Diskurso
Ano nga ba ang diskurso? Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon. Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang kalikasan at pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat na ito ay higit na mapagtutuunan ang mga ito. Ngunit maging ano man ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens. Ano ang komunikatib kompitens? Tinukoy ito ni Noam Chomsky sa kanyang mga huling akda bilang pragmatik kompitens o kahusayang pragmatiko na nag -iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal. Ang konseptong ito ay tinatawag din minsan bilang sosyolinggwistiks. Ang kompitens na ito ay nangangailangan ng sensitibiti sa dayalek o rehistro at kaalaman sa mga kultural na reperens tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang popular, istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa. Tinukoy ni Lyle Bachman ang dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang komunikatibo: ang tekstwal kompitens o abilidad na sumulat nang may kohisyon at organisasyon, at ang ilukyusyonari kompitens o ang abilidad na magamit ang wika para sa ideation, manipulasyon, heuristik (halimbawa, pagkatuto o learning) at imahinasyon. Ano naman ang linggwistik kompitens? Ito naman ang mental grammar ng isang indibidwal, ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika. Ang terminong ito ay tinatawag ng maraming linggwista bilang payak na kompitens. Tinawag naman ito ni Bachman na gramatikal kompitens, na para sa kanya ay nagsasangkot ng di-konsyus na kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at bokabularyo. Konteksto ng Diskurso
Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at konteksto. Ang mga kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. pan gkomunikasyon. Samakatwid, ang konteksto k onteksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
Halimbawa:
Konstekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon. Kung tutuusin kasi, ang hangganan ng konteksto ng isang diskurso ay abstrakto at mahirap uriin. Pansining laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob ng diskursong panggrupo at organisasyunal. Ang diskursong pangkasarian ay lagi ring umiiral sa tuwing ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang konteksto. Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinararaan sa mga midyang pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura, nagkakaroon ng diskurso sa kontekstong interkultural. Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay
Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay maaaring maging susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng pagdidiskurso o komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay nakatutulong upang tayo ay maging konseptwal at prediktib. Samakatwid, ang isang tao ay maaaring makagawa ng mga desisyon tungkol sa mga sitwasyong pangkomunikasyon batay sa mga saliksik ng mga teorista. Ngunit kailangang isaisip na walang teoryang perpekto. Bawat isa ay may kani-kaniyang kalakasan at kahinaan. Bilang mga mapanuring mag-aaral, kailangang pagsumikapan ninyong suriin nang kritikal ang mga positibo at negatibong elemento ng bawat isa. Pinakapopular na marahil sa mga teoryang ito ang speech act theory at ang ethnography of communication. Ang speech act theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things with Words ni J.L. Austin (1975). Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay isang mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon. Wika nga ni John Seale, All linguistic communication involves linguistic acts. Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo,
kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts. Hinati ni Austin ang mga aktong linggwistik na ito sa tatlong komponent. Ang una ay ang aktong lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikalawa ay ang aktong ilokyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikatlo ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig, ng ispiker o maging ng ibang tao. Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa’y may pwersa at ang ikatlo’y may konsikwens. Samantala, ang ethnography of communication ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad. Halimbawa, kung nais nating pag-aralan ang glossolalia (speaking in tongues) na karaniwang makikita sa mga Kristyanong sekta, kailangan nating dumalo sa mga pagtitipon ng isang sektang Kristyano, makisalamuha sa kanila at kung maaari’y maging isa sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng gayon. Sa pamamagitan lamang niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo magiging pamilyar sa konteksto ng glossolalia upang maipaliwanag ang tungkuling sosyal nito. May iba’t ibang teknik na maaaring magamit sa partisipant- obserbasyon:
1. Introspection o ang paggamit ng intuition, 2. Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad, 3. Interviewing o ang istraktyurd na interaksyong berbal sa mga myembro ng komunidad, 4. Philology o ang paggamit ng mga pasulat na materyales, 5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural, 6. Ethnomethodology o ang detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding diskors analisis ng mga linggwista, at ang 7. Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang penomenolohikal.
Mga uri ng Diskurso Narativ (pagsasalaysay) – Layunin nitoy magkuwento ng isang pangyayari o kawil ng mga
pangyayari.
Diskriptiv (paglalarawan) – pagpapahayag ng mga layuning magpakita ng mga katangian,
lugar, bagay, pangyayari, tao, o maging ng isang ideya
Ekspositori (paglalahad) – may tunguhing ipaliwanag ang mga pangyayari opinyon, at mga
kaisipan.
Argumentaytiv (pangangatwiran) – may layuning mapaniwala ang kausap o mambabasa ng
mga ganitong pagpapahayag