"Bakit Karamihan sa mga Estudyante ay MayroongMababa at Bagsak na Marka sa Eskwelahan"
Akda ni : Marvilyn Quilong Quilong
Pasasalamat
Lubos kong pinasasalamatan ang mga sumusunod dahil sa pagbibigay ngsuporta upang akingmapagtagumpayan ang pananaliksik na ito:
Unang- una,ako'y nagpapasalamat sa Diyos na maykapal sa pag-gabay sa akin sa paggawa ng pananaliksik na ito at upang maisakatuparan ang mga bagay upang mabuo ito.
Sa mga may awtor, mga teorista at iba pang mga mananaliksik na aking kinuhanan ng mga impormasyon at proposisyon na ukol sa aking paksa.
Sa aking mga respondente, na sumagot sa aking mga tanong para sa sarbey at interbyu na nakatulong ng malaki upang mas maging epektibo ang pananaliksik na ito.
Sa aking pamilya at kaibigan, na naniwala sa akin sa pagtapos ng pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng suporta nanakatulong rin sa akin para maisagawa ng tama ang aking pananaliksik .
MARAMING SALAMAT PO!
TALAAN NG MGA NILALAMAN:
Pasasalamat
Kabanata 1 Ang Suliranin o Saligan Nito*
A. Panimula
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Saklaw at Limitasyon
E. Paglalahad ng Suliranin
Kabanata 2 Mga kaugnay ng Pag-aaral o Literatura*
Kabanata 3 Mga disEnyo at Paraan ng Pananaliksik*
A. Mga Disenyo ng Pananaliksik
B. Metodolohiya
C. Mga Respondent
D. Instrumentong Pananaliksik
E. Tritment ng Datos
Lagom
Konklusyon
Talasanggunian
Patungkol sa may-akda
KABANATA 1 ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
Panimula
Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga mag-aaral at kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo at maunlad ito ngunit kayraming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isa na nga rito ang mga dahilan kung bakit maraming mga estudyante ang mayroong mababang marka o grade sa eskwelahan?
Ito ay mga dahilang kadalasang nagagawa ng mga mag-aaral kapag sila'y nasa eskwelahan .Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap ko sa internet at sa sarbey na aking ginawa.
Bakit karamihan sa mga estudyante ang bumabagsak sa mga Major subjects?
Anu-ano ba ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito?
ang lahat ng kasagutan ay nasa nilalaman ng pananaliksik na ito.
Halina't tuklasin ang mga bagay na ito sa pananaliksik na ito.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito'y naglalayon na linangin ang mga kaisipan ng mga mamamayan ng bansa tungkol sa tunay na kalagayan ng estudyante sa ating bansa
tatalakay rin dito ang mga problema, dahilan at epektibong solusyon sa mga dahilan ng mga estudyantekung bakit madalas silang nakakakuha ng mga mababang marka sa mga major subjects. Ang mga impormasyong makukuha ay tumutulong upang mas makagawa ng isang mas epektibong proposiyon at impormasyon na magmumulat sa mga tao na ang pag-aaral ng mabuti ang susi sa isang masaganang buhay at kinabukasan
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
SA MGA MANANALIKSIK
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha pa siya ng mga impormasyon at makagawa ang isang pananaliksik ng isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa ibang tao upang mas maging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito
Sa mga kabataan
Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila para malaman ang mga problema at sanhi ng mga estudyante kung bakit mayroon silang mga mababang marka at kung bakit sila madalas bagsak sa kani-kanilang mga major subjects. Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang malaman na may malaking kinakaharap ang mga ganitong klaseng problema ang ating bansa tungkol sa mag-aaral.
Sa mga magulang
Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ng mga magulang upang kanilang malaman ang katotohanang malaki ang problema ng ating bansa lalong-lalo na sa mga estudyanteng may mga mababang marka.
Sa pamahalaan
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pamahalaan upang mas mapalawig pa nila ang kanilang kaisipan at hanggang sila'y makagawa ng iba't ibang solusyon at paraan upang masolusyunan ang problema sa mga estudyante ng ating bansa. Ang pag-aaral na ito'y makakatulong sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng edukasyon sa ating bansa lalo na sa mga estudyante sa ating bansa.
Sa komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kanilang mga isip at makagawa ng mga iba't ibang kuro-kuro para makatulong sa estado ng edukasyon ng ating bansa.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay at paggawa ng mga kongkretong impormasyon at datos na ukol hindi lamang sa mga Problema sa edukasyon ng bansang Pilipinas lamang kundi maging sa mga estudyanteng mayroong mababang marka sa klase at maraming bagsak sa kani-kanilang mga major subjects. Ako'y mangangalap ng mga datos sa iba't ibang lugar sa aming lugar na makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.
PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN
Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat angang mga estudyante na mag-aral ng mabuti. Mahalagang malaman din nilaang ilang mga kasagutan nila katulad ng:
Ano nga ba ang pag-aaral?
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral?
Paano ko masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?
Paano ko mapapataas ang aking mga marka?
Anu-anong mga bagay ang nararapat kong gawin para hindi na akobumagsak pang muli?
Paano ko mababago ang sarili ko?Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik na ito.Ang isa pang posibleng kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang mahubogang mga mag-aaral na panatilihing maging maayos ang kanilang pag-aaral.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Mga bagay na pinagkaka-abalahan ng mga estudyante na walangkinalaman sa pag-aaral. artikulo mula sa mga estudyante:
EPEKTO NG IPOD, LAPTOP, CP, AT PSP SA MGS KABATAANG PILIPINO
Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindiito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahilmarami silang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayona ng narating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan.Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ngmarami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito an gaming o ang paglalaro sacomputer na piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin,lalo na sa klase, na imbes libro at bolpen ang dala ng mga mag-aaral, angmga dala nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone.
Ang K-Zone ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na itomalalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa mga mallsngayon. Ang magasin na io ay may buwanang sipi na may titulong "What'sHot?" na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan ngayon atmga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mgamagasin, maraming kabataan ngayon ang bumibili ng K-Zone dahil na rin sa "What's Hot?" naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa kunganung bagong kagamitan ngayon.
Ang mga naunang pag-aaral patungkol samga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado na nakukuha ngmga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema sapamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na studyhabit, etc. Ngunit dahil ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop atCellphone, wala pang pag-aaral ang naglayong alamin ang mga epekto ngmga makabagong kagamitang ito sa mga mag-aaral. Ang kanilang atensyon at oras sa paglalaro o paggamit ngmakabagong kagamitan imbis sa pag-aaral. Dati ay sinasabing angedukasyon lamang ang hindi mananakaw sa isang tao. Ngunit sa pagsulpotng mga makabagong kagamitan ngayon, hindi ba't ninanakaw na nito angoras na dapat sana'y sa edukasyon nakalaan?
KABATAAN ---> ORAS SA PAG-AARAL---> PAGPAPAHINGA
"
TEKNOLOHIYA
"
MAKABAGONG KAGAMITAN
"
MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabtaan aynapagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilangpagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga omatulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sakabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphoneo di kaya'y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitangito na hatit ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabutingepekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epektodahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ngmga mag-aaral.
Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod atPSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mgamag-aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong haponimbis na mag-aral.Sa pag-aaral na ito, kami ay nagsagawa ng sarbey sa tatlonginstitusyon sa Metro Manila. Sa Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay,Espaňa. Dahil ito ay pampblikong paaralan, nais malaman ng pag-aaral naito kung naaapektuhan ba ang pag-aaral nila ng mga makabagong kagamitan.
Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Itoang isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain kapagginagamit. Marami rin itong modelo na mas lalong naghihikayat sa mgakabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga features ng cellphone ayang usong-usong text messaging.Sa ngayon kasi ito na ang pinaka-mabilisna komunikasyon. Naipapadala sapamamagitan nito ang lahat ng gustomong sabihin sa iyong kausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone dinay mayroon na ngayong Multimedia. Na kung saan pati litrato ng mga taoay pwede na rin maipadala sa kausap nito. Talagang marami nangmagagawa ngayon kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kunganu-ano ang mga nauuso na features ng mga lumalabas na mga bagongmodelo nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live mongmapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saanall in one cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono saiisang modelo. At video phone na kung saan magagamit mo ito na parangvideo camera. Ito ang mga ilang positibong bagay na naidudulot ngpagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din naming negatibo itong dala sabawat isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, nagiging dahilan o mitsana ng buhay natin ang cellphone. Marami na kasi ang mandurukot nagagawin ang lahat makuha lang ang kagamitan na ito. Madali kasingmabenta. Isa pa sa mga negatibong bagay ay ang pagkasira ngkinabukasan ng mga kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang haloslahat ng oras nila na sana'y sa pag-aaral na lang. ginagamit kasi angcellphone sa hindi mabuting paraan kagaya na lamang ng panliligaw. Madalikasi na paraan ang naidudulot nang paggamit ng cellphone. Angpangalawang patok na gamit teknolohiya ay ang kompyuter. Halos lahat atang mga tahanan ay mayroong kompyuter. Marami kasing gamit ang isangkompyuter lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay angpagbibigay ng internet. Alam naman nating lahat na halos lahat ngimpormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa mga libro naginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag ngimpormasyon. Ang kompyuter din ay mayroong mga Microsoft Word,Powerpoint, Excel at marami pang iba na tumutulong sa paggawa ng mgaresearch work, reports sa eskwelahan o trabaho. Mas napapabilis kasi angpaggawa ng mga sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Ang kompyuter dinay nagagamit sa mga paglalaro ng mga video games. Ito'y patok na patoklalo na sa mga kabataan. Nadadownload na kasi ang halos lahat ng mgalaro sa kompyuter kaya maraming kabataan ang nahihikayat na maglaronito. Ngunit, may masamang epekto rin ang paggamit ng kompyuter. Maymga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya madalas aypuro laro na lamang sila at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba dinnaman ay masyado na ring dumedepende sa pagkuha ng impormasyon sainternet kaysa sa mga libro. Na nagdudulot minsan ng plagiarism opagkopya ng ibang gawain.
