APAYAO
Heograpiya Ang Apayao ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng kalupaan ng Luzon. Ito ay matatagpuan sa hangganan ng probinsya ng Cagayan sa silangan, Ilocos Norte at Abra sa kanluran, at Kalinga naman sa timog.
Pagakakabuo Ang Apayao ay dating bahagi ng probinsya ng Kalinga-Apayao. Ngunit noong ika-14 ng Pebrero, ipinagtibay ng RA No. 7878 na pinangunahan ng kongresista na si G. Elias K. Bulut na paghiwalayin na lamang ang dalawang probinsya: ang Kalinga at ang Apayao.
Mga tao/Populasyon Ang karamihan sa mga taong naninirahan sa Apayao ay ang mga Isneg, Ilokano, at mga Itawi. Ayon sa National Commission for Culture and the Arts o NCCA, ang kabuuang populasyon ng mga tao sa Kalinga-Apayao ay 24, 844.
Pananamit Ang kasuotan ng babae ay binubuo ng isang blusa na kung tawagin ay badio at isang palda na kung tawagin ay aken. Ang kasuotan naman ng lalaki ay isang tela na nakabalot sa ibabang parte ng kanilang katawan na kung tawagin ay abag .
1. Binungor
Isa itong uri ng putahe na may halu-halong gulay tulad ng sitaw, kalabasa, ampalaya, talong, hilaw na langka, abitsuwela o patani at usbong ng kawayan na pinakuluan sa gata. Ngunit ang tumatak na sahog nito ay ang tenggang-daga o jelly fungus at ot-an, isang uri ng suso. Ito ay kadalasang hinahain kasama ng pulang sili.
2. Sinursur
Isa itong uri ng putahe na may kiwat o catfish na may ungal o banana stalk na may kasamang ot-an, isang uri ng suso. Ito ay sinasamahan ng sili, bawang at sibuyas na ginisa sa loob ng tubo ng kawayan.
3. Pinaktan
Isa itong uri ng putahe na may siway o taro. Ito ay nahahawig sa laing ng mga Bikolano dahil sa pampalasang ginamit: sagket o shrimp paste.
4. Inandila
Ang pagkaing ito ay tinatawag ding “palitaw sa ibang bahagi ng Pilipinas. Ngunit ang kanilang bersyon ay mas mahaba at mas makapal na nakahugis dila. At imbis na ginayat na niyog ang ilagay, ang bersyon nila ay ginagamitan ng latik at dinurog na mani.
5. Sinilian/Pinalatan
Isa itong uri ng putahe na ginagamitan ng manok, kung saan ang manok ay hinahampas o binubugbog gamit ang patpat upang ang dugo ay mamuo. Ito ay nilalagyan din ng dahon ng pomelo na nakadaragdag ng mabangong amoy at sili upang bigyan ito ng kaunting anghang.
Ayon sa Department of Trade and Industry Provincial Office , na ang mga aktibong industriya sa probinsya ng Apayao ay ang mga sumusunod: Paggawa ng mga kasangkapan sa bahay Pananahi Pagpoproseso ng pagkain Paggawa ng mga pasalubong at regalo Mga organisasyong sumusuporta sa agikultura
KULTURA
Atraksyong Panturista
Ito ang ilan sa mga lugar na matatagpuan sa Apayao na tunay na kaakit-akit at tuluyan nang naging tourist attraction . Ang ilan sa mga ito ay ang ilog ng Apayao (Apayao River), Lussok Crystal Cave, Lizardo Brooks, Malabisin Lake and Underground River, at mga simbahan noong sinaunang panahon.
1. Apayao River
Ito ay matatagpuan sa habang-daan ng Cordillera Mountain Range sa hilagang bahagi ng Luzon. Isa rin ito sa mga tinaguriang pinakamalinis na ilog dito sa bansa. Mayroong mga establisyimento na matatagpuan sa kahabaan ng ilog ng Apayao katula na lamang ng Swan Hilltop View, Turod View Deck, at Lada Pond . 2. Lussok Crystal Cave
Ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Cordillera Mountain Range sa bayan ng Luna, ang kapital ng Apayao. Magagandang hugis ng mga bato rito ang isa sa mga pinagmamalaki ng bayan ng Luna bukod pa sa mga ilog, talon, at mga kuwebang hindi pa napapasok at nalilibot ng karamihan. 3. Maton River
Ito ay isa rin sa pinakamalinis na ilog na matatagpuan sa bayan ng Pudtol sa Apayao. Napapaligiran ito ng untouched/virgin forests at pinapanatili ng mga tao rito ang likas na wildlife.
4. Brgy. Mataguisi’s S panish C hurch R uins
Ang simbahang ito ay naitayo noong 1995. Ito ay matatagpuan sa barangay Mataguisi, sa bayan ng Pudtol sa Apayao.
5. Brgy. Emilia’s S panish C hurch R uins
Ang mga labi ng simbahang ito ay matatagpuan sa barangay Emilia, sa bayan ng Pudtol sa Apayao. Ito ay napag-alamang itinayo noong 1684. Ito ay may isang maliit na altar sa gitna na may mga nakahilerang upuan sa sentro.
Imprastraktura/Arkitektura
Ang halimbawa ng mga imprastraktura o mga arkitekturang makikita sa Apayao ay ang kanilang mga kabahayan noon na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa kanilang kultura.
Potograpiya
“Photograph of an Apayao Girl” ni Alexander Schandenberg. Ang original na kopya nito ay matatagpuan sa Dresden State Art Collections, Museo ng Ethnograpiya sa Dresden, Germany.
Iskultura
Bul’ul – ito ay isang representasyon ng mga tao ng Apayao sa kanilang mga diyos, karaniwan ay mga diyos ng pag-aani o rice gods.
Pagpipinta
Pagtatattoo-isang paraan upang maglagay ng pinta o tanda sa katawan. Ito ay ginagawa upang lagyan ng marka ang balat o kutis ng tao.
Literatura
Ang kanilang literature ay binubuo ng mga bugtong, mga kasabihan at mga kwentong bayan na kanilang ipinapasa at ipinapamahagi sa mga susunod na henerasyon.
Musika
Ang kanilang musika ay binubuo ng mga awit na pambata o para sa mga sanggol, at mga kanta sa pista tulad ng mga anthiponal o mga salitang pagkanta ng dalawang grupo patungkol sa isang maikling liriko. Ang mga halimbawa nito ay ang Salindumay, O! Ogayam, Domaliwas, at Innas.