PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT Ang pagsulat ay may dinaraanang proseso bago ito mabuo at maipahatid ang mensahe sa kanyang mambabasa.
Depinisyon ng pagsulat
Ang pagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumang pagpapahayag na gamit ang mga letra o alfabeto.
Ang pagsulat ay may letra o simbolo na nakasulat sa ibabaw ng papel para katawanin ang mga tunog at mga salita ng isang wika.
Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng salita.
Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa Pagsulat
Sosyo – lipunan ng mga tao
Kognitib – pag-iisip
Sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat – paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat
R.T. Kellog at Gihooly
Ayon kay R.T. Kellog (1994), ang pagiisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisip na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip. Halos ganito rin ang depinisyon ni Gilhooly (1982) at sinabi niya na sa pag-iisip bilang set ng mga proseso, ang mga tao ay bumubuo, gumagamit at nagbabago ng panloob na simbolikon modelo.
Binanggit pa ni Kellog na may ilang argumento sa pagaaral ng pagsusulat. Una, ang kalidad ng pagsusulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Ikalawa, ang pagsulat ay isang instrumento para magisip. Ikatlo, kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawaing pampagiisip. Bilang pangwakas, ang tatak ng pagiisip ay ang pagsisikap o pagpupunyagi na mag-isip.
Bereiter at Scardamalia
Nagbigay sila ng dalawng panukala sa pagbuo ng pagsulat. Ang isang modelo ay nakatuon sa baguhang manunulat na isinusulat lamang ang nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay at ang ikalawang modelo ay nakatuon sa mga bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat ang nalalaman gaya ng ekpositoring pagsulat.
Halliday
Nagkaroon ng pag-aaral si halliday noong 1980 tungkol sa sosyolinggwistika at edukasyonal na etnograpiya. Binatikos niya rito ang mga estratehiya o pamamaraan sa proseso ng pagsulat dahil nakaligtaan daw sa mga prosesong ito ang aspektong panlipunan.
White at Arndt
Bumuo sina White at Arndt (1991) ng dayagram sa proseso ng pagsulat. Ipinakita sa dayagram ang balangkas ng paulit-ulit, at hindi palinya o pahabang kalikasan ng pagsulat
1. 2. 3. 4. 5. 6.
Paglabas ng mga ideya Paggawa ng estruktura Paggawa n g burador Pagpopokus Pagtataya o ebalwasyon Muling pagtingin
1. Paglabas ng mga ideya -pagsasagawa ng malayang talakayan sa paksang napili. 2. Paggawa ng estruktura -muling pag-oorganisa ng teksto at sinasagot nito ang tanong na “Paano ko mailalahad ang aking ideya sa paraang katanggap-tanggap sa aking mga mambabasa?” 3. Paggawa ng burador - Ay nangangahulugan ng pansamantalang pagbuo ng komposisyon o anumang isinulat na aayusin at lilinisin pa. 4. Pagpopokus -“ Ano ang kabuuang layunin ko sa pagsulat ng paksang ito?” 5. Pagtataya o ebalwasyon - Pagbuo ng talatanungan para sa pagbuo ng reakyon.
6. Muling pagtingin - Muling pagbasa ng teksto at pagtingin kung tama ang ginawa.
Mga layunin sa pagsulat 1. Ekspresiv 2. Transaksyunal Ekspresiv -
Impormal na paraan ng pagsulat. Gumagamit ng panauhan na ako, ko, akin… Sarili ng manunulat ang target nitong mambabasa. Naglalarawan ng personal na damdamin, saloobin ideya… Nakapaloob dito ang sariling karanasan ng manunulat. Malaya ang paraan ng pagsulat at walang sensura. Hindi mahalaga ang gramatika sa pagsulat. Halimbawa nito ay dyornal at talaarawan. Layunin nitong maipahayag ang sariling pananaw at kaisipan sa pangyayari.
Transaksyunal -
Pormal na paraan ng pagsulat na may tiyak na target na mambabasa, tiyak na layunin at tiyak na paksa. Karaniwang ginagamit ang ikatlong panauhan na siya, sila, nila… Ibang tao ang target na mambabasa. Nakalahad ang katotohanan na sumusuporta sa pangunahing ideya. Nagbibigay interpretasyon sa panitikan, nagsusuri, nagbibigay ng impormasyon, nanghihkayat, nangangatwiran, at nagbibigay ng mensahe. Kontrolado ang paraan ng pagsulat dahil may pormat na kailangang sundin. Halimbawa nito ay balita, talambuhay, patalastas, ulat, liham pangangalakal, editoryal at iba pa.
Mga uri ng pagsulat 1. 2. 3. 4.
Teknikal Referensyal Jornalistik Akademiko
Teknikal
-
-
Ang teknikal na manunulat ay isang tao na lumilikha ng dokyumentasyon para sa teknolohya. Kailangan na ang teksto ay walang mali. Ang teknikal na pagsulat ay karaniwang naglalaman ng mga paksang panteknikal. Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos . Ang teknikal na pagsulat ay isang uri ng ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
Referensyal
-
Pagsulat na may kaugnayan sa malinaw at wastng presentasyon ng paksa. Uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay impormasyon o nagsusuri.
-
Halimbawa nito ay teksbuk, balita, manwal at iba pa. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan o kaya’y makabuo ng konklusyon batay sa katotohanang ito. Ang anyo ng impormasyon ay kailangang tatoo o tunay at komprehensibo.
Jornalistik
-
Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot sa lahat ng mga tanong na pangjornlistik na sino, ano, saan, kailan, bakit at paano. Ang pangunahing punto ay nakalagay sa unahan at ang ibang impormasyon ay isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa digaanong mahalaga.
Jami Cameron
-
Ayong kay Jami Cameron, sa pagsulat ng ng jornalistik, isaalang-alang ang mga sumusunod:
Kunin agad ang punto ng istorya Huminga Sumulat ng malinaw
Akademikong pagsulat
Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon na kailangan mong maunawaan ang akademikong pagsulat. Isa sa pinaka mahalaga rito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga ideya ng panganatwiran.ang layunin ng akademikong pagsulat ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik sa ginawa Narito ang mga katangian ng akademikong pagsulat:
Pormal Obhetibo -hindi personal o pansarili Maliwanag May paninindigan May pananagutan