Ang PSP o Portable PlayStation ay isa pa sa mga gadgets na nauusosa mga kabataan ngayon. Malamang ay maraming kabataang katulad ko napilit kinukulit ang mga magulang na bilhin ito. Marahil isang dahilan kungbakit marami ang nagkakamit na magkaroon nito dahil sa marami itong "features" na nakakaakit sa mga kabataan. Ang ilang "features" nito ay angMultimedia Playback kung saan ay maaaring makapanood ng mga pelikula.Audio Player kung saan ay may maaaring makinig ng mga musika. Camerakung saan ay maaaring makakuha ng litrato. Wireless Networking dahil angPSP ay nakakakonekta sa "wireless network" sa pamamagitan ng W-IFI nakung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng network para sa isang "multiplayer gameplay". Maaari rin itong makapagpadala ng mga litrato mula sa isang PSP papunta pa sa isa pang PSP. Internet Connectivity nakung saan ay nagagawa nitong makagamit ng internet sa pamamagitan ngwireless connection at maaaring makapanood ng live television broadcast.At Games kung saan maaaring makapaglaro ng iba't- ibang klase ng laro.Ito rin ay nagbibigay aliw sa mga gumagamit nito at nakakatangal ngpagkabagot. Halimbawa nalamang kung ikaw ay isinama ng magulang mosa isang selebrasyon na wala kang kainteres interes ay maaari mo itonggamitin. Ang PSP ay napakadaling dalhin kung saan saan. Napaka user-friendly nito kaya madaling gamitin. Hindi rin naman mawawala na maymga magaganda at masasamang dulot ang gadget na ito. Ang isa sa mgamabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at maingat ang may-arisa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam nitong mahal angkagamitan na ito. Natututo na magipon at magtipid para makabili nito. Sangayon ay hindi natin maikakaila na maraming kabataan ang mayroon ng PSP, tulad na lamang sa mga eskwelahan at unibersidad. Dahil sa madalasna paglalaro ng PSP ay masasabi din nating may naitutulong ito. Tulad ngpagpapatalas ng isip sa pagiisip ng mga estratehiya na gagamitin upangmatapos ang laro. Ang isang halimbawa ay ang mga RPG games.Magandang tulong din ng PSP ay nakakabuo ng pagkakaibigan dahil sakaalaman sa gadget na ito o dahil sa mga bagong lagay na laro, kanta opelikula sa PSP. At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan saimpluwensiya ng droga dahil mayroon silang pinagkakaabalahan. Kungmayroong magandang dulot… Malamang ay may masama rin ito. Tulad ngdahil sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang mga ito.Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Maaaringkalabasan nito ay magkaroon ng malaking posibilidad ng maging obese angmga kabataan. Nakakasira sa kalusuagan lalo na sa mata. Alam natingmaraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na magkaroon nito…Dahil dito ay nagdudulot ito ng sakit sa ulo sa mga kabataan sapagkat sakagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan ito ngpagnanakaw. At higit sa lahat ay naisasantabi nila ang kanilang pagaaral.Halimbawa nalamang na mas inuuna nila itong gawin kesa sa paggawa ngkanilang takdang aralin o kaya naman magaral para sa mga pagsusulit. Isapang gadget na patok sa mga kabataan ay ang IPOD na tila ay hindi nilamaiwan iwan sa bahay kapag umaalis o bumabyahe. Tulad ng PSP ay maymagagandang "features" ito kaya sobrang lakas ng hatak nito sa kabataan.Ang mga "features nito ay Games na kung saan ay nakakapaglaro ng iba't-ibang klaseng laro. Contacts kung saan ay maaaring mailagay ang magnumero ng mga tao. Notes kung saan maaaring ilagay ang mgaimportanteng gawain. At ang iba pa ay Calendar, Alarm Clock/Clock, Photoskung saan ay makikita ang mga ilang larawan na inilgay at Stopwatch. Atang pinakamahalagang feature nito ay ang Music, dito nakalagay angmadaming genre ng musikang pinapakinggan ng mga kabataan. Hindi natinmatatanggal sa mga Pilipino na kung mayroon kang kagamitan na ganito aymasasabi nilang sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad namagkaroon nito. Nakakaalis din ito ng pagkabagot at nagsisilbing libangan.Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay ginagamit ito upangmagsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng oras ang mga kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataangmayroon nito ay naaappreciate ang mga iba't-ibang genre ng musika at silaay lubusang nahihilig sa musika kaya nakakatulong sa pagangat atpagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mgamagandang dulot sa mga kabataan. Tulad ng PSP ay natututong magiponang mga kabataan upang makabili ng ganitong kagamitan o nagigingdahilan ng pagnanakaw ng mga kabataan at nagiging maingat atresponsable ang mga kabataan sa pagaalaga ng gamit. Nakakabuo ngpagkakaibigan at nakakadagdag sa paghahalubilo sa iba't-ibang tao. Angmga masamang dulot naman ng IPOD sa mga kabataan ay nagdudulot itong pagkabingi sa dahil sa malakas na volume. Nagiging adik din ang mga itosa sobrang paggamit. Hindi alam ng mga kabataan na dahil sa paggamit ngIPOD ay lumiliit ang kita ng mga Flipino at Foreign artist dahil imbes nabumili ng orihinal na album o cd's ay nagdadownload nalang ang mgakabataan sa limewire o itunes.
Bilang konklusyon, masasabi natin na napakarami ng naitulong angteknolohiya sa ating buhay. Lahat ng sektor sa ating komunidad aymadarama ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Kahit na ang mga trabahador na nasa ibang bansaay madali lamang makausap ang kanilang mahal sa buhay, at madali dingmakaratingang pera para sakanilang mga pamilya. Ang mga imposible datiay kaya nang gawin ngayon. Ang mga sakit na dati ay napaka hirapgamutin ay madali lamang mapagaling dahil sa sobrang bilis ng teknolohiyasa medisina. Kailangan lamang ay magkaroon ng disiplina ang bawat isaupang lalo tayong umunlad. Sa ngayon ay marami pa tayomg gustinggawin na teknolihiya kagaya ng kloning. Nagawa na natin ito sa hayopsubalit gusto pa natin magkloning ng tao mismo. Kung magtatagumpayang paggawa ng tao sa pamamagitan ng cloning, ano nalamang ang mgamangyayari sa mundo. Kaya ang Vatican ay nagsabi na ito ay malakingkasalanan sapagkat ang mga tao ay para nang gusting lampasan ang Diyos.Kaya ang tao ay kailangan magkaroon ng hangganan ang pagiisip ng masabgong teknolohiya, isipin natin kung ito ay may itutulong bas a ating kapwa at sa ating mga kapaligiran.
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
DATOS NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibongmetodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makakuha ng mga datos. Naniniwala nag-aaral ng pananaliksik na ito na angkop ang disenyong ito para dito dahil mas mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa mgasumagot ng sarbey na isinagawa. Sa ginawa kong sarbey nagtanong ako sa mga estudyante na nasa hayskul at kolehiyo.
B. METODOLOHIYA
Nagbigay ako ng sampung (10) tanong sa bawat tao para saisinasagawang pananaliksik. Sa 100 talatanungan,hindi lahat ay umangkopsa aking pag-aaral. Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mag-aaral tungkol sa mga marka ng mga estudyante. Unang tanong nito ay tungkol sa mga mababang grado ng mga estudyante at sa kung anongsubject sila merong ganitong grado o marka. Nagtanong din ako kung saanong paraan nakakaapekto ang pagiging mababa ng grado ng estudyante,kung sa paaralan, sa pamilya at mga kaibigan o sa lipunang kanyangginagalawan, at ang kanilang dahilan kung bakit nila nasabing naapektuhanang mga bagay na ito. Huli, tinanong ko kung may ginagawa bang hakbangang mga estudyante upang masmapabuti pa nila ang kanilang pag-aaral.
