DOCE PARES SA KAHARIAN NG FRANCIA Franco del Rosario
Ang kuwentong Doce Pares de Francia ay pinalawig na kwento ng buhay ni Emperador Carlo Magno at ang labindalawang pares ng Pransya. Orihinal na nakasulat sa Pranses at isinalin sa Kastila at isinalin sa Tagalog, Pampango at Hiligaynon. Ang unang bahagi ng teksto ay isinalin umano sa Pranses mula sa kasulatang Latin ni Archbishop Turpin, na nabuhay sa panahon ni Charlemagne. Ang ikalawang bahagi ng kuento ukol kay Fierabras Balan ay kathang-isip lamang habang ang ikatlong bahagi ay halo ng kathang isip na may katotohanan. May 4 na bahagi ang kwento: 1. Ang pagbawi ng mga sundalo sundalo ni Carlo Magno, Hari ng Pransya, ng Herusalem mula sa mga moro, at ang regalong koronang tinik ni Hesus na ipinagkaloob ng pinuno ng Herusalem na si Patriarka Aaron bilang pasasalamat. 2. Ang kampanya ni Carlo Magno laban sa sa mga Turko na pinamumunuan pinamumunuan ni Balan. Kasama rito ang: Paglalaban nila Fierabras at Oliver • Ang pagkahuli kay Oliver at iba pang kapantay • Ang pag-iibigan nila Floripes at Gui de Borgona • Ang pagkatalo ni Balan • 3. Ang kampanya ni Carlo Magno sa Espanya na ipinag-utos sa kanya ng Apostol ni Hesus na si Santiago. 4. Ang huling pakikipaglaban sa Ronsevalles na kung saan lahat ng pares ay napatay dahil sa kataksilan ni Galalon. Unang Bahagi Nabalitaan ni Patriarka Aaron na sasalakayin ng mga morong mula sa • Zaragosa ang Herusalem kaya’t ito’y humingi agad ng tulong kay Emperador Carlo Magno ng Espanya. Ipinadala ni Carlo Magno ang kanyang mga kawal at pares. Tatlong buwan na naligaw ang mga ipinadala ni Carlo Magno ngunit nakita • rin nila ang daan patungong Herusalem sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ibon. Natalo na ang Hersusalem nang dumating dumating ang mga kawal, kaya’t nagpadala • na lamang ng mga kawal si Carlo Magno sa Zaragosa upang bigyan ng babala ang mga moro na isauli ang lahat ng kanilang ninakaw at magpabinyag sila, kungdi ay didigmain sila ng mga kawal. Di sumunod ang mga Moro. Sa labanan ay nanalo si Carlo Magno. • Naibalik sa pamumuno si Aaron at binigyan niya ng regalo na korona ni • Kristo si Carlo Magno bilang pasasalamat.
Ikalawang Bahagi Ang bagong kilabot na morong si Fierabras na anak ni Balan ay muling • lumusob sa Hersusalem. Pinatay nito ang Papa at ninakaw ang mga elikya sa Turkiya. Nagtayo ng pamahalaan sa Roma si Fierabras. Ipinadala ni Carlo Magno na • embahador si Gui ng Borgonya, isa sa mga pares. Si Fierabras ay wala roon, kung kaya’t di siya nakakuha ng unawaan. Bago umalis ay nakita ni Gui si Floripes, na anak ni Balan at si Gui ay umibig kay Floripes. Ipinabalik ni Carlo Magno si Gui na may kasamang 30,000 na kawal upang • salakayin ang Roma kung hindi susuko ang mga moro. Ngunit ng makita ni Gui na si Floripes ang namumuno ng mga moro ay di niya itinuloy ang pakikidigma. Nagalit si Carlo Magno at ipinadala ang 9 na pares na pinamunuan ni • Roldan. Ipinadala naman ni Balan ang kapatid ng si Corsubel at 5,000 kawal. Napatay ng pares na si Ricatte si Corsubel. Natalo ang mga moro. Maraming sugat si Olivares. Nagpadala muli si Balan • ng 1,000 kawal. Bumalik ang mga pares ngunit nagalit si Carlo Magno. Di pa raw tapos ang • laban nila.Ang Doce Pares ay binubuo nila: Olivares (conde ng Gones at anak ni Regnes), Ricarte (duke ng Normadiya), Guarin (galing sa Lorena), Gute (taga-Bordolois), Hoel, Lamberto, Basin, Gui (ng Borgonya), Guadabois and others. Sa muling paglalaban, tinalo ni Olivares si Fierabras. Sumalakay ang mga • moro at dahil dito 5 pares ang nawala. Dahil sa pagkatalo, nagpabinyag si Fierabras. Inutos ni Carlo Magno na hanapin ang 5 pares. Ang 7 ay siyang naghanap. • Sila ay nagapi ng mga Turko. Ang 12 pares ay ikinulong sa Tore. • Pinakawalan sila ni Floripes. • Nilusob ng hukbo ni Carlo Magno ang Turkiya. Nata lo ang mga moro. Dahil • di nagpabinyag ay pinugutan ng ulo si Balan. Si Gui at Floripes ay ikinasal at sila ang bagong namuno kapalit ni Balan. • Ikatlong Bahagi Inutusan ni Santiago (St James the Apostle) na kunin ni Carlo Magno ang • kanyang katawan na nasa mga moro. Pumunta sa Pamplona si Carlo Magno at doon ay nagwagi siya sa conversion • ng mga moro. Natalo din ng hukbo ni Carlo Magno ang Haring Aigolanta ng Africa na • maraming pinatay na Kristiyano. Ika-apat na bahagi Ipinadala ni Carlo Magno ang sugo na si Galalon upang sabihin kay Haring • Morsirios ng Ronsevalles na magbigay ng buwis dahil ito ay sakop ng emperador. Bumalik si Galalon na dala ang bayad na buwis at ang pang-iimbita upang • binyagan ang mga mamamayan. Pagdating ng dose pares, sila ay pinaatay at ito pala ay patibong ng taksil na si • Galalon.
Si Galalon ay “quartered.” Dahil sa lungkot inihandog ni Carlo Magno ang lahat ng kayamanan niya sa • simbahan at pumasok siya sa Aquisgron. Namatay siya noong Pebrero 16, 1012 AD. • References: http://es.wikipedia.org/wiki/La_historia_del_emperador_Carlomagno_y_de_los_doce _pares_de_Francia http://wikipilipinas •