay makatutulong sa isang tao upang mahanap ang Diyos. Ang pagiging bulag na binabanggit sa susunod sa saknong ay maaaring tinatakwil ang lumang relihiyon ng mga katutubo, ngunit linalagay ito sa positibong perspektibo kung saan sinasabi ng persona na ngayon ay nakakikita na dahil sa liwanag. Sa saknong na ito, may kaunting pagtingin ng mababa sa katutubong relihiyon at sinasabi na ang Katolisismo ay ang relihiyon na ang liwanag sa ating buhay. Ang linyang “Sa Padreng nagsiualat nitong mabuting sulat” ay inihahayag na ang padre ang nagpakita sa kaniya ng librong itong liwanag na nagtulong sa kaniya na makakita. Ito’y maaaring totoo din para sa taong nagsulat ng tula na ito, na isa sa mga naunang Katoliko sa bansang Pilipinas, nang dahil sa liwanag na ito’y isinulat niya ang tula na ito para ipahayag ang liwanag na naranasan niya sa tulong ng Katolisismo. Lalo itong dinidiin sa susunod na saknong kung saan ginagamit ng manunulat ang salitang “naguiua” at “nabagbag.” Ang salitang “nagiwa” ay nagbibigay ng imahen ng bangka na malapit nang tumaob, at ang salitang nabagbag ay tinutukoy ang paglubog ng barko. Sinasabi ng persona na kahit malakas at nakakatakot ang daluyong at ibang pagsusulit, ay hindi siya matatalo dahil sa bagong lakas na nahanap niya.
6
7
Sa susunod na saknong, sinasabi ng persona na kung lumpo man siya o pilay, ay may aakay sa kaniya, at magtuturo ng daan. Tumutukoy ito sa linya ni Hesus na “I am the way and the truth and the life.” Sa saknong na ito, pinapatibay ng manunulat ang argumento niya na kailangan ang Diyos sa buhay ng isang tao upang gabayan siya at tulungan sa lahat ng pagdadaanan sa buhay. Bagyo man o dilim, tuksong mabaw-mabawin, “kabulagan”, daluyong, pagiging “pilay,” ay nandiyan ang Diyos para tulungan ka at ipakita ang daan. Dahil isinulat ito ng taong 1605, hindi pa masyado ganap ang Katolisismo sa kulturang Pilipino. Ang taong nagsulat ng tula na ito ay isa sa mga naunang Katoliko sa bansa na ito na gustong ipahayag ang bagong liwanag na naranasan nila sa Katolisismo. Hanggang ngayon, ang Katolisismo sa Pilipinas ay malakas dahil sa lakas ng pananampalataya ng mga Filipino sa Diyos. Maliban sa May Bagyo Ma’t Rilim, ang tulang Salamat Nang Walang Hangga ni Fernando Bagongbanta ay nagpapakita rin ng mga ilang metapora na nakatutulong sa pagtanggap ng Katolisismo ng mga Pilipino. Ayon kay San Jose, ang tula ni Bagongbanta ay isang romantiko na nagbibigay puri sa kanyang libro na panrelihiyon (Lumbera, 2001). Nakikita sa una at ikalawang saknong na binibigyang puri ng persona ang isang libro at inilalagay ito sa mataas na posisyon lalo na sa paggamit ng mga salitang “dilang magandang aral” at “nacatataos sa loob”. Ipinapakita na nakabubuti sa kaluluwa ang nilalaman ng librong ito. At ayon din kay Almario, gumamit si Bagongbanta ng mga talinghaga para bigyan ng diin ang kagandahan ng libro kagaya sa pagtawag niya sa aklat ng “sulat na lubhang mahal” (Almario, 2014). Sariling Interpretasyon ng mga saknong galing sa tulang Salamat Nang Walang Hangga: Ang mga saknong ito ay naghahatid ng mensahe na magaling ang libro at ang manunulat nito. Ang tinutukoy na libro ay panrelihiyon, subalit, ang pagmamahal ni
7
8