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na tanong ang pag-aaral naito. Naghanda ng sarbey ang mananaliksik na naglalayong din makangalapng mga datos upang malaman ang persentaston at damdamin ng mgarespondente sa pagkuha ng mga datos tungkol sa mga salik na naka-aapekto sa pagaaral ng mga estudyante at kung anu-anong mga suliraninang maaring makaapekto sa kanila.Bukod dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng impormasyonsa internet upang makakuha pa ng iba pang mahahalagang karagdagangimpormasyon ukol sa iba pang mga suliranin.Kasabay nito, nakakakuha din ang mananaliksik ng mga impormasyontungkol sa iba't-ibang kalagayan sa ibang eskwelahan.
D. MGA RESPONDENTE
Ang napiling mga respondente ng grupo ay ang mga mag – aaral ng iba't-ibang paaralan sa kasalakuyang taon.Ang mga estudyanteng napili ay ang mga taong madalas nakakaranas ng mga nasabing suliranin. Ang mga estudyante ay nabibilang sa iba't-ibang antas at Ilang estudyante sa iba't-ibang paaralang pangKolehiyo.
E. TRITMENT NG MGA DATOS
Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng epekto kungbakit mababa o bagsak ang mga grado ng estudyante sa iba't-ibangasignatura, kaya naman hindi ito nangangailangan ng mga numerikal nadatos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang ang pamanahong papel ngwastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa interbyu at sarbey nasinagutan ng mga respondente.Mula sa mga sagot na makukuha sa mga respondente, pipiliin lamangang mga sagot na mahalaga at may kinalaman sa pananaliksik o saginawang pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga pagkakapareho atpagkakaiba ng mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datosat impormasyon ay mabubuo ang konklusyon at maaring mga maging rekomendasyon.
LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problema ng mga estudyante sa mga subjects ng ating bansa, kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito at mga epekto sa kani-kanilang mga marka at upang malaman kung ito'y nakakabuti o nakakaganda sa kanila. Para sa pananaliksik na ito ako'y gumamit ng mga tanong na magbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang proposisyon at kuro-kuro na nanggaling sa aking na sarbey.
KONKLUSYON
Ipinapakita lamang dito sa pag-aaral na ito ang mga bagay o mgadahilan kung bakit ang mga marka o ang mga grado ng mga estudyantengayon ay mababa.Nais lamang maipahayag ng pag-aaral na ito sa mga estudyante angimportansya sa pag-aaral. Bilang estudyante rin na gumagawa ng ganitongpag-aaral, nakikita ko sa aking sarili ang mga bagay na ginagawa ko nahindi dapat gawin habang nag-aaral.Napakahalaga ng eduksyon at pag-aaral sa ating buhay dahil kungwalang edukasyon siguro'y mangmang o walang alam ang bawat tao ngayonsa kanilang buhay.Ginawa ko ito para maipalabas ang tunay na kahulugan ng edukasyonbilang isang pundayon na bumubuo sa ating buhay. Kahit ito'y isangkonkreto lamang napakalaking bagay na sa atin ang matutunan ang bawatdetalye na maari nating gamitin sa araw-araw.Ang pag-aaral na ito ay nagtatapos sa konklusyong "Ang estudyantena mismo ang gumagawa ng dahilan kung bakit bagsak o mababa angkanilang mga marka."
TALASANGGUNIAN
"Epekto ng ipod laptop cp at psp sa kabataang Pilipino"- mula sa mga estudyante
Patungkol sa AWTOR:
Personal na impormasyon
Pangalan:Marvilyn Quilong Quilong
Tirahan:PH 8B PKG 1 BLK 32 LOT EXCESS Bagong Silang Caloocan City
E-mail Address :
[email protected]
PERSONAL NA DATOS
EDAD: 21
KAPANGANAKAN: IKA-15 ng Pebrero
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Caloocan CITY
LAHI: FILIPINO
KASARIAN: Babae
EDUKASYONG KAKAYAHAN
Paaralan :
Pang-umpisa : New Era University SPKP
ELEMENTARYA : Pag-Asa Elementary school Unit 1
Sekondarya : Bagong Silang High School
Mga interes at pangarap
Ang aking tanging pangarap simula ako ay ipinanganak makapagtapos ng aking pag-aaral.Nais ko rin makapunta sa iba't ibang lugar sa ating bansa o kung papalarin ay sa buong mundo upang lumawak ang aking kaalaman.Nais kung magkaroon ng masayang buhay, gusto kong magkaroon ng marangal at maayos na trabaho at makabuo ng isang pamilya. Sa aking paglalakbay sa hinaharap, nais kung makasalamuha ng iba't ibang uri ng tao na makakatulong sa pagkamit ng mga pangarap na aking inaasam.