2
“Paalala ang Diskonektado, ang kasalukuyang koleksiyon ni Rogene Gonzales, na dapat matyagan ng makata ang kanyang sariling posisyon at disposisyon sa paligid, sa kanyang tinutula, at sa kanyang tinutulaan. May mga piyesang nakakapangiti, nakapagpaisip, at tumutudla sa mga aakalain nating napagawi na rin ang labis na artikulasyon. Binabalatan ni Rogene ang mga ideya, tinatalupan ng paimbabaw, para matuklasan ang salimuot. Sa aking pagtaya, mahirap talagang tulaan ang diskuneksiyon, pero kailangan itong gawin… lalo na ngayon.” — Luna Sicat-Cleto “Hindi lamang nanaludtod si Gonzales kundi sinusubukan niyang umanggulo, pumosisyon at umoposisyon lalo na sa mundo at panahon ng cyberage at social media. Binubusisi ng kanyang panulaan ang nalilikhang mga relasyon, artipisyal man o hindi sa isang artipisyal din o superpisyal na espasyo. Presko bagaman nasa siste nga rin ng Dasalan at Tocsohan ni Plaridel ang panunuya at parikala, minamapa ng kanyang panulaan ang namumuong paggigiit pa rin ng pinanghahawakan niyang ideolohiya, dito nga sa cyberespasyong panibanggong arena ng tunggalian ng mga ismo. Subalit dahil nga hindi lamang nakapaskil na propaganda ang panulaan, tiniyak ni Gonzales na maging lugod pa rin sa mambabasa ang kanyang mga obra. Kasabay ng anyaya sa pamimighati sa kamatayan ng isa pa nating identidad sa hindi natin naimadying cybercommunity, tinutukso niya tayo sa pamamagitan ng mapaglaro niyang wika at imahinasyon na makikonek at makidiskonek at kumonek na naman sa pamamagitan ng kanyang talinghaga sa may tali ring hiwagang cyberdaigdig.” — German Villanueva Gervacio “There’s no doubt about it: activist-poet Rogene Gonzales is writing in and for his time. The language says it, the elements deliberately proclaim it. The collection is littered with everything millennialspeak: hashtags, listicles, and other terminologies that are of social media. And for someone who obviously wants to be read to go highfalutin is a wayward attempt to befriend the aforesaid credence. But maybe I am wrong—I am no poet, and I don’t write verses. All I know is that the man respects the craft, though sometimes his very own lines scream that he, every once in a while, has misgivings on calling it his own... Unlike Salita’y Sandata, his earlier collection of poems, “Diskonektado,” which I blatantly call a collection of anger, rage, and adolescent sulking wrapped in everyday argot, does not live up to the appellation: the poems are no way disconnected to each other. “Disconnectivity,” if there’s such a term, manifests only on the outset— devour it one go, and see the entrancing tangle of fragments for yourself.” — RM Topacio-Aplaon
“Tunay na dakila ang bathala ng mga makata sa pagbibigay kay Rogene ng kawalang-direksyon upang mabuo at mabasag ang koleksyong tahimik na nagdedesisyong putulan tayo ng koneksyon sa birtuwal na mundong kumakain sa ating mga imahinasyon (incognito mode on!). Tunay na dakila ang papel at ang panulat sapagkat patuloy pa rin tayong kinakagat nito sa panahong birtuwal na ang lahat (pati pag-ibig!). At tunay na dakila ang mga arbitraryong salita, dahil napagkakabit nito ang mundo ng mga kaisipan at ang mundong ating ginagalawan (paki-like naman bes, tH@NksZ pf0wsz).” — Nix Policarpio “The internet has democratized political commentaries and Rogene Gonzales offers an irreverent perspective of current events. Eclectic in language, sardonic in tone, but still hopeful for what is about to transpire. “Diskonektado” sends all kinds of messages in these hyperconnected times but still leaves you with the question: What do you have to say?" — John Berida “Sinasalamin ng Diskonektado ang iba’t ibang diskoneksyon ng buhay ng tao mula sa lipunan, ng makata sa reyalidad, ng kabataan sa teknolohiya at iba pa. Anu’t ano pa man, ang diskoneksyong ito ay hindi nag-aasam ng kawalan ng pakialam, bagkus, ginagawang pangunahing larawan upang mamulat ang mambabasa sa mga problemang kinakaharap araw-araw, mga pang-aaping dapat ay nilalabanan, mga pakikibakang dapat ay kinasasangkutan.” — Rhea Buendia Gulin “Salamat sa mga tula mo. Patunay na sa iyong mga kamay ang makalipunang mga tula ay buhay na buhay.” — Glen Sales “Walang nagbago sa talas at kalibre ng mga tula. Ang masasabi ko lang: UKINNANA, MAYAT LATTA KABSAT!” — John Rhommel Fernando
2
Meanwhile in a parallel disleyxc multiverse... “Basta’t writer tweet-lover!” — Trueluh De Lima (twinception ni Laila De Lima) “Punyeta! Dakpin lahat ng nagtutula[K]!” — General Papel (alter-ego ni General Bato) “Nakakadepress naman ’tong sh*t na ‘to! Haist...” — Lunggati (katauhan ni “Sadness” sa adaptasyong pelikulang pambatang “Masok-Labas n U”) “Ro-gene, nagbunga ang iyong pagsasanay [sa DFPP, INWW at LIRA]!” — Master Jeremiah (‘yung hindi nanghihinaa-hiyaaang!♫) “Pipi ka! Pika-pikha! Ha-ha... Pik-hatchu!” — Pikhatchu (sipuning Pikachu, Version Hepa A) “Wala kang alam!” — Juan Nyebe (nyek-beh!) “Hello from the Daaaaaaaaaaark Siiiiide!” — Darth Adel (Don’t ask.) “Ngrrrhhhhaaaaaaaaa!” — Class SS Mema Zombie Mutant Troll (a.k.a. “keyboard warrior”) “T R A Y D O R !!!” — Tom Murabolo Bugtong (Ang-Lalaking-Di-Dapat-Pinapangalanan, Bes) “Kwak! Kwak! K W A K !” — Donald Duck Trump (Bagong Maskot ng Imperyalismo [! I B A G S A K !])
