Pangalan: _______________________________ __________________________________________EsP ___________EsP 3 Activity 1 Layunin: Nakagagawa ng mga wastong kilos pangangalaga pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan.
at
gawi
sa
Code: EsP3PKp-Ie-18 Code: EsP3PKp-Ie-18 Pag-aralan: Para mas madaling maunawaan, masusing binigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na salita: Adulto – Adulto – Ito Ito ay tumutukoy sa mga taong may edad na 21 pataas. Junk food – food – Ito Ito ay ang mga pagkain na tulad ng sitsirya, sitsirya , inuming soda.
kendi
at
Alamin
Paraan Para Maging Malusog 1. Maging Malinis Para maiwasan ang sakit at ang pagkalat nito ugaliing maging malinis. Ang pinakamagandang panlaban dito ay laging paghuhugas ng kamay. Kapag malinis ang kamay, maiiwasan ang pagkalat ng malubhang sakit. Kaya, dapat maghugas ng kamay:
Pagkatapos gumamit ng palikuran Matapos humawak ng basura Bago at pagkatapos kumain Bago at pagkatapos maghanda ng pagkain
2. Gumamit ng malinis na tubig Kailangan natin ng malinis na tubig araw-araw. Siguraduhin na ang ating iniinom na tubig, ginagamit sa pagsesepilyo, paghugas ng mga gamit, gamit sa pagluluto at paggawa ng yelo ay malinis ang pinagmulan. 3. Mag-ingat sa Kinakain Para maging malusog, napakahalaga ang tamang nutrisyon. Para sa tamang nutrisyon, kailangan ang masustansiya at balanseng pagkain. Kumain ng prutas sa halip na junk na junk food. food. Kumain ng gulay sa halip na mga de-latang pagkain. Iwasan din ang pagkalason na dala ng maling preparasyon ng pagkain.
4. Mag-ehersisyo Anuman ang iyong edad, kailangan mo ng regular na ehersisyo para sa magandang pangangatawan. Maraming uri ng ehersisyo. Pwede itong laro gaya ng basketball o tennis. Maaari rin itong trabaho gaya ng paghahalaman o pagsisibak ng kahoy. Maaari rin ang paglalakad o pagbibisikleta. pagbibisikleta.
5. Kailangan ng Sapat na Tulog Iba-iba ang haba ng tulog na kailangan ng bawat tao. Karamihan ng bagong-silang na sanggol ay natutulog nang 16 hanggang 18 oras araw-araw; ang mga batang edad 1-3 ay natutulog nang mga 14 na oras, at ang mga edad 3-4 naman, mga 11 o 12 oras. Karaniwan na ang mga batang pumapasok sa eskuwela ay nangangailangan ng di-bababa sa 10 oras na tulog, mga 9 o 10 oras naman para sa mga kabataan, at 7 hanggang 8 oras para sa mga adulto.
6. Huwag uminom ng gamot na di nireseta ng doktor Ang pag-inom ng gamot na hindi nireseta ng doktor ay masama sa ating kalusugan. Sinisira nito ang sistema ng ating katawan lalo na ang ating utak.
Gawain: A. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng mabuting gawain para mapanatailing malusog ang ating katawan? Isulat ang TAMA kung ito ay nakabubuti sa ating kalusugan at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang. 1.
3.
_________________
2.
_________________
4.
_________________
5.
_________________
_________________
B. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin kung anong pamamaraan ang ginagawa ng tauhan para maging malusog. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Nasa Ikatlong Baitang si Jonard. Natutulog siya ng 8- 10 oras araw-araw. 2. Laging naghuhugas ng kamay si Lavli bago at pagkatapos kumain. 3. Tuwing umaga ng Sabado, nagdyadyaging ang pamilya ni Elijah. 4. Sinisigurado ni nanay Perling na malinis ang tubig na ginagamit nita sa pagluluto. 5. Pinatingnan muna ni Aling Maria ang kanyang anak na maysakit sa doctor bago pinainom ng gamot. 6. Tinitiyak ni Aling Mameng na wasto ang sustansiya ng mga pagkaing ipinapakin sa mag-anak.
