BABASAHI NG PAMBAHAY Ipinasa ni: Cesarri Gold Lagahit Ipinasa kay:
I.Pamagat :Ibongadarna (Ang Makapangyarihang Ibon ng Piedras Platas) II. May Akda
Manuel Conde,Vecente Salombites
III. Panahon: IV. Pagsusuri sa Nobela A. Banghay ng Kwento Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan ni Haring Fernando atReyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pedro, ang panganay, Don Diego, ang pangalawa atDon Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian. Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagtapon daw kay Don Juan sa isang malalim na balon. Nang magising ang hari, siya'y nagsimulang maratay sa karamdaman. Ipinayo ng mga manggagamot na ang tanging awit lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya ang Piedras Platas, ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna ay nahimbing siya sa awitin ng naturang ibon. Di sinasadyang naiputan siya ng ibon at siya'y nanigas at naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego ngunit sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro. Noon na tumulak sa paglalakbay si Don Juan na siya na lamang tanging pag-asa ng Kahariang Berbanya. Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya sa daan ang isang Matandang Leproso nanagpayo sa kanya na mag-ingat sa nakakahalinang ganda ng punong Piedras Platas. Iniwasan nga niya ang pagtigil sanasabing puno at natanaw niya ang isang bahay kung saan may matandang Ermitanyong nakatira. Ito ang tumulong sakanya upang makuha ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati mula sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego. Kapwa tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Silangdalawa'y kapwa bumalik sa Kahariang Berbanya at iniwan si Don Juan na nakalupasay sa gitna ng daan bunga ng tinamong bugbog. May naparaang isang Matandang Ermitanyo at ito ang gumamot kay Don Juan. Samantalang sa Kahariang Berbanya ay hindi napaawit nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Siya namang pagdating niDon Juan na noo'y nanumbalik na ang dating lakas. Noon umawit ang Ibong Adarna at isinalaysay ang kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at iniutos na parusahan ang dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don Juan ay pinatawad ng hari ang dalawa.
Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit muling gumawa ng lalang sina DonPedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla nito nang minsang mahimbing si Don Juan na noo'y siyang nakatoka sa pagbabantay bunga ng pagkakapuyat niya noong mga nakaraang gabi. Nang maratnan ni Don Juan na wala na ang Ibong Adarna, naglayas siya sa kaharian upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando ang nangyari at iniutos kina Don Pedro at Don Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan nga ng dalawa si Don Juan at sumumpa ang tatlo na sila'y maglalagalag na lamang sa kagubatan ng Armenia Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon na kung saan sa ilalim nito ay may kaharian. Tanging si Don Juanang nakapasok sa kaharian sa balon samantalang matiyaga namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego. Natagpuan ni Don Juan si Donya Juana na noo'y bihag ng isang higante. Nang mailigtas si Donya Juana buhat sa kukong higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya Leonora, ang kapatid nito na bihag ng isangserpyenteng may pitong ulo. Nagawa ni Don Juan na matalo ang serpyente at silang dalawa ni Donya Leonora ay naging magkasintahan. Muling umakyat si Don Juan kasama na ang dalawang donya palabas ng balon. Ngunit may naiwanang singsing siDonya Leonora kaya't kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siya'y malapit ng makaahon ay gumawa na naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Kanilang pinutol ang lubid na siyang kinakapitan ni Don Juan.Bumagsak si Don Juan at siya'y nagtamo ng matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng dalawang prinsipe and dalawang donya patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at Donya Juana ngunit nanaghoy si Donya Leonora sa pagkakahiwalay nila ni Don Juan. Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don Juan. Tinulungan siya nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang nakita ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanya na limutin na si Donya Leonora sapagkatmakakakilala siya ng bagong mamahalin sa Kahariang Kristal. Kapagkadaka'y nalimot nga niya si Donya Leonora atnagsimulang maglakbay patungong Kahariang Kristal. Tinulungan siya ng dalawang ermitanyong nasalubong niya sadaan at siya'y pinasakay sa ibong tinatawag na Olikornyon, isang malaking agila patungong Kahariang Kristal Nakikilala niya si Donya Maria Blanca, kapatid nina Donya Isabel at Donya Juana at anak ni Haring Salermo. Hiningini Don Juan kay Haring Salermo ang kamay ni Donya Maria Blanca na noo'y naging magkasintahan na subalit kungmagagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari .Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at ito'y pawang matagumpay. Subalit napag-alaman ni Donya Maria Blanca na ibig ipapatay o di kaya'y ipatapon sa Inglatera ng kanyang ama si Don Juan. Nagkaroon ng labu-labo atnagtanan ang dalawang magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don Juan si Donya MariaBlanca pagdating nila sa Kahariang Berbanya Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kaya't si Don Juan ay itinakdang ipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa araw ng kasalan ay dumating itong bihis ang isang magarang kasuotan. Sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang iniibig at hiniling na niyang silangdalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol si Donya Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni sa arsobispo ng Berbanya ang naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasal si Don Juankay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa tulong ng kanyang mahika. SiDon Juan na ang nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at Don Pedro naman. Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng Kahariang Berbanya sinaDon Juan at Donya Maja Blanca. Tumutol ang huli sapagkat babalik daw sila sa Kahariang Kristal kaya't nauwi angtrono kina Don Pedro at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik nga sa Kahariang Kristal atsilang dalawa ang namuno roon. Iyon na ang hudyat ng pagtatapos ng Ibong Adarna.
B. Pagganap ng mga Tauhan Ibong Adarna - Ang makapangyarihang ibon ng punong Piedras Platas nananinirahan sa Bundok Tabor Don '' Juan' - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, bunsong anak ni HaringFernando Donya Maria - Ang Prinsesa ng Kahariang Kristal, anak ni Haring Salermo Haring Fernando - Ang Hari ng Kahariang Berbanya, ama nina Don Pedro,Don Diego at Don Juan DonPedro - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, panganay na anak ni Haring Fernando DonDiego - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, pangalawang anak niHaring Fernando HaringSalermo - Ang Hari ng Kahariang Kristal, ama ni Donya Maria Blanca Donya Juana - Isa sa mga Prinsesa ng Kaharian sa Balon, kapatid ni DonyaLeonora ReynaValeriana - Ang Reyna ng Kahariang Berbanya, ina nina Don Pedro, DonDiego at Don Juan Ang Ermitanyo - Matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulongkay Don Juan Ermitanyong Uugod-ugod - Ang tumulong kay Don Juan na mapanumbalik angdati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego' Dalawang Ermitanyo - Mga tumulong kay Don Juan na makarating sa Kahariang Kristal Donya ''at Donya '' - Ang dalawang kapatid ni Donya Maria Blanca Arsobispo '' - Ang Humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora Lobo '' - Ang Gumamot kay Don Juan sa Kaharian sa Balon, alaga ni DonyaLeonora Ang Higante '' - Bihag niya si Donya Juana Ang Serpyente '' - Malaking ahas na may pitong ulo, bihag niya si DonyaLeonora
C. Kaangkupan ng Tagpuan Bundok ng Berbanya
D. Usapan o Talasalitaan 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.
Maratay- humiga sa kama o sa sahig Naiputan- nataihan Nakakahalina- nakakaakit Ermitanyo- isang taong asetiko o lalaking naninirahang mag-isa. Nakatoka- nakatira Maglalagalag- paglalakbay sa iba’t-ibang lugar; pagdayo Nanaghoy- Nananangis, nagluluksa o dumadaing Kapagkadaka- gunitain Inglatera- ay isang bansa sa hilagang-kanluran ng kontinente ng Europa at ang pinakamalaki at papuladong bansa ng Nagkakaisang Kaharian ng Britanya at Hilagang Irlanda. 10. Isinangguni- Ayon