_____ P.S. Hanapin ang tatlo pang bibe (?)
3
4
Disl
ni Rogene A. Gonzales
5
Karapatang-ari © 2016 ni Rogene A. Gonzales Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o kopyahin sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot, liban sa maiikling sipi sa mga rebyu at kritika.
Disenyo ng pabalat ni Gene Marx Guiao Mga dibuho ni Markus Maraño at Jandel Uy Larawan mula sa Kilometer 64 Writer’s Collective (FB/KM64) Likeman Komiks ni Rasel Reyes (FB/LigaNiLikeman) Kamao ni Saitama Inilimbag sa SOUTHERN VOICES PRINTING PRESS 19 J. Perez Street, Project 4, Cubao, Quezon City Tel. 438-2700 Email:
[email protected] Inilathala at inilayout ni Rogene A. Gonzales Quezon City, Philippines 6
diskonektado Tinuruan mo akong lumikha at magtayo sa paisa-isang palapag, mga bahagharing gusaling abot ang kalawakan ng kalangitan, o ng malaking robot na didigma sa tangkeng kalabang tau-tauhan, sunud-sunuran sa mapanlarong kapalarang maghuhudyat sa araw-araw na dilim ng makasariling liwanag. At sa bugnot ng isang iglap, sa gahiblang pitik o tulak ng konektado’t magkakaugat na pagguho't pagbagsak: w
iisira-si-
ang ra,
kalatkalat, lahatlahat.
7
Nalalamang Nilalaman: diskonektado Introduksyon ni Fidel Rillo Unang hati: Pangingiliti Pambungad #POETRYMONDAY Ang eleksyon ay parang kendi (bow!) PAK! Ganern! Makinig Bayan Ko v.2 Mga bagay na dapat gawin bago sumulat ng tula: SOLANO #FOODPORNTRIP! BubuyogBalita: 15 Dahilan Kung Bakit Dapat Lang Na Ikaw Ay Maging Makata Sa Panahon Ng Ako, Ako, AKO! B’yaheng Langit Idiay bantay! Ang unang kasinungalingan ng umaga Bahay-bubog Si Marcos ang Pinakamagaling na Presidente
7 10 14 15 16 17 18 19 20 23 24 26 28 29 30 31 32
Ikalawang Hati: Pangangalahati Hangal LAGUNA Sleep paralysis May telenovela at patalastas Ang Pagsusulit family computer Kandila 9/11 Relo ni Tatay insulin Ulat sa paghuhugas ██ █████ soundtrip Walang ngalan 8
36 37 38 40 42 44 45 46 47 48 49 50 51
Ikatlong hati: Pagkabingit Askal seenzone CUBAO Pusa Pusakal bangketa gusgusing kuting Ang Unang Panaginip Salamin Salarin Makiling Minsan dumarating ang mga talinghaga KUNG PAPAANO TAYO TINURUANG MANAHIMIK SA KLASE Fire & Blood ODA SA PANAHON NG PAGPAPASYA SA PAGKILOS Pépe OBOSEN
54 54 55 55 55 55 55 56 58 58 59 60 62 64 66 68 69
Tala sa ilang tula Ilang salin Talasalitaang Kailukuan
72 73 76
Taos-pusong pasasalamat
77
9
Introduksyon ni Fidel Rillo Ang sabi nga, maliban kung nagbakasyon ka sa kung saang huklubang planeta’t muling sumalta sa mundong ito o kung mahigit dalawang dekada kang nagtago sa isang malayong lungga o yungib, imposibleng hindi nahagip ng utak mo ang penomenong tinatawag na internet. Konektado man o hindi ng elektronikong midyum, may smartphone man o wala, karaniwan nang mamutawi sa binibigkas o isinusulat na teksto ang mga kataga at daglat na tulad ng “LOL,” “OMG,” “blog,” ”tweet,” “google,” “hashtag,” “selfie,” “IMHO,” “bff,” “app,” “photobomb” at napakarami pang ibang kung titipunin ay sapat makabuo ng isang makapal na diksyunaryo. Ang ilan sa mga daglat at salitang ito ay inimbento o hinugot sa mga umiiiral na salita (karamihan ay Ingles na siyang pinaka-lingua franca ng internet) at muling binihisan upang magkaroon ng bagong kahulugan. Sa ano’t anuman, malaking bahagi ng mga terminolohiyang pang-internet ang patuloy na nagiging bahagi ng maraming lengguwahe ng iba’t ibang kultura. Sa taunang pamimili ng Oxford Dictionaries ng salita ng taon, marami sa mga pinagpipiliang salita ang nagmula sa daigdig ng internet at computer. Dito sa atin, maraming salita mula sa mga nabanggit na larangan ang bumubuo sa taunang pagpili ng Filipinas Institute of Translation ng salita ng taon. Sabihin pa’y mainit na mainit pa sa kasalukuyan ang balitaktakan hinggil sa kung anong epekto ang idudulot ng pamumutiktik ng mga bagong salitang ito sa kinabukasan ng mga wika sa mundo at mga debate itong tiyak na magpapatuloy sa mahabang panahon. Tunay bang umuunlad ang talastasan sa pamamayagpag ng social media? Kung pinaliliit ng internet ang mundo, ano ang implikasyon nito sa “tradisyunal” na sistema ng komunikasyon? Mga tanong itong patuloy na sisiyasatin hindi lamang ng mga eksperto sa relasyon ng tao, kapaligiran at teknolohiya kundi maging ng mga may pagpapahalaga sa larangan ng pakikipagtalastasan, kabilang ang mga manunulat na laging kasangkot sa mga usaping may kinalaman sa ugnayan ng tao at daigdig. Sa kaso ng mga makata, mayamang bukal ito ng mga bagong talinghagang makapaglalarawan sa mga relasyong umiiral sa paligid at makapagtutuon ng bagong bisyon sa maaari pang maganap.