Sanggunian: (n.d.). Retrieved October 14, 2016, from https://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/g201506/ maging-mas-malusog/ (n.d.). Retrieved October 18, 2016, from 1. http:// www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_Tagal og/mga_katangian_ng_pilipino.htm
Pangalan: __________________________________________EsP 3 Activity 2 Kaligtasan at Kahandaan sa Panahon ng Kalamidad Marami na tayong karanasan sa mga kalamidad na dumaan sa ating bansa. Ang pagiging handa ay makatutulong sa atin upang tayo ay makaiwas at makaligtas sa iba’t ibang uri ng kapahamakan. Maging mapagmatyag tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo na sa ating mga kalikasan. Sa panahong ganito, mainam na mayroon tayong Emergency Go Bag.
Ang Emergency Go Bag ay isang lalagyan ng mga gamit na kailangan sa panahon ng kalamidad. Ang mga sumusunod ay dapat laman ng bag. 1. inuming tubig na nakabotelya
2. pagkaing hindi madaling ( noodles/ de-lata/ nakapreserba) 3. gamot at bitamina 4. first-aid kit (bandages, hand sanitizer, gloves, ointment, pain reliever at ice packs) 5. kumot 6. matibay na sapatos o boots 7. damit 8. Personal hygiene items (soap, wipes, toilet paper, feminine hygiene products, toothbrush and toothpaste) 9. Flashlight 10. mapa ng sariling lugar/ bayan/ o rota ng lilikasang lugar 11. radyong de baterya 12. Ekstra na baterya (sizes AA, AAA, C, D) 13. Pocketknife 14. pito 15. Cell phone na may charger 16. Papel, bolpen 17. Ekstrang pera 18. susi ng bahay at ng sasakyan (kung mayroon) 19. Abrelata (pambukas ng mga de-lata) 20. Kopya ng mga importanteng dokyumento 21. Larawan ng pamilya 22. Emergency phone numbers Tandaan: Siguraduhin na ang Emergency Go Bag ay madaling buhatin. Laging tingnan at palitan ang mga pagkain at gamot bago magexpire. Ilagay ang Emergency Go Bag sa lugar na nakikita at madaling makuha.
Gawain: A. Isang umaga, narinig ni Mikkel sa radyo ang babalang malaki ang pagkakataong magkaroon ng malalim na baha sa kanilang lugar. Agad niyang kinuha ang kanyang bag upang ilagay ang
mahahalagang gamit. Alin sa sumusunod ang dapat niyang ilagay sa loob ng Emergency Go Bag?
Sagutin ang mga tanong. 1. Ano-ano ang mga dapat ilagay ni Mikkel sa loob ng bag? 2. Makatutulong ba ito sa oras ng kanyang pangangailangan? Ipaliwanag ang sagot. 3. Dapat mo bang tularan si Mikkel sa kanyang ginawa? Bakit? 4. Kung ikaw si Mikkel maghahanda ka rin ba sa oras ng kalamidad? Paano mo ito ihahanda?
B. Ang mga sumusunod ay listahan ng mga bagay na ating kailangan sa panaahon ng kalamidad. Lagyan ng tsek ang aytem o bagay na dapat mailagay sa Emergency Go Bag. 1. 2. 3. 4.
Inuming tubig na nakabotelya madaling masira na pagkain ekstra na baterya aytem para sa personal hygiene
5. sasakyan 6. kopya ng mga importanteng dokyumento 7. ekstrang pera 8. aparador 9. flashlight 10. radyo 11. malaking gulok 12. pito 13. Cell phone na may charger 14. Papel, bolpen 15. emergency phone numbers 16. mapa ng ibang bansa 17. susi ng bahay 18. can opener 19. encyclopedia at iba pang libro 20. larawan ng pamilya na pagkakakilanlan 21. gamot/ bitamina 22. first-aid kit (bandages, hand sanitizer, gloves, ointment, pain reliever at ice packs) 23. katre, unan, kulambo 24. matibay na sapatos/ boots 25. damit 26. Hindi madaling masira na pagkain C. Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Anong uri ng pagkain ang dapat laman ng Emergency Go Bag? A. karne at isda B. prutas at gulay C. hindi madaling masira na pagkain D. madaling masira na pagkain 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat ilagay mo sa Emergency Go Bag? A. libro at magasin
B. sasakyan C. cellphone at charger D. kopya ng mga mahahalagang dokyumento 3. Sa mga aytem sa Go Bag, ano ang pinakaimportanteng kailangan para sa ating kaligtasan? A. susi ng sasakyan B. cellphone C. larawan ng pamilya D. pagkain at tubig 4. Ano-ano ang laman ng iyong Go Bag? I. II. III. IV.
Alcohol, bandages gauze, masks gamot, maliit na kutsilyo laruan, bahay-bahayan A. B. C. D.
I lamang I, II. III, IV I at II lamang I, II at III lamang
5. Anong aytem ang mahalaga sa mga bata, may kapansanan o matatanda? A. dokyumento B. gamot at bitamina C. papel at bolpen D. tali
References Community- Based Disster Risk Reduction and Management BAsic Instructor's Guide. (n.d.). OC JICA Project Disaster Risk Reduction and Management Capacity Enhancement (pp. 112-137). Office of Civil Defense Region 02 Regional Disaaster Risk Reduction and Management Council. Guillermo, H. (2016, October 12). MDRRMO-Designate. (E. S. Marcelino, Int erviewer) redcross. (n.d.). Retrieved October 2, 2016, from Redcorss.org.: http://www.redcross.org/gethelp/prepare-for-emergencies/be-red-cross-ready/get-a-kit
Pangalan: __________________________________________EsP 3 Activity 3 Layunin: Nakasusunod sa mga tuntuning maykinalaman sa kaligtasan.Code: EsP3PPP-IIIc-d-15
ALAMIN MO
Mga Babala para sa Kaligtasan 1. Bawal Ang Umihi Rito Ang plakard na ito ay nagpapaalala sa atin ng paggamit ng tamang lugar kung tayo ay iihi. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede natin itong gawin. Bahagi ito ng ating pagiging disiplinado at pakikibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan.
2. No Smoking Ang pagbabawal na manigarilyo sa pribado o pampubliko mang lugar ay bahagi ng programa ng ating pamahalaan na bawasan ang mga nagkakasakit na dulot ng sigarilyo o maging ng usok nito na sumisira rin kahit sa mga nakakaamoy
lang. Ang paninigarilyo ay walang dulot na maganda sa ating katawan. 3. Mag-ingat sa Aso Karaniwang nakikita natin ito sa mga tarangkahan ng mga malalaking bahay o pribadong mga gusali. Ang rabies na galing sa aso ay pwede nating ikamatay kung hindi ito agad na maagapan. Kayat mag-ingat tayo sa aso.
4. Bawal Magtapon ng Basura Malala na ang problema sa basura saan mang lugar sa ating bansa. Nagdudulot ito ng sakit at pagbaha sa mga ilang lugar. Ang simpleng pagbabasura ng tama ay napakalaking tulong upang maligtas tayo sa kapahamakan. 5. BAWAL PUMASOK Ang plakard na ito ay karaniwang nakikita sa mga malalaking establisyemento o gusali na kasalukuyan pa lang ginagawa. Ipinagbabawal ang marahas na pagpasok dito sa kadahilanang maaari tayong maaksidente sa loob gaya ng pagkahulog sa mga hukay o pagkakuryente.
TANDAAN: Ang mga simpleng paalala na makikita natin sa ating paligid ay napakahalagang masunod natin. Ito ay para sa ating kaligtasan at kalusugan.
GAWIN MO
Panuto: Lagyan ng babala ang bawat sitwasyon sa ibaba. Mamili sa mga babala na nasa loob ng kahn sa ibaba. 1. Maraming bulaklak sa plasa. May Rosas, Camia, Daisy at Santan na talaga naming nakakaaliw tingnan. 2. Luntian ang damuhan sa gitnang bahagi ng hardin na kinatitirikan ng mga ibat-ibang hugis at laki ng paso. Para itong kutson na kaysarap higaan at pagpahingaan. 3. Sa isang museo, makikita doon ang mga iba-ibang kagamitan ng ating mga ninuno na kinumpuni para makita pa ng mga susunod na henerasyon. 4. Sa isang mall, napadako kayo sa pamilihan ng mga kasangkapan at mga kagamitan. Nakita mo ang isang napakagandang upuan? 5. Gutom na gutom ka na. Maraming batang tulad mo sa kantin. Ang mga iba pilit na sumisingit at nakikipagtulakan pa. May malaking karatula kang nabasa sa pader.
Pumila nang Maayos Bawal Hawakan Huwag Tapakan ang Damo
Bawal Mamitas ng Bulaklak Bawal Maupo Patayin ang Cellphone
SURIIN MO Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang T kung wasto ang sinasabi at M naman kung ito ay nakasasama sa atin. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Ang mga bata ay dapat matutong sumunod sa mga tuntunin ng pamayanan. ______________ 2. Iwasang makalanghap ng usok ng sigarilyo. Masama ito sa kalusugan. ________________ 3. Iwasang pumunta o pumasok sa lugar na may babalang: DO NOT ENTER. ______________________ 4. Ugaliing magtapon ng basura sa tamang basurahan o lalagyan. ____________________ 5. Itali ang ang aso upang di makapanakit ng tao.______________
Sanggunian: Caraan, Maria Carla M., e. (2013). Edukasyon Sa Pagpapakatao 3. Meralco Avenue, Pasig City: Department of EducationInstructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) (n.d.). Retrieved October 14, 2016, from https://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/g201506/ maging-mas-malusog/ (n.d.). Retrieved October 18, 2016, from 1. http:// www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_Tagal og/mga_katangian_ng_pilipino.htm
Pangalan: __________________________________________EsP 3 Activity 4 Layunin: Nakapagpapakita ng pananalig sa Diyos. Code: EsP3PD-Iva-7 Pag-aralan: Para madaling maunawaan, masusing binigyan ng kahulugan ang salitang: Pananalig – Tumutukoy ito sa pananampalataya at paniniwala sa Diyos.
Pananalig sa Diyos Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa. Ito ay isang kasabihan tungkol sa paniniwala natin sa Poong Maykapal. Kasama ng ating paniniwala ang responsibilidad sa mga gawaing hindi sisira ng ating pagkatao. May kanya-kanya tayong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos. Basahin mo ang maikling salaysay ng isang taong nakamit ang kanyang pangarap. Alamin kung paano siya nagtiwala sa Diyos at kung ano ang kaugnayan ng kasabihan sa kanyang buhay. Ako at ang Aking Pananalig Lumaki ako sa mahirap na pamilya. Sa hapag-kainan, laging eksakto ang hatian. Hindi na ako puwedeng humingi ng dagdag na ulam kahit gutom pa ako dahil kailangang pagkasyahin ni Nanay ang ulam para sa lahat. Kulang din kami sa kasuotan. Ganoon pa man, inalagaan ko ang aking sarili para di magkasakit.
Naglalakad lang ako papunta sa paaralan kahit medyo malayo ito. Sa limang pisong baon, hindi na ako makakakain kapag nagtricycle pa ako. Pero nakatulong sa akin ang paglalakad para maehersisyo ang aking katawan. Isang araw, may ipinagawa sa amin si Gng. Marcelino, ang aming guro sa Ikatlong Baitang. Pinapikit niya ang aming mga mata at isipin ang pangarap namin sa buhay. Ilarawan daw sa aming isipan na kami ay nagtagumpay na makamit ang aming pangarap. “Magtiwala sa Poong Maykapal at lahat ng pangarap mo ay iyong makakamtan, " dagdag pa niya.
Pagkatapos, pinadilat na niya kami at tinanong ng ganito: “Mga bata, nananalig ba kayo na magkatotoo ang mga pangarap ninyo?” “Opo”, ang naging sagot naming lahat. Tinanong niya ulit kami. Kung nananalig daw kami, ano ang maaari naming gawin para matupad ang pangarap namin. Sumagot naman kami. Sabi ko, “Kahit ano ang mangyari, sisikapin kong
makatapos sa pag-aaral.” Hindi ko na matandaan ang sinagot ng iba kong kaklase. Sabi niya matutupad daw ang aming pangarap kung kami ay mag-aaral nang mabuti at magtitiwala sa Diyos na tutulungan kami na maabot ang aming mga pangarap. Kasali na roon ang pangangalaga sa aming katawan at huwag hayaang magkasakit. Ilang taon ang lumipas at nagkatotoo nga ang aking pangarap. Ngayon, isa na akong guro. Gaya ko, matutupad mo rin ang iyong pangarap basta manalig ka. Ikaw? Ano ang pangarap mo? Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap na pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos anuman ang kaharapin natin sa ating buhay. Habang ginagawa natin ang ating makakaya, dapat patuloy na pagdarasal na may pananalig sa Diyos ang kailangan. Ingatan din natin ang ating katawan. Huwag basta umiinom ng mga gamot na walang reseta ang doktor. Kung sakali man, uminom sa tamang oras. Sakto dapat ang sukat o bilang ng ating iniinom na gamot. Tiyaking wasto ang oras ng pag-inom. Sa ganitong paraan, maaalagaan natin ang ating kalusagan at makakamit natin ang ating mga pangarap.
GAWIN MO
Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa loob ng kahon kung nagpapakita ng pananalig sa Diyos. Malungkot na mukha naman kung hindi. 1. Tumanggi si Noel sa mga kaklaseng nag-aaya sa kanyang mamasyals. 2. Nag-alay ng bulaklak si Nora sa altar sa misa.
pagsisimula ng
3. Sumama ang loob ng mag-anak nang mamatay sa sakit ang kanilang anak. 4. Tahimik lang sa Kanyang upuan si Ana habang ginaganap ang pabasa sa simbahan. 5. Nawalan ng ganang mag-aral si Jose nang magkasakit siya.
6. Kahit mahirap, inaalagaan ni Ana ang kanyang kalusugan.
7. Pinapainom ni Aling Marta ang kanyang anak ng gamot sa tamang oras ayon sa payo ng doktor. 8. Hindi iniinom ni Tony ang mga gamot na nireseta ng doktor sa kanya. 9. Naglalakad papunta sa paaralan si Annie kahit malayo sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral.
10. Nais makamit ni Elijah ang kanyang pangarap kaya nagpupursigi siyang mag-aral.
SURIIN MO Panuto: Isulat kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali. 2. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang patimpalak sa pagbigkas. Sa halip na siya ay mag- ensayo kasama ang guro ay lumiliban siya upang maglaro ng computer games. 3. Magkakaroon ng katuparan ang ating mga ipinapanalangin sa Diyos kahit wala tayong gawin upang ito ay mangyari. 4. Ang pananalig sa Diyos ay maipakikita sa ating pagdarasal. 5. Dapat na mapalakas ang ating pananalig sa Diyos kahit minsan ay di nagkakaroon ng katuparan ang ating mga hinihiling sa Kanya.
Sanggunian: (n.d.). Retrieved October 14, 2016, from https://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/g201506/ maging-mas-malusog/ (n.d.). Retrieved October 18, 2016, from 1. http:// www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_Tagalog/mga_katan gian_ng_pilipino.htm