La Liga Filipina
Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892 sa isang tahanan sa Ilaya Street, Tondo, Maynila. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ang pangunahing layunin nito ay maging malaya ang Pilipinas sa España sa mapayapang paraan. Ang unang pangulo nito ay si Ambrosio Salvador. Ito ay nagtagal lamang ng tatlong araw. Ipinakulong si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ipinatapon siya sa Dapitan noong Hulyo 7, 1892.
Mga Layunin
mapagkaisa ang buong bansa
mabigyan ng proteksyon ang bawat isa kung kinakailangan malabanan ang karahasana at inhustisya mapag-aralan ang mga reporma para sa bansa Kasaysayan
Naisip ni Rizal ang pagtatayo ng isang organisasyong kinabibilangan ng mga Pilipino nang siya ay nasa Hong Kong. Sa tulong ni Jose Ma. Basa, naisulat niya ang konstitusyon ng samahan. Ilan sa mga kilala at pangunahing kasapi ng samahan ay sina Deodato Arellano, Andrés Bonifacio at Apolinario Mabini.
Panunupil Bagaman ito ay isang diplomatikong samahang kinabibilangan ng mga edukado at ilang may mga sinabi sa buhay, napagtanto ng kinauukulan ng Espanya ang hatid nitong panganib sa pamahalaang kolonyal. Noong Hulyo 6, 1892, apat na araw pagkatapos ng pagkakatayo ng La Liga Filipina, ay lihim na inaresto si Rizal. Nang sumunod na araw ay ipinag-utos ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujolang pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Matapos ang pagkakaaresto, tumigil sa pagiging aktibo ang samahan. Makalipas ang ilang araw, muli itong iniorganisa ni Domingo Franco at Andres Bonifacio. Ang samahan ay nahati sa dalawa. AngCuerpo de Compromisarios, na siyang magbibigay suporta sa La Solidaridad sa Espanya; at ang Katipunan, na siyang naging militanteng samahan na nagpasimula ng rebolusyon sa Pilipinas.
La Solidaridad
Ang La Solidaridad ay ang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya. Layon nitong magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Spanish Cortes. Ito ay itinatag noong ika-13 ng Disyembre, 1888. Ang pangalan ng samahan ay siya ring tawag sa pahayagang kanilang inilathala. Si Galicano Apacible, pinsan ni RIzal, ang pangulo ng La Solidaridad. Sina Graciano Lopez Jaena at Mariano Ponce naman ang pangalawang pangulo at ingat-yaman ng samahan. Bilang pagkilala kay Rizal na nasa London ng panahong yaon, iginawad sa kanya ang pagiging Honorary President nito. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ni Apacible na pagbuklurin ang mga repormistang kasapi. Datapwat ang La Solidaridad ay nangangahulugang pagkakaisa, ang samahan ay naranas ng pagkawatak-watak at anarkiya. Kinailangan pa ang popularidad ni Rizal at katalinuhang pampulitikal ni Del Pilar para pag-isahin ang mga Pilipino sa Espanya.
Ang La Solidaridad ay nagsulong ng repormang pulitikal. Ang ilan pang naisin ng samahan ay ang sumusunod:
Sekularisasyon Kinatawan sa Spanish Cortes Pakikilahok sa Gobyerno Pagkakapantay-pantay sa batas Kalayaan sa pananalita, pagtitipon at pagpapahayag Malawakang kalayaang panlipunan at indibidwal Asimilasyon
Ang pahayagang nilimbag na may kaparehong ngalan ang naging daan upang pagsamahin ang mga ideya ng mga kasapi. Ito rin ang naging pangunahing medium ng propaganda mula Pebrero 15, 1889 hanggang Nobyembre 15, 1895. Ang unang patnugot ng pahayagan ay si Graciano Lopez Jaena. Di naglaon, humalili si Marcelo H. Del Pilar sa kanya. Ang pang-ulong tudling ng unang isyu ng La Solidaridad na lumabas noong Pebrero 15, 1889 ay nagpahayag ng ganito: Our aspirations are modest, very modest. Our program, aside from being simple, is clear: to combat reaction, to stop all retrogressive steps, to extol and adopt liberal ideas, to defend progress; in a word, to be a propagandist, above all, of democratic ideas in order to make this supreme in all nations here and across the seas. Ang karamihan sa mga nag-ambag sa La Solidaridad ay Pilipino. Sila ay sina:
Marcelo H. Del Pilar (Plaridel) Dr. Jose Rizal (Laon Laan) Mariano Ponce (Naning, Kalipulo, Tigbalang) Antonio Luna (Taga Ilog) Jose Ma. Panganiban (Jomapa) Dr. Pedro Paterno Antonio Ma. Regidor Isabelo delos Reyes Eduardo de Lete Jose Alejandrino
May ilan ding dayuhan na kaibigan ng samahan ang nag-ambag, tulad nila Propesor Blumentritt at Dr. Morayta. Naging salik sa hindi malawak na pagkalat ng propaganda ng La Solidaridad ang pagsulat ng mga kasapi sa Espanyol, isang lenggwaheng hindi maunawaan ng masa. Dagdag pa rito ang masinsinang pagsala sa mga sulating nakapaloob sa nilimbag.
Sa kabila ng lahat, ang impluwensiya ng samahan sa rebolusyon ay hindi matatawaran. Totoo ngang ang La Solidaridad, mga nobela ni Rizal at iba pang uri ng propaganda ay may limitadong serkulasyon sa lipunan. Subalit, nakaabot ang mga ito sa mga ilustradong nananahan sa lalawigan. Sila ang naging katuwang ng mga propagandistsa sa pangangalap ng pondo at pagpapalaganap nang palihim ng mga repormang sinusulong. Ang pagpigil ng pamahalaan sa pagpasok ng La Solidaridad at ang paghinto ng pagpapakalat nito ang nagpatunay ng kawalang kalayaan sa pagpapahayag na siya kinukondina ng mga propagandista. Ang mga sanaysay na nakapaloob sa La Soldaridad ay salamin ng realidad na nangyayari sa Pilipinas noong mga panahong yaon. Ang mga nakabasa nito ay nakisimpatya sa mga propagandistang sumulat sa mga akdang naroon. Sa ganitong paraan, nabuo ang damdaming makabayan sa kanilang mga puso. Dahil din ditto, naging handa sila sa paglaban para sa alam nilang katotohanan. Noong Nobyembre 15, 1895, isinulat ni Marcelo H. Del Pilar ang kanyang pagpapaalam: Ang Kilusang Propaganda Ang Kilusan ay binuo ng mga sumusunod na grupo:
mga ipinatapon noong 1872, karamihan ay mestisong Kastila at mga creole;
kabataang estudyante, anak ng mayayamang katutubong principalia o mestisong Tsino o Kastila
mga pinagdududahang filibustero na tumatakas mula sa rehimeng Kastila (Cf. Constantino, A Past Revisited.)
Mga Kasapi ng Kilusang Propaganda
Si Rizal at Kilusang Propaganda:
3 Mayo 1882—umalis si Rizal patungong España; makakasama niya ang mga kapwa ilustrado at magiging aktibo sa mga pagkilos para sa paghingi ng reporma sa España Hangarin ng Kilusang Propaganda
•
•
Hangaring Pang-ekonomiya –
Pagpapatibay ng patakaran ng “malayang kalakalan” sa Pilipinas at pag-aalis ng paghihigpit sa negosyo
–
Paghahanap ng paraan na mabigyan ng matatag na pamilihan ang mga produkto ng Pilipinas
–
Mabilisang hakbang para sa liberalisasyon ng ekonomiya ng bansa
Hangaring Pang-ekonomiya –
Pagpapatibay ng patakaran ng “malayang kalakalan” sa Pilipinas at pag-aalis ng paghihigpit sa negosyo
–
Paghahanap ng paraan na mabigyan ng matatag na pamilihan ang mga produkto ng Pilipinas
–
Mabilisang hakbang para sa liberalisasyon ng ekonomiya ng bansa
Circulo Hispano – Filipino
Ang Circulo Hispano-Filipino ay inorginasa ng mga estudyanteng Pilipino sa Madrid, kasama ang ilang mga Espanyol na dating nanirahan sa Pilipinas, karamihan mga Liberal, gaya ni Pedro Ortiga y Rey, alkalde ng Maynila, at Consejero de Ultramar para sa Pilipinas. HIindi nagtagal ang Circulo pati na ang magazin nito. Sa mga estudyante, kahirap mangalap ng pondo. Nagdusa din ang Circulo dahil sa sumusulpot na problemag indibidwalismong wala sa lugar, bawat kasapi ng organisasyon lihim na nagmamaktol kung hindi siya ang inihalal na pangulo. Ang partikular na katangiang ito sa hanay ng kababayan, ang kahirapang pagsanibin ang mga puwersa para sa isang pagkilos, bunga ng labis na indibidwalismo, ay problemang dadagan-dagan kay Rizal sa takbo ng kanyang buhay politikal. Palagian nya itong alalahanin, at hindi rin nya mawari kung paano pakikitunguhan. Nagsimulang magsisi itong mga estudyante sa pagkabuwag ng Circulo, sanhi na rin ng kanilang kawalang-pansin at pagkakawatak-watak. Sa panahong ito, kamit na ni Rizal ang mataas na pagpapahalaga ng kanyang mga propesor at mga kaeskwelang Espanyol at unti-unti ng pinakikinggan ng kapwa nya Pilipino; subalit matindi pa rin ang dating naknak. Noong 2 Enero 1884 isang pulong ang idinaos sa bahay ng tatlong magkakapatid na Paterno, Pedro, Maximo, at Antonio, para talakayin ang pagbubuhay-muli ng Circulo. Hindi tinukoy ni Rizal sa kanyang talaarawan, ngunit napagtanto nyang nasa likod nito ang pagtanggi ng mas mayayamang estudyanteng manguna sa pag-aambag ng pera. Datapwat sa mga oras na iyon, si Paterno, isang kaibigang malapit ni Rizal na kapareho nya ng interes at saloobin, na tatanyag sa Unang Republikang Pilipino, ay hindi masugid sa pagtanggap ng
responsibilidad. Sa katunayan, ang kawalang liderato ni Paterno ang naging pangunahing balakid na kinaharap ni Rizal sa unang dalawang taon nya sa Madrid. Mga ibang pang kaalaman :
Unang gawaing kolektibo ng komunidad ng mga Pilipino sa Madrid; nagmula sa piging para sa publikasyon ng aklat ni Gregorio Sanciangco noong 1881 na El Progreso de Filipinas na nagtalakay sa dekreto na nagtakda ng pag-alis sa monopolyo ng pamahalaan sa tabako; naging simbolo ito ng progresibong pagbabago o repormang liberal na kahilingan sa gobyerno.
Abril 1882 – itinatag ang Circulo Hispano-Filipino sa ilalim ng pamumuno ni Juan Atayde, isang insular at retiradong opisyal ng sandatahang lakas
Ayon kay Schumacher, sa unang bahagi, ang organisasyon ay isa lamang itong social club, pero sa pagdating ni Rizal sa Madrid noong Setyembre 1882, nakita niya ang organisasyon na posibleng instrumento para mapagkaisa ang mga Pilipino.*
Naglabas ang samahan ng isang pahayagan, Revista del Circulo Hispano-Filipino upang ipahayag ang pangangailangan ng Pilipinas ng reporma.
Ang Masoneria Aakalain siguro ng iba na simpleng larawan lang ito ni Rizal, ngunit ang larawang ito ay isa lang sa mga bakas ng partisipasyon ni Rizal bilang isang Mason. Sa litratong ito, bagong miyembro pa lang ng Masonerya si Rizal dahil pangMarshall pa ang kanyang suot. Kilala natin si Jose Rizal bilang bihasa sa maraming bagay, ngunit hindi madalas napaguusapan ang kanyang pagiging isang Mason. Lingid sa kaalaman ng nakararami, naging kasapi si Rizal ng isang sikretong kapatiran na kinabibilangan ng mga pinakamakapangyarihan at kilalang tao sa lipunan.
Lihim man ang kapatirang kinabilangan ni Rizal, hindi naman naging sikreto ang kanyang mga kontribusyon sa kapatiran. Sa aking pagkakaalam, namulat si Rizal sa mundong ito sa kanyang
paglalakbay sa Madrid kung saan siya ay sinasabing naimpluwensyahan sumali sa pamamagitan ni Miguel Morayta, isang propesor ng Kasaysayan sa Universidad de Madrid. Sumali si Rizal sa Acacia Lodge No. 9 na bahagi ng isa sa pinakamalaking grupo ng Masonerya sa Espanya. Ayon sa mga Pilipinong Mason, umabot ng 18th Degree Mason si Rizal at naging isang Master Mason sa Madrid noong Nobyembre 1890. Alinsunod sa mga kasanayan noon sa Masonerya na maaring gumamit ng isang pangalang sumisimbolo sa katauhan, ginamit ni Rizal ang pangalang Dimasalang. Si Rizal ang itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensya at pinakatanyag na Pilipinong Mason sa kasaysayan ng ating bansa dahil sa kanyang mga naging kontribusyon. Panahon pa ng mga Kastila ng unang maitatag ang Masonerya sa Pilipinas, at si Marcelo H. del Pilar ang sinasabing nagtatag nito sa ating bansa. Sila Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Manuel L. Quezon, at Jose Rizal, ay ilan lang sa mga tanyag na Pilipinong Mason na naging bahagi na ng ating kasaysayan. Si Juanito P. Abergas, ang kasalukuyang Grand Master of the Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines, ay ang tumatayong pinuno ng mga Mason sa Pilipinas na nagkikita-kita sa mga tinatawag na Lodges na matatapagpuan sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
Dahil sa konsepto ng kapatiran sa mga Mason, at respeto sa lihim na usapan, nahikayat si Rizal na maging isang Mason dahil sa kanyang pagnanais na makawala sa mga kamay ng Kastila. Ginamit ni Rizal ang kanyang mga natutunan na pamamaraan ng mga Mason upang mabuo ang La Liga Filipina. Talagang hinahangaan ko ang paggamit ni Rizal sa mga network at sistema ng mga Mason upang isulong at ipaglaban ang reporma para sa kalayaan ng ating bansa. Ang isa sa mga pinagdedebatihan na detalye sa kasaysayan ay kung binawi ba ni Rizal ang kanyang pagka-Mason bago siya binaril ng firing squad sa Bagumbayan. May mga nagsasabing itinatwa niya ang pagiging Mason, bagay na hindi ko buong pinaniniwalaan dahil pagkatapos ma-firing squad noong Disyembre 1896, inilibing lang si Rizal sa isang sementeryo sa Paco na walang basbas ng simbahan. Ilang taon pagkatapos ng pagkamatay ni Rizal, inalok ng mga paring Heswita ang pamilya ni Rizal na bigyan siya ng katolikong libing, ngunit tumanggi ang kanyang pamilya at sa halip ay ibinigay ang karapatan sa mga Mason.
Sa pangunguna ni Timoteo Paez, ang mga kapatid ni Rizal sa Masonerya ang nag-prusisyon ng kanyang mga labi papunta sa isang templo ng Masonerya sa Tondo. Dito binigyan si Rizal ng funeral honors bago inilibing sa Luneta noong 1912. Sa buong kasaysayan, malalim ang hidwaan ng simbahan at mga Mason sa buong mundo. Ramdam ito hanggang sa Pilipinas dahil sa paniniwala ng simbahan na erehe ang mga Mason at mariin nilang ipinagbabawal ang pagsapi ng isang katoliko sa kapatiran. Ngunit para sa kapatiran, hindi nila kinokontra ang pagiging isang Katoliko o ano mang relihiyon ng isang miyembro at ang Masonerya ay hindi kailan man sumalungat sa mga aral na itinuturo ng simbahang Katolika.