Bagongbanta ay hindi para sa relihiyon kundi kay San Jose at ang kanyang libro. Dito nakikita ang paghahalo ng pananampalataya at pamumuno ng mga prayle sa ating bayan. Dahil sa ganitong pagpupuri sa kanila, nakikita na mabilis na manipulahin ng mga prayle ang relihiyon, kaya ang mga prayle ay nagiging mga diyos ng ating bansa. Ang epekto nito ay ang pagkaroon ng obligasyon ng mga Pilipino na sundan ang mga utos ng mga prayle kaya ang mga Pilipino ay napilitan tanggapin ang Katolisismo. Sa ikatlo hanggang ikapitong saknong ng tula, sinabi ni Almario na “ Nasaliksik ng pananalinghaga ang iba’t ibang hambingan sa panulaang-bayan upang itampok ang birtud ng libro: hitik sa diwang mataas ang uri at mahusay na patnubay sa buhay” (Almario, 2014). Nakikita sa mga saknong na ito na patuloy na pinupuri ni Bagongbata ay aklat ni San Jose at inilalarawan niya , gamit ang mga talinhaga, kung gaano kahalaga ang librong ito sa kanyang buhay kagaya sa mga salitang “Ycao ang naponong caban ng manga taloqueng mahal”, “Ycao ang sandatang matibay na aquing ipagbabaca”, “Ycao ang matigas na toncod icalilicsing di ualos”, o Ycao ang oguit ni matibay cahimat binabagyohan”. Sa mga salitang ito, dapat hindi literal ang pag-unawa kung hindi, dapat unawain na metapora ang mga salita ito na naglalarawan sa pagkahanga ni Bagongbanta sa aklat ni San Jose. Sariling Interpretasyon ng mga saknong galing sa tulang Salamat Nang Walang Hangga: Sa mga saknong na ito, lalong pinapatuloy ang pagpupuri ni Bagongbanta. Dito makikita na mayroong pagkamartir kagaya sa linyang “Ycao ang sandatang matibay na aquing ipagbabaca cun tinotocso ng diablo.” Sa pagkamartir, may ideya na kailangang magbigay ng utang na loob. Dahil dito, parang pinapahiwatig ng persona sa mga mambabasa na may obligasyon at tungkulin na ipakita sa Diyos na Siya ang kanilang pag-asa at dapat ipaglalaban nila ang Diyos kahit sa harap ng kahirapan. Dito, binibigyan ni Bagongbanta ng paraan kung paano ang mga Pilipino’y maging kapantay sa mga Kastila. Maliban diyan, hinahatid ni
8
9
Bagongbanta na mayroong puwedeng sandalan ang mga Pilipino, kapag nakaranas ng kahirapan, ang Diyos. Mahirap ang buhay noon para sa mga Pilipino noon, lalo na sa mga baon sa kahirapan, kaya mabilis yakapin ang paniwalang ito dahil sa mga salita ni Bagongbanta ay nagbibigay ng pag-asa sa kanila na sila ay makalaya sa kanilang kahirapan. Sa ikawalong saknong, ibinanggit ang linyang “...nang Padreng may catha rito…” Dito ulit pumapasok ang mga prayle at linilinaw sa mga mambabasa noon kung sino ang may kapangyarihan. Maliban diyan, ang linyang ito ay ginamit ni Bagongbanta para “magsipsip” sa mga prayle. Sa ikasiyam hangang ikasampung saknong, ipinapakita na tinatawagan niya ang kaniyang kapuwa Pilipino na magbasa ng aklat na ito. Ibinanggit ni Bagongbanta ang tungkol sa katamaran na naroon sa mga Pilipino. Ayon kay Almario, “parang isang mahiwagang panlunas ang libro sapagkat ikagagaling ng bata ma’t matanda at ng lalaki ma’t babae.” (Almario, 2014). Nagbibigay ng mensahe ang mga saknong na ito na may pag-asa na maging kapantay ang mga Kastila at Pilipino. Sariling Interpretasyon ng mga saknong galing sa tulang Salamat Nang Walang Hangga: Pinapaliwanag ang mga saknong ito na mayroong sakit ang mga Pilipino at dahil sa sakit na ito hindi magkapantay ang mga Pilipino at Kastila. At upang gumaling sila sa sakit na ito, kailangan nilang magbasa ng banal na libro ni San Jose. Sa pagsabi ni Bagongbanta sa kanyang kapwang Pilipino na mayroong sakit nang katamaran sila, mas nahahatid ang mensaheng ito laban sa pagsabi ng isang Kastila sa mga Pilipino tungkol sa sakit na ito. At dahil dito, nagkakaroon ng realizasyon ang mga Pilipino na kailangan nilang paggalingin ang kanilang sarili. At para sila ay gumaling, kailangan nilang yakapin ang Katolisismo at sundin ang nilalaman ng libro ni San Jose ayon sa mga sulat ni Bagongbanta. Sa paghatid ng mensahe gamit ang mga ladino, mas positibo ang pagtanggap ng mga Pilipino ang mga mensaheng ito, lalo na kapag ito ay tungkol sa pananampalataya.
9
10
Isa pang Ladino na naging importante sa paglalaganap ng Katolisismo sa bansa ay si Tomas Pinpin. Isa sa mga nauna niyang isinulat ay awit sa paraang Ladino na kaniyang inilagay sa kaniyang libro na “Librong Pag-aaralan nang Mga Tagalog nang Uican Castila” (Ortiz, et al.) Ang libro na ito’y naglaman ng limang kabanata na magtuturo sa isang tao ng bokabularyo para makagawa ng mga pangungusap (Ocampo, 2011). Ang mahahanap sa librong ito ay awit ngunit nakasulat ito sa paraang Ladino (Rafael, n.d.). Ito ay isa lamang sa maraming tula at awit na inilagay ni Pinpin sa gitna ng mga kabanata sa libro. Ang paraan ng pagsusulat ni Pinpin ay ginawang “syncope” ng Tagalog ang wikang Espanyol. Ang ibang mga salitang Espanyol ay binalangkas niya upang maging katulad nito ang wikang Tagalog. Itong estilo ang ginamit para maging pamilyar ang binabasa imbes na ibang-iba sa kanilang katutubong wika (Diaz, 1991). Ang estilo nang pagtula niya ay katulad ng kay Fernando Bagongbanta sa kaniyang tula na “Salamat nang Walang Hangga,” kung saan ang isang linyang Tagalog ay sinusundan ng isang linyang Espanyol na may parehong kahulugan. O Ama con Dios o gran Dios mi padre tolongan mo aco quered ayudarme; amponin mo aco, sedme favorable; nang mayari ito porque esto se acabe at icao ang purihin y a voz os alaben.
10
11
Ngunit hindi malakas ang mga simbolismo at talinghaga sa tulang ito, kita pa din ang pananalig at paniniwala ni Tomas Pinpin sa Diyos. Unang-una, humihingi siya ng tulong sa Diyos para “mayari ito, at icao ang purihin.” Ito’y maaaring tumutukoy sa kaniyang pagkalat ng kaalaman tungkol sa wikang Kastila. Kita na dito ang konsepto ng pagbibigay ng sarili at pagsisilbi para sa kabutihan ng lahat at para sa Diyos. Dahil sa taong 1610 na ito nailimbag, masasabing may kaunting panahon na ang nakaraan nang isulat ang “May Bagyo Ma’t May Rilim” at ang “Salamat nang Ualang Hangga.” Bukod sa mga tulang ito,, naging responsable din ang mga ladino sa mga nailimbag na mga diksyunaryo at gramatika upang tuluyang maiugnay ang kulturang Pilipino at Kastila (Ocampo, 2011). May makikitang ebolusyon sa paniniwala, kung saan hindi lamang isang Diyos na pupurihin at hihingian ng tulong katulad ng kanilang lumang mga Diyos. Ang Diyos nila ay naging Diyos na puwedeng paglingkuran at pagsilbihan. Ang pagpalit ng ganitong paraang ng pag-iisip ay hindi lamang makukuha sa pagrinig sa mga sermon ng mga prayle na hindi nila gaano naiintindihan, kundi ito ay kolektibong pagsisikap ng mga manunulat, dalubhasa, at makata upang ipahayag ang mga kamanghaan ng Katolisismo sa panitikang Pilipino sa iba-ibang paraan. Ang epekto ng kanilang pagpupursige para madala ang mga tula ito ay kita hanggang ngayon. Ang pangunahing relihiyon sa bansang Pilipinas ay Katolisismo, at sobrang malakas na pananampalataya ng mga Pilipino sa Panginoon. III. Konklusyon Nagtagumpay ang mga Kastila sa pagdala ng Katolisismo sa Pilipinas at isa sa mga dahilang ito ay ang pagsulat ng mga Ladino tungkol sa pananampalataya. Malaking bahagi ang mga Ladino sa pagyakap at pagtanggap ng mga Pilipino sa Katolisismo. Dahil ang mga ladino ay Pilipino rin, mas naihahatid nila ang mensahe at mas nakikinig ang mga kapwa Pilipino na kailangan ng mga Pilipino ang Diyos, lalo na sa pagiging pag-asa ng mga tao, at Siya dapat ang
11
12
pasasalamatin at sasandalin laban sa anumang uri ng kahirapan. Isa pa ay ang pagpuri ng mga Ladino sa mga prayle sa kanilang mga sulat at nagdidiin ito na may kapangyarihan ang mga prayle. At dahil may kapangyarihan sila, mas mabilis na sumunod at naniwala ang mga Pilipino sa kanilang mga utos lalo na kapag may kinalaman sa pananampalataya. Hindi matatanggi ang kahalagahan ng mga Ladino sa paglaganap ng Katolisismo dito sa Pilipinas. Sila’y naging tulay na nagkonekta ng kulturang Pilipino at Kastila. Dahil sa kanila’y mas madaling nayakap ng mga Pilipino ang banyagang kultura at wika. Kahit wala mang tala kung saan nakalagay ang naging epekto ng kanilang mga tula sa karaniwang Pilipino, hindi nito nabubulaanan ang kanilang mga nagawa para sa mga Pilipino. IV. Appendix Salamat Nang Walang Hangga Salamat nang walang hangga sa nagpasilang nang tala macapagpanao ng dilim sa lahat ng bayan natin O sulat na lubhang mahal o libro preciosa pieza icao ang pinagpapalamanan tu en ti contienes, y encierras: nang dilang magandang aral cualquiera doctrina buena nacacataos sa loob que dentro el alma penetra Ycao ang naponong caban tu ores cual arca Ilena ng manga taloqueng mahal de todas preciosas sedas ipinagbubuting totoo que en galaman y bermosean sa banal na caloloua al alma que es justa, y buena Ycao ang mahal na gamay joya, lina, rica, y’bella macabuti sa Christiano arreas 12
13
que el pecho Christiano arreas sampon talicalang guinto y deo oro rica cadena na di co din cacalaguin que no te sufrire suelta Ycao ang sandatang matibay tu erres arma fuerta, y cierta na aquing ipagbabaca de que usare yo en la guerra cun tinotocso nang diablo cunado el mal diablo mi tienta Ycao ang matigas na toncod bardon de estrana formoza icalilicaing di ualos y dara gran ligereza, dito sa paglalacaran mientras ando en esta tierra hanggan di makita ang Dios basta que al mismo Dios vea. Ycao ang oguit na matibay eres timon que no quiebra cahimat binabagyohan aunque baya tempested recia sa tio aco nanalig mi esperanza en ti esta puesta sa aquing paglalagyan in aquesta mi carrera
Ay capoua co Tagalog o la gente de mi tierre payiin ang catamaran vaya fuera la pereza: lalaqui man at babayi los varones, y las hembras at ang manga batang munti y los niños edad tierna: nag si pag-aral din nito aprended aquesta letra totoong di ualang liuag muy poco trabaho cuesta: bago,y, ang daming paquinabang mucho es lo que se interesa dudunong na di sapala seremos hombres de ciencia 13
14
at maguiguing banal din y de ajustada conciencia na ualang pagcaibhan que no haya ya differencia nang Castila,t, nang Tagalog del de España al de esta tierra Si, galing aya nang palad o granda ventura, y buena nang taoung nanasa nito del que goza esta legenda: mapopono ang caloloua quedara su alma llena nang cayamanan sa langit de celestials riquezas. V. Mga Sanggunian Almario, V. (n.d.). Hiyas ng Tulang Tagalog. Retrieved June 28, 2017, from http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Hiyas-ng-Tulang-Tagalog.pdf>.
Almario, V. (2014, June 23). Panitikan ng Pagsampalataya: Isang Paglitis/Pagtistis sa Wika’t
Retorika ng Pananakop. Panitikan. Retrieved from: http://panitikan.com.ph/2014/06/23/panitikan-ng-pagsampalataya-isang-paglitispagtistissa-wikat-retorika-ng-pananakop/
Blanco, J. D. (2009). Frontier constitutions: Christianity and colonial empire in the nineteenth-century Philippines. Berkeley: University of California Press.
Diaz, V. (n.d.). Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in Tagalog Society under Early Spanish Rule: Review. Retrieved July 6, 2017, from https://scholarspace.manoa.hawaii.edu/bitstream/10125/8509/1/v3n1-227-230-bookrev.pdf
Et al Rubin. (2001). Panitikan sa Pilipinas. Manila: Rex Book Store.
14
15
Godinez-Ortiga, C. (n.d.). The Literary Forms in Philippine Literature. Retrieved June 28, 2017, from http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-the-arts-sca/literary-arts/the-literaryforms-in-philippine-literature
Godinez-Ortiga, C. (n.d.). The Literary Forms in Philippine Literature. Retrieved June 28, 2017, from http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Literature/literary_forms_in_philippine_lit.htm
Harvard Divinity School . (n.d.). Catholicism in the Philippines. Retrieved from:
https://rlp.hds.harvard.edu/faq/catholicism-philippines
Hau, C. (2014). Privileging Roots and Routes: Filipino Intellectuals and the Contest over Epistemi Power and Authority (1st ed., Vol. 62). Ateneo de Manila University.
Lumbera, B. (1968). Poetry of the Early Tagalogs(2nd ed., Vol. 16). Ateneo de Manila University.
Lumbera, B. (1968). Tagalog Poetry During the Seventeenth Century (1st ed., Vol. 16). Ateneo de Manila University.
Macansantos, F., & Macansantos, P. (n.d.). Philippine Literature in the Spanish Colonial Period. Retrieved June 28, 2017, from http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-the-arts-sca/literary-arts/philippine-lit erature-in-the-spanish-colonial-period
National Philippine Library . (n.d.). Literature in Spanish. Retrieved from:
15
16
http://nlpdl.nlp.gov.ph:81/CC01/NLP00VM052mcd/v4/v5.pdf
Ocampo, A. R. (2011). Dia da la Hispanidad. Retrieved June 28, 2017, from http://opinion.inquirer.net/15111/dia-da-la-hispanidad
Ortiz, M., Erestain, T., Guillermo, A., Montano, M., & Pilar, S. (1976). Art: Perception & Appreciation. Manila: University of the East.
Parra, M. (n.d.). Ladinos, unang Filipino bilinguals. Retrieved June 28, 2017, from http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/translation_project/Artikulo%20Tungkol%20sa%20Lingu a/ladinos.htm
Rafael, V. L. (2005). Contracting colonialism: translation and Christian conversion in Tagalog society under early Spanish rule. Durham: Duke University Press.
Reyes, S. (1977). Main Trends in the Criticism of Epifanio San Juan, Jr.. Philippine Studies vol. 25, no. 3 (1977) 302–333, p. 305.
Russell, S. (n.d.). Christianity In the Philippines. SEAsite. Retrieved from:
http://www.seasite.niu.edu/crossroads/russell/christianity.htm
Salazar, Z., & Guillermo, R. (2000). The "Pantayo" Perspective as a Discourse Towards "Kabihasnan" . Brill.
Schlehe, J., & Sandkühler, E. (2014). Religion, tradition and the popular: transcultural views from
16
17
Asia and Europe.
The Spanish Colonial Tradition. (n.d.). Retrieved June 28, 2017, from http://nlpdl.nlp.gov.ph:81/CC01/NLP00VM052mcd/v4/v3.pdf
Woods, D. L. (2011, September 22). Counting and Marking Time: From the Precolonial to the Contemporary Tagalog World. Retrieved June 28, 2017, from https://muse.jhu.edu/article/450518
Woods, D. L. (2011). Tomas Pinpin and Tagalog survival in early spanish Philippines. Philippines: UST Publishing House.
Woods, D. (1992). Tomas Pinpin and the Literate Indio: Tagalog Writing in the Early Spanish Philippines(Vol. 12). UCLA
17