“Ang Katapus an” an” El Filibusterismo Kabanata 37 – 39 Jana Santos JD Carreon JP Nocom Lorenz Garcia
IV – Hyacinth Sir Mervin Villaroya Ang Katapusan Kabanata 37 - 39
•
Suliranin o
o
Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis lumaganap ang usapan sa buong bayan (gaya ng paglaganap ng usapan sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa pagdating ni Ibarra sa Noli at sa mga usap-usapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre Damaso). Makikita din natin dito na may pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba na walang inisip kundi ang kanilang kayamanan. Dulot na din siguro ng kahirapan dati kung kaya’t sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng kumakapit dito ang mga Pilipino.
Makikita natin dito ang pag uuyam ng buhay nila Tandang Selo, Kabesang Tales at Tano. Sila ay nagkahiwa-hiwalay ng landas sapagkat sila ay napilitan. Ito ay hindi nila kagustuhan. Dahil sa paghihirap at kasamaang dinulot sa kanila ng mga prayle ay nawalan sila ng kabuhayan at nagkahiwa-hiwalay. Dahil dito ay napilitan silang maghigante sa kanilang sari-sariling paraan. At si Tano ay nagdurusa sa kanyang trabaho. Makikita din natin na sa kabanatang ito huling binanggit si Kabesang Tales at Carolino at sila ay nanatili pa ring tulisan at guardia sibil. Walang klarong paglalahad kung ano talaga ang nangyari sa kanila.
o
•
Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.
Bisa sa akda o
Sa isip
o
Kung mapapansin natin sa mga kabantang ito, ang mga bagay na tulad ng mga chismis na walang patunay na ikinalat ng pamilya Orenda ang nagbigay panganib sa buhay ni Simoun. Dahil sa ginawa ng pamilya Orenda, may taong nalagay sa panganib. Kaya dapat ay iwasan natin ang mga gantong bagay dahil may mga taong maaaring masaktan nang hindi natin nalalaman.
Sa damdamin
Ang ginawa ni Padre Florentino na pagtapon sa salapi ay tama. Naging sakim ang mga tao at nakakagawa ng mga masasamang bagay dahil dito. Malamang kung hindi itinapon ito ng pari ay hindi pa rin natapos ang kaguluhan sa kwento.
o
Sa kaasalan
•
Tayutay o
o
o
o
o
•
Dapat ay huwag tayong magpapakabulag sa kapangyarihan at kayamanan at paghihiganti dahil sila ang mga bagay na magpapabagsak sa atin. Angpaghihiganti ni Simoun ay para sa kanyang pansarili lamang. Hindi niya inisip ang mga taong maaring masaktan dito.
Si Simoun ay baril sa lipunan. (Metapora) Tanging ang pag-ibig ang nakakalikha ng mga kahanga-hanga. (Personipikasyon) Kung nasaan ang panganib, doon tayo pumaroon. (Pag-uuyam) ...matutuhan kang kunin ng Diyos sa sinapupunan ng alon. (Personipikasyon) Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat, na kasama ng mga korales at mga perlas sa walang katapusang dagat. (Pagtawag)
Teorya o
Teoryang Sosyolohikal
Para sa akin, ito ang pinaka nababagay na teorya sa mga kabanata na ito at para sa buong nobela. Ipinakita ni Rizal ang kasakiman ng mga namamahala sa ating bansa. Dahil sa kanilang mga gawain, maraming tao ang nasaktan sa pagiging makasarili nila. Kasama dito ang
pagbabago ng mga tao dahil sa kanilang poot na nararamdaman para maghiganti.
•
Kaugnayan sa kasalukuyan o
•
Kahalagahan ng mga kabanata o
•
May mga taong dahil sa nagagawa ng kapangyarihan at kayaman ay nagiging makasarili sila. Dahil dito, marami silang naapakan na tao na bumubuo ng kapootan sa kanilang mga sarili. Meron din namang mga taong dahil sa sanhi ng kanilang galit ay naghihiganti sila. Dahil din sa paghihiganti, nagiging makasarili sila at hindi nila namamalayan na marami na palang silang nasasaktan tao na maari ring magdulot ng kanilang mga galit sa puso.
Mahalaga ang mga kabanata at ang buong nobelang ito dahil ito ay nagbigay tulong sa pagbukas sa kamalayan ng mga tao na ang emosyon, kayamanan at kapangyarihan ay dapat gamitin sa tama. Kung babasahing mabuti, malalaman natin na ang paghihiganti ni Simoun ay siyang nagpabagsak din sa kanya at nagdala sa kanyang sariling hantungan. Ang poot sa kanyang puso ang dahilan ng mga kaguluhan sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya dapat ay mahinahon nating harapin ang mga bagay bagay na kaharap natin.