10
Sa ganitong tila parikala ng alyenasyong ibinubunga ng adhikang mapaglapit ang mga tao sa pamamagitan ng komunikasyon nagmumula ang usaping nais siyasatin ng marami sa mga tulang nasa koleksiyong Disl
11
Sa alaala nila Engr. Roberto L. Gonzales Jr. (1948-2011) at Rogelio “Ka Roger” L. Ordoñez (1940-2016)
12
Unang hati: Pangingiliti
13
Pambungad Intro: F-C-G7-CC Ako’y may Pangulo, Dm Napuno ng hangin. G7 Alimurang Amerika, C Pagputok ng balita! Anyare sa boto ko? C7 F May nambato ng Maling (aray!) C Anuber haist #awtsu, G7 H0w 2 B3h U n 14mC Ang pu?!
14
#POETRYMONDAY Ako’y Tutula: Traffic na Kay H A B A ! ako’y tinatamad, e-eF.B. na lang paluh! ... .. .
15
Ang eleksyon ay parang kendi (bow!) Ang eleksyon ay parang kendi na ihinahagis pag may sortie ang mga kendi-dato. Oh, di ba? Sinimulan ko ng pun ang tula ‘coz it’s more fun in the Philippines talaga! Anyway, kendi kasi can’t you believe it, sweet words na kanilang idinudura? Pupulutin mo naman at nanamnamin, that’s how it works the political scene. Aasa ka lang nang aasa, until you realize what a fool you’ve been. Uy, hindi ‘yun hugot ha? Pero maiba tayo, after all the ruckus of that fateful day of May, ano na ang kinalaman mo sa demokrasya? Handa ka bang ipaglaban at abutin ang matamis na bukas o parang pinunit na lang na wrapper ang matitira sa loob mo? So empty na lang inside ang lahat? Tapos na ang palabas, parang malagkit na kending ibinabad sa dilang matatas, na tumatabas ng trolls tuwing may tragedy among the commons of commonsensical senses in such a lethal conscience and consciousness na nakukulong sa maliliit na away. Anyway, nagsasayang ka lang ng laway— Well, at least na-amuse ka sa buhay mong araw-araw na araw-araw mong buhay. Bilang ano pa ba? Like I said, kundi sariling kendi nila na sinisipsip, dinudurog at nilululon sa pagnguya; kung hindi man ay tinatapakan, ikinakaskas na parang tansan, dinidikitan ng mga buhanging dinidikdik, binabarena’t binubulldozer sa kalsadang may forever, forever and ever na reblocking? 16
PAK! Ganern!
Matanda, sumipsip ng sipon at luga!
Bata, ginagawang siopao na pusa! Courier, nanloob! Dalaga, ‘pinasok! Madre nagtilian! Mars! Pari nang-ispluk! Tsismis ay may tsismis! Si Mister, ‘nay, Mistress!
Samantalang si Miss Universe, paang-dress!
Si Juan? Ay! Hayun, hayahay ang buhay! Nabangga ng bumbay si Pedrong napilay!
Si Aleng Maria, nilibing na yata? Kabit ng asawa’y galawang binata?! Tagalog! Tagalog! Malaking batillog ! 1
Waray-waray pera? Buti pa’y matulog!
Bato, binabato ng bato nang bato!
Gloria’y lu’lhati, ang sakit sa ulo! Caregiver naholdap! Parak nakotongan! Carnapper nakidnap! Nanghimala! Simba-han!
Pelikula! Awaaaaard! Lutuan! Murahan!
Hardkor Fucking DIGMAAN!
PAK! Ganern!
17
Makinig Sandali mong dinggin, Awiting daigdig: Huni ng luntiang Mayang dumidilig Sa hamog sa duyang Oyaying pumintig Sa rumaragasang Talulot na tigib. Sansaglit pakinggan, Ingay ng siyudad: Ang birit ng batang Naglalarong hubad Sa kalsadang lubog, Sa pangakong huwad, Panalanging pikit, At tuka ng uwak. Sa d’yaryo’t trumpetang Barena at bomba! Dila ng dalitang Tambak ng basura: Bangkay ng payasong Bangka sa may perya! Halina’t malibang SA BAYANG PAYAPA!
18
Bayan Ko v.2 Intro: Fm-Cm-G7-Cm-; (2x) CmCm Ang status update ng Filipinas: G7 Hapunan ay makunat na chicharon bulaklak. Pagtitipid na sagad sa salat na palad, Cm Alay na barya sa matandang bulag. Cm At sa bawat selfieng nagmamaganda, C7 Fm Dayuha’y nakapagpapakasasa. Fm Cm Bayan ko, piniringan ka G7 Cm G7 Sa sapot ng teknolohiya. Chorus! C G Pidgey mang may layang fap nang fap! C Idi-delete na raw sa tindahan ng App! C Dm7 Bayan pa kayang sadlak Silang G7 C Hirap sa arawang pagbubungkal? C G Filipinos lango sa primetime bida, G7 C Pugad ng panis na kultura! F C Ating adhika: G7 Maglog-out na’t C MAKIBAKA! (Repeat Chorus!)
19
Mga bagay na dapat gawin bago sumulat ng tula: Isipin ang isusulat na tula. Isiping kasalukuyan nang isinusulat ang dapat nang isulat na tula. Mag-istarbaks at umorder ng strawberry shortcake mocha frappe, piktyuran at ipagyabang sa madlang kababayan or kung walang pera, bumili ng ice tubig sa kanto (fine, whatever suits you). Kumain. Tumugtog ng gitara or piano or tumambotambol na parang tanga sa mesa gamit ang mga daliri at paglimian kung bubuo ba ng sariling banda. I-soundtrip ang lahat ng album ng Eraserheads (pag di mo ‘to gusto, teka ba’t may kopya ka nito?) Matulog saglit. Kumain ng mas marami. Maligo. Magbihis. Magpulbo ng katawan upang maging amoy baby! Bumalik sa workstation upang sa wakas ay makapagsulat. Mag-doodle. Matulog nang hindi saglit. Magre-install ng mga dinelete na game apps. Maglaro ng Candy Crush Saga. Maglaro ng Candy Crush Soda Saga. Maglaro ng Candy Crush Jelly Saga. Maglaro ng Farm Heroes Saga. Maglaro ng Flappy Bird (teka, di na pala ‘to nada-download). Maglaro ng Tetris Blitz. Maglaro ng Zombie Tsunami! Maglaro ng Jetpack Joyride! Magwiwi-break... Maglaro ng Plants VS. Zombies. Maglaro ng Plants VERSUS Zombies 2. Maglaro ng Plants VERSES Zombies Heroes. Maglaro ng Angry Bird. Maging angry sa sariling bird na istorbo sa paglalaro ng Angry Bird! Maglaro ng C.o.C. at mainggit sa mga naglalawakan at naggagandahang base ng mga kaibigan. Maglaro ng Clash Royale at mangarap na sana may dumating na totoong treasure chest sa harap ng iyong pintuan pagkatapos mong magsulat ng tula. Maalalang kailangan nga palang magsulat ng tula. Magwiwi-break ulit (or Number 2 if you must.) Buksan muli ang ini-sleep na laptop. Magdownload ng SNES emulator at ROMs. Magtagumpay sa laksang epiko nila Zelda (huh?), Rockman, at Adventure Islander (na mukhang baboy). Manghuli ng sandamukal na halimaw sa lansangan, GO! Mainis sa sarili dahil hindi pa rin nakapagsusulat ng tula. Magre-delete ng mga nire-install na mga game apps at magbunyi dahil feeling mo sa wakas may na-accomplish kang mabuti. Itapon ang smartphone! Pagdudahan ang sariling kakayahan sa pagsusulat. Mangulangot. (Ew!) Kunin muli ang smartphone. Magdownload ng Fruit Ninja. Maglaro ng Fruit Ninja at matakam sa mga lumulundag at sumasabog na puso ng mga prutas. Itigil ang paglalaro ng Fruit Ninja at mag-astang seryoso na talaga. Pero sa halip na magsulat ng tula, i-google muna at pag-aralan kung paano lutuin ang isang gourmet dish recipe. Mabigo sa pagluluto ng gourmet dish at magprito na lang ng itlog. Kumain ng piniritong itlog. Pagnilayan kung ano pa ang maaaring gawin bago magsulat ng tula. Manood ng isang 20
episode ng LOST (kasi nga LOST ka na). Pagdudahan ang mismong konsepto ng pagdududa. Pag-isipan kung bakit hindi pa rin naisusulat ang dapat isulat na tula. Pagdudahan ang sariling katinuan. Magbrowse sa internet at magbasa ng mga tips on writing na hindi mo naman talaga isasapraktika ever. Kumain ng bubog (Sige lang, pass ako diyan). Humulma ng teorya sa loob ng nag-uumpugang diskurso ng unibersidad ng isipan ukol sa: a.) inevitable na paggunaw ng daigdig via nuclear holocaust that will eventually lead sa pag-devolve natin bilang mga taong-tae; b.) extra-terrestrial imperialist expansion that will cause the formation of the United-Philippine Earth Confederate salamat sa mga OFWs; c.) genetically engineered nanotechnology as cure for cancer, the common cold & old-school pan-rush hour diarrhea; d.) humanity’s cultural decay into “metapostmodern-superphallic-fragilistic-egotism”; e.) precise social praxis of the asymptotic equation to control the eastern Pacific’s water cycle given a controlled velocity & volume of nimbus clouds necessary to cause raindrops to play Nikolai Rimsky-Korsakov’s “Flight of the Bumblebee” across the universe of smog-infested atmospheres of fucking Manila (see Project HAARP); f.) at/o kung anu-anupamang made-up na termino para astang intelektuwal at pa-kewl to the MAX. Tapos, Manood ulit ng isang episode ng LOST. Manood hanggang matapos ang buong series. Pwede ring isunod ang Breaking Bad, Game of Thrones (OMG! Khaleesi!), Six Feet Under, The Big Bang Theory, Walking Dead Friends House (Oops! Forgot the comas! [Oops, spoilers!]), The Simpsons, Futurama, Grey’s Anatomy, Prison Break, Maalaala Mo Kaya (pero ‘yung 90s lang. Bakit? Bakit hindi?), anumang Animé (ahem, take note: ANUMAN) at/o anumang bagong pelikulang matotorrent download o maloload sa NetFlix o dili kaya’y panoorin ang vintage trilogies na nahingi sa hipster friends like The Godfather, Star Wars or L.O.T.R. Magbaliw-baliwang nasa mundo ng Hogwarts. Pagmasdan ang araw sa pakikipagtalik niya sa buwan sa makinis na balat ng kalangitan ng mga bituing bampirang nagsihulugan ng mga pangil ng talinghagang pumuputok at isa-isang nagiging buhanging siyang lalanghapin at lalaplapin sa simoy ng mga pagaspas ng mga dahon ng puno, sabay sabihin sa sarili nang tahimik na sumisigaw sa kalayaan ng isipang bumubukang-liwayway: “Ah, kay ganda! Kay ganda mong pagmasdan oh bebeh ko!” #iykwim. Magsisi sa sariling 21
kairalan at kadahilanan para mabuhay. Magwarm-up muli, sa harap ng keyboard, hipan ang mga palad then i-rub them against each other na parang ikaw ay nasa Antartika’t nilalamig ngunit nag-aalab ang dibdib at damdamin sa tugtuging maangas na Alaskan Thunderpank (sabi nga sa awitin ni Bambu de Pistola: “Brrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrraaaa!”) Sabihin sa sarili: “Eto na! ETO NA TALAGA!!!”... ...Isipin ang outline ng isusulat na tula. Isiping isinusulat ang isusulat na outline ng isusulat na tula. Magbunyi dahil may outline ka na ng tula! Yehey! :D Magmumuni-muni… Magmuni-muni... (teka parang naulit na ‘to?) Mag-jogging kunwari para ma-burn ang calories ng kinain (Uy! Pumayat ka!) Magkunwaring nagsusulat. Magselfie. Magdelete ng isinelfie at mangako sa sariling hindi na muling magseselfie. Magbukas ng Facebook at Instagram. Magbasa ng Newsfeed at ma-insecure sa mga pinaggagagawa ng mga Friends sa buhay nila at tanungin ang sarili kung bakit hindi ka ganun o bakit hindi mo ginagawa ‘yun o bakit takte ang sarap naman ng ulam nilang perfectly honey roasted baby back ribs samantalang ako tuyo lungs hahahuhue! :’( Makipagchat kung kani-kaninong tao gamit ang generic na conversation initiator na: Kamusta (insert name)? :) Istalk at i-like ang post ni crush. Pusuan na ‘yan! <3 (Pero paminsan-minsan lang ha? Para di halata or I'm telling you, things will NEVER be the same again.) Magdaydream na ka-H.H.w.w. si crush sa Freedom Park habang nagsesway-sway ang kanyang hair na parang nasa shampoo commercial na laging masaya at walang problema ang mga tao, tapos sasayaw na lang kayo bigla sa upbeat na tono with matching actions at one big kiss sa huli tulad ng mga nasa romantic movies! Maglakas loob na makipagchat kay crush gamit ang generic conversation initiator na: Hello! Ang ganda ng bago mong profile pic! Kamusta ka na (insert name of crush)? :D Ma-seenzoned ni crush, or worse the never-beforeseen-you-at-all-who-the-hell-are-you-zoned. Mahurt. Mandiri sa sariling kalandian, pero against all odds (insert: salute-sign ng Dauntless ng Hunger Games), magtangkang magre-focus ng tunay na layunin, which is uhh... oo nga, which is magsulat ng tula. Magsulat at magpost ng status na may heading na “Mga bagay na dapat gawin bago sumulat ng tula:”... ...and so on and so forth... SO HELP ME GOD.
22
SOLANO Ang bayan ko ay Solano kahit pobre, Kabunduka’y bagyong lawing nakatanod: CORDILLERA, CARABALLO’T SIERRA MADRE. Sa serbesa ay suwabe basta’t libre Sa bagabag, ang pamugot isusugod! Ang bayan ko ay Solano kahit pobre. Sa lasingan ng lansangan, may kalibre Ng debate sa ‘ming isip, aming ubod, CORDILLERA, CARABALLO’T SIERRA MADRE. Pag piyesta sa penumbre, may palengke Ng tinupig6 na mainit tuwing sahod. Ang bayan ko ay Solano kahit pobre. Sige’t tambay sa Disyembre, may El Hombreng Kapitbahay sa tagayang gintong uod: CORDILLERA, CARABALLO’T SIERRA MADRE. Baseng sona ng butihing Norteng kadre, Pati kapre at duwendeng nasa pusod. Ang bayan ko’y sa Solano kahit pobre, CORDILLERA, CARABALLO’T SIERRA MADRE.
23
#FOODPORNTRIP! TOSILOG Kay ganda ng Pampanga, Pag tamis-ngiti niya, Sa almusal kasama!
LONGGANISA Vigan man o sa Lucban, Masarap ang rambutan! Iwasan lang magpakwan!
SHAWARMA RICE Nilatag ang pipino Sa kaning Filipino: May tapang sinasanto!
SLURPAY Tamis! Linamnam! Sarap! Sa isang supsop-patak, Naging ginaw, ang saklap!
ISAW Laman-loob ang hanap Ng bitukang kumurap Sa sukang abot-ulap!
TENGA Diringgin ko ang payo Ng nag-ihaw sa kanto: Isang sawsaw lamang bro!
PIZZA Italyanong putahe’y Rumotonda sa kalyeng Bungangang oh so meaty!
PESTO Halamang kakaiba Sa sandosenang hibla’y Olibang mamantika!
BROWNIES Mahikang tsokolate, Paglabas sa estante: Pera’y kulang ng beynte!
SILVANAS Napadaan sa may mall, Natatakam sa may stall: Kay raming dilawang ball!
REF CAKE Pinalamig ang tamis Ng manggang ‘sinorbetes, Konteto lalo’t labis!
FROZEN YOGURT Ay! Anong kamahalan Ng bakang ginatasan? Manman na lang ang alam!
BULALO “Anong utak ng lasa? May isip din ngumuya?” tanong ni Tandang Yoda(?)
BURGER Halik sa p’wet ng kita, Dila’y naging banyaga: Ngiting kapitalista!
LECHON Kababuyang pagkain, Eh kapag nakahain? Lahatang kumakain!
PINAKBET3 Uray anya nga paet, Nu mabayag, agkammet, Sa’n laeng nakset! ‘Nyamet!
24
HAPPY MEAL Sa tambakan kinalkal, Basurerong nagpagal, Pinapak ng pusakal!
CHICKEN JOY Pagkabata’y sumapat Sa malutong na balat Na kinukurot dapat!
TINOLA
Natibong sikmura’y hanap ang tinola! Higit kung may halong balunan o atay, Matapang na sili, at batang papaya. Pagkat pampalusog, pambusog sa halal! Paboritong sabaw ni Padre Damaso, Hangad ang init ko sa hapag-kainan! Walang sayang sa’kin, pati ang atadong Hibla sa gilagid ay pating-na-ngiping Pinagkaguluhan kahapon ng aso. Makukuntento kang k‘wento lang ay dáing O adobo tuwing bertdey at piyesta? Lagyan mo ng konting dangal ang sinaing! Di lang pampamilya, ako pa’y pangjowa! Saan na si Santa? Tara! Noche buena? ADOBONG MANOK (feat. pineapple tidbits) Walang nang bantas bantas pa p*tang ina G na G simpleng simpleng mga rekados ay nag uumapaw sa lasap lalabasan ka ng laway sabay labas ng nakatagong kubyertos sa manamis namis na tila mansanas na tamis di na kailangan ng suka o patis puwedeng pumapel sa talino ng laurel na may toyo di puwedeng walang gaya gayang gumogoyo sa sobrang patok magpapaputok ka ng four two at boga ng superlolo lahat ng dilang tulala kuku kukutitap ang panlasa walang ibang klaseng pagkalinamnam ang madadanas mo sinasabi ko sayong ang sarap isa rap lalo na kung langhap sarap kitang lalanghap langhapin sa sining ng singit na tatak ng aking juicy broth hehe maaari ring harap harapang papakin ang pakpak dahil bahala na ako si Batman ng mga pupu tahe sabagay bagay na bagay sa suman at inuman ng pulang kabayo o brandy na may gin bulag kalamansing pantanggal ng kaba sa stage freight at naghuhuramentadong ubo dulo t ng lintik na sistemang kagat labing tighaw ay madugong Maria o sosyalerang vodka o sublime European wine no doubt about it! Aloha, I m so great! Take it over BRO: Adobong manok, ang Numero UNO! *drops mic!* 25
BubuyogBalita: 15 Dahilan Kung Bakit Dapat Lang Na Ikaw Ay Maging Makata Sa Panahon Ng Ako, Ako, AKO! Sinasabi ko naman sa’yo, ngayon #AngTamangPanahon para maging Makata: Lahat nagsusulat, walang nagbabasa. Lahat ay nakatitig at tinitigasan sa pinakamagandang puké[mon]. Maraming pagkaing makikita ang mga natatakam at nagugutom. Maraming magagandang tanawin ang natatanaw mo sa malayong-malayong pagtanaw. Ang mga nadirinig mo ay pawang katotohanan lamang daw. Ang mga naaamoy mo ay halimuyak ng bangong nakakagana! Walang naghihirap kung paano mamuhay nang mahirap. (O diba? Walang kahirap-hirap!) Walang batas na hindi puwedeng isabatas sa Pambansang Batasan ng Kataas-taasang Batas ng Batas Militar Blog ni Baby! Hindi na mahalaga kung may itsura ka o wala basta marunong kang tumanggap ng sweldo! Hindi na mahalaga ang argumento sa pananampalataya ng kung kaninong diyos nga ba ang may mas malaking titi[K], kasi in the first place, gender is fluid mind you! Kahit anong gabi maisusulat ko ang pinakamalulungkot na mga linya. 26
Kahit anong gawin mo mang paraan ay parang wala nang katuturan ang iyong mga ginagawa. Kahit anong klaseng pananalasaysay ay wala na palang saysay ang sarili mong kasaysayan. Kahit gaano mo subukang pag-isahin ang mundo, guguho pa rin itong parang kastilyong buhangin... Kahit huwag ka nang lumanghap ng hangin, kahit tumalon ka na ka’gad sa
bangin.
27
B’yaheng Langit Minsang nagmamasid Sa b’yaheng pauwi, Sa ginaw ng buhay Ng mundong nasawi, Lamlam ng tanawi’y Tila munting dampi Ng di matakasang Hiram na sandali. Doon sa bintana, Nakita’y hiwaga, Tambutsong gumulat Sa mukating2 mata. Sipat ang sinapit, Pagtanggal ng p’yesa, Ay wasak na bungo Sa aspaltong lupa! “Hay buhay!” hikab ko, Sa dugong sumirit Sa kalyeng mainit, Sa singit nang singit; “Buti pa si Manong,” Isip ko’y humirit: “Wala nang problemang Ma-traffic sa langit!”
28
Idiay bantay!4 Hayup! Bundok sa’min, tawag nami’y bantay! Saanma’y masarap ang “r” sa marunggay! Dinengdeng na utong ang sahog, i-much ngay? Timpladong salita’y musmos na gumabay! Ngunit sa tungtongan, pamantasang bayang May panlasang ibang putahe’y tawanan Sa pakbet kong di “bet!”, ang dinardaraa’y dinuguan, kaya’t dila ay ‘dinuyan... Tatas sa Iloko’y ‘sina-Filipino! Pilipit sa impit ng multo’t malignong Sumanib sa bigkas at tila pipinong Binabad sa suka’t tugma sa tosino! Kaya hetong balik-bantay, agpupugrut! Wala na ngang pera, buti pa’y agpag-ut Ti battit nga daga! Awan la’tdi utut! Kunak nu ansisit, marabutit nga kyut!
29
Ang unang kasinungalingan ng umaga Ang unang kasinungalingan ng umaga ay nangyari nang buksan ko ang TV, at alimpungat ko’y binulabog nang tumambad sa tanghalan ng tanghaliang tapat ay ang nakangisi’t bulubunduking mukha ng nag-iisang Pedro Pendukong artista: Walang iba kundi si Joey De Leon. Wow na wow na sumasabog sa bahagharing rampa ng mga tatlong bibeng kwak kwak KWAK sa bibig ng bote ng confetting tawanang nagluluwa ng bumubulang Pepsi sa kanyang dilang walang dudang nagdeklara: “SOBRANG DALI MAGING MILYONARYO DI BA?!”
30
Bahay-bubog Para sa mga manggagawa ng Tanduay Distillers Inc. Intro: C-D-D7-G-G D Bahay-bubog, C G Sahod unti. G C Ang gahaman do uy! D G Pa-O.T. nang O.T... G D Singdalas ng blue moon, C G Umentong laging cumming soon! C D Kaltas sa payslip lumitaw: G EH? DI WOW! G D Kontraktwal na iskema: C G Opo, magtatrabaho na! G C At chaka malala pa, D G Pati rest day kinuha! G D Seguridad ay ginalis, C G Hanggang kailan magdidilis? C D Sa paligid-ligid, D7 G MOLOTOV NA DILAW! (*badum-tss!*) 31
Si Marcos ang Pinakamagaling na Presidente Sa alaala ng mga biktima ng Batas Militar “Si Marcos ang Pinakamagaling na Presidente”, ang sabi ng caption sa nirepost na pic ng isang Friend ko sa Facebook. Parang nakapabebe-wave ang singkit na Diktador na pinutakte ng 69 Likes. “Apow Lakay? 69 Likes? Nagbastusen!”5 ‘ka ko. Iba-block ko na sana siya kaso biglang kumurap ‘yung mukha sa litrato, kumunot ang noo. Akala ko malikmata ko lamang ang kaba pero– may humampas bigla sa computer screen nagdilim ang buong paligid nakadapa akong nangangapa nang maramdamang may mga basag na salaming nagkalat sa sahig wala akong makita sa loob ng kuwarto dinig ko ang alulong ng malalaking aso ipinambusal niya ‘yung mapait na tela hanggang himatayi’t nagising akong ipinapakain ‘yung mga piraso ng bubog antapang ng amoy ng gasolina nung tinanggal nila hindi ako makahinga nagliliyab siyang parang gasera pinaghukay nila kami ng sariling libingan pinaulanan kami ng hampas ng pala sa likuran pinlantsa nila ang aking talampakan sabay-sabay nilang binunot ang aming kuko’t ngipin sinubuan sa bibig ng blade saka ikinulong sa loob ng kabaong hanggang sa nag-amok akong nalalasahang kinakalawang ang sariling dugo tinititigan lang nila kami buong gabi nakahubad sa ibabaw ng matitigas na yelong bloke nang malusaw magdamag nila kaming kinukuryente sa ari ipinasok paulit-ulit ‘yung baluktot na alambre wala na siyang malay nang hinugot sa estero ako na lamang ‘yung natirang mag-isang sumisigaw (...ang mga punglo sa pagkagising ko’y pulang araw...) MGA BABOY! MGA BABOY KAYONG LAHAT! KAHIT NA MANHID NA AKO PUTANG INA! Putangina nila habang parang naka-loop na playlist na nakapasak sa 32
tengang pumapatak sa utak ang lahat ng umuungol na halimaw na garalgal at busina ng Maynila ay di pa rin pinalagpas ng masalimuot na gunitang hindi mabura-bura kahit anong pilit sa isip ko’y nasa isip ko pa ring di mabura-bura ang nakasusulasok na usok ng mga puntod ng putahan ng mga tambak na kasama sa aking mga matang nilulunod sa sigwa ng mga batuta at basbas ng Maharlikang diwa’t daliring patuloy na lumalapirot sa nagnanaknak kong mga sugat: “...The Filipino, it seems, has lost his soul, his dignity, and his courage. The Filipino, it seems, has lost his soul, his dignity, and his courage. The Filipino, it seems, has lost his soul, his dignity, and his courage...”
33
34
Ikalawang hati: Pangangalahati
35
Hangal Hangal lang ang sinumang hindi marunong kumilala sa sariling panahong hinahangal. Hangal lang ang sayaw na nagtatampisaw sa rabaw ng plakang talumpating dasal. Hangal din ang maging papansin, pansinin, maging sa pagpansing di kapansin-pansin. Hangal lang din ako at hangal ka lang din Mahal, sa inaraw-araw, di ba’t tayo ang salarin?
36
LAGUNA Nagliwaliw sa Liliw sa lamlam ng dapithapon, sa estante ng mga suwelas at batik-batik na pulburon, sa mauusok na isawan ng bituka ng San Pedro, sa himaymay ng mga lawang liwayway ng San Pablo. Aking mga paang wala pang paanang hinahabol ay nagtampisaw sa kalawanging riles ng ice scramble, sa nakapupuwing na pabrika ng biskwit sa Santa Rosa, sa paghihintay sa gasgas na kalam ng bakal sa Calamba. Natuklasan sa binyag ng agunyas sa Cabuyao ang hinahanap na nunal sa puntod ng talampakang nagmamadaling abutan ang bituing panambitang bukang-liwayway sa sipol ng Majayjay. Paglingon sa kalawakan ng kagubatang Banahaw, tinangkang tuntunin ng paningin ang araw, nagpasyang pumalaot sa konstelasyong binubuhaghag ng kawayang buwan at ang natagpuang ngiti sa pagitan ng mga kaluskos, ay hiwaga ng binibining taga-Los Baños. 37
Sleep paralysis May isang basong tubig na nakadagan sa aking dibdib, hanggang dibdib ko na ang tubig— hindi ako makalangoy sa kumunoy ng pananalinghaga— andami mong insecurities, suppressed feelings sabi ng aso, ng tutang dinidilaan ang aking tenga, nagising ako para isara ang pintuang sinasara ang bintana naisara ko na nga ba ang pintuan? naisara ko na nga ba ang bintana? nasaan ang daan ng katapusan ng dilim sa dulo ay may ilaw how cliché how surreal, how you think nothing can stand in your way, lumilipad di ikaw si superman, naghahanap ng asul na sapatos sa binabahang sahig ng mga kuliglig ng gubat at kahon the number you have dialed is either please try again later the subscriber hello I am your would you like a next transaction? hindi ko talaga matukoy kung alin asin sinsinsin luklukmeg pingping-ping7 nagsasalin ng mga pagsasaling sinasalinan sinasalok sa paniwala ng nagsasabing maniwala sa mga sinasabing sabi-sabi nagsasabing pagsasabi ang daming nagsasabi ng sinasabi ng lahat ng mga salita sila ang salita salit-salitang talasalitaan ng salasa-init sala-sa-lamig, ang ginaw sagadsa-buto’t laman na walang kumot nasaan ang kumot ang lamig ang ginaw ako’y nanginginig sa kombulsyon kailangan kong isara ang bintana naisara ko na nga ba ang bintana? may isang matang nakadungaw sa bintana babangon ako’t isasara ang bintana nakabangon na ako para isara ang bintana 38
bintana akong bumabangon isinasara bakit hindi ko maisara ang bintana? kanina ko pa naisara ang bintana ha? nasaan ang bintanang nagsasara? babangon ako kanina pa ako bumabangon? hindi ako makabangon teka susubukan kong bumangon sa kabila ng liblib pero may isang basong tubig na nakadagan sa aking dibdib pero may isang basong tubig na karagatan sa aking daigdig...
39
May telenove
May telenovela Telenovela sa pagitan ng mga ng mga telenovela. sa pagitan Patalastas ng telenovela sa pagitan ng at telenovela. Patalastas mismo na habang nagtetelenovela’y Patalastas na hinahatian ng patatas na pala’t akala mo nga Telenovelang sa pagitan ng patalastas ng may naghahat ng reyalidad ng mga talata Telenovelang nanghahati ng na hinahati ng patalastas, telenovela, ng telenovelang Naghahati ka ng patatas. Nginunguya kang parang pa Tinatalupan ang bumbunan. na bite-sized pieces. Pinapana may panlasang pagpipilian. Ang salita at diyalogo’y Telenovelang Noontime Show! Telenovelang Tsismis ni Mister at Misis! nilang mag-usap sa telenovela para muling pag-usapan ang telenovelang pinag Basta– basta pag-usapan na lang natin Huwag ang buhay. ng mga pinapatay sa harap ng telebisyong gumagapang ay may maipanggatas sa kalam ng telenovela
40
ela
at patalastas
a
at patalastas. patalastas. Patalastas sa pagitan Telenovelang patalastas ng mga telenovela. mga patalastas, telenovelang patalastas sa loob ng telenovela patalastas na pala. sa pagitan ng telenovelang patalastas telenovela lang kani-kanina. may naghahati ng patatas ti ng patatas. Patalastas na nanghahati at pagbabantas. reyalidad. Reyalidad telenovelang patalastas, patalastas may naghahati ng patatas. Ngumunguya ka ng patatas. atatas. Ikaw na pala ang patatas. Hinahati sa maninipis crispy parang potato chips Murang-mura lang! Dinudurog, pira-piraso. Telenovela: Telenovelang Balita! Telenovelang pinag-uusapan pagkatapos sa telenovela’y lalabas ka g-usapan sa telenovela ng buhay mo. O teka buhay niya? O buhay ko? ang telenovela. Huwag ang totoong buhay at gumagapas nang ang madla ng kamalayang maningning sa kuwento at dahas a at patalastas.
41
Ang Pagsusulit B umabalik lagi ang panaginip,
magkakaiba man ang lugar pero iisa ang ipinahihiwatig. Relaks lang ako, pasipol-sipol na naglalakad papunta sa klase. Sukbit nang kalahati ang itim na backpack. Pinagmamasdan ang mga nagsilaglagang dahon sa loob ng Unibersidad, o ninanamnam ang kaguluhan ng kapwa ko mga estudyanteng nagkukwentuhan o naglalaro sa makipot na mga sulok ng Paaralan. Walang tao, o napakaraming tao. Napakatahimik, o napakaingay. Natutunan ko nang mahalin ang anumang bagay at pagkakataon bilang bahagi ng ordinaryong araw sa mundo, bilang bahagi ng normal. Pero unti-unti itong maglalaho. Papasok ako ng building. Makintab at makinis ang sahig ng gusali, halos makita ko nang buo at klaro ang sarili kong repleksyon sa bawat pagyuko. Aakyat ako ng hagdanan — nakatitiyak ako, lagi itong tatlong palapag. Hindi ko alam kung bakit laging apat na palapag. At sa bawat pag-ahon mula sa mga baitang ay may madaratnan akong grupo ng mga estudyante na nagkumpulan sa isang sulok. Mapalilingon sa pagdaan ko. Nagbubulungan. May group project? May tsismis sa mga guro? Nag-eensayo para sa darating na eleksyon ng student council? O tahimik lamang talaga? Walang sinasabi, hinihintay akong dumaan upang sila’y makalingon? Upang magtagpo ang aming
4/1 42
mga mata. Ang kanilang mga mukha na hindi ko makilala — waring babala sa susunod na eksena. Wala na akong katiyakan. Pagkatulak ko ng pinto ng klasrum ay tatambad ang aking mga kaklase na nakaupo sa kanilang mga silya. Nagsimula na pala? Sabaysabay silang nagsusulat. Matingkad ang puti sa abuhing kulay ng lugar: mga puting bestida at polo, mga puting papel. May hindi ba ako alam? Koordinado. Lahat. Nagsusulat. Nagninilay at may kailangang sagutan. May kailangang itiman. May kailangang bilugan. May exam? Anong klaseng exam? Bakit hindi ko alam! Ichecheck ko ang aking relo — labinlimang minuto na lamang bago mag-time! Hahanapin ko ang aking silya, o hahanap ako ng bakanteng silya. Tila hinahawi ko ang sarili ko sa gitna ng dilim sa isang maisan. Walang bakanteng silya. Mag-e -“excuse me” ako sa pagitan ng mga ulong nakayuko, ayaw nilang paistorbo. Mga ngipin na nakangiti kapag natalikuran ko na sila. Hindi ko mahanap ang guro o ang kanyang desk upang makakuha man lamang sana ng isang exam sheet. Hindi ko matukoy kung aling panig ng pader ang haharapin upang mahanap ang blackboard. Natatanaw ko lamang ang nakabukas na mga bintana na nagpapasilip sa makulimlim na kalangitan. Nagbabadya ang ulan. Uulan nga kaya? Maglalakad ako nang matulin. Nasaan na si Sir o si Ma’am? Kailangan kong makasagot man lang! Kahit hindi na mapag-isipang maigi.
Kailangan kong makapagpasa ng exam kahit hindi ko alam kung tungkol saan! Magsisimula na akong tumakbo, hinahabol ang kung ano, hindi ko alam. Saka ko mamamalayang ang lawaklawak na ng klasrum. Isang buong bayan ang lawak at lapad. Na may mga eskinita at gusali. May sariling usok at traffic. May di mabilang na nilalang at hindi nilalang na may sariling bituka at labasan ng bituka, at tapunan ng basura, ng mga tulad kong basura. Titigil ako at mahihingal. Nasa gitna ako ng dagat ng mga tao. At maghuhudyat sa kung saang sulok ang guro ng “Time is up! Please pass your papers!” Ubos na ang oras... Magsisitayuan ang mga estudyante na hindi ko man lamang makilala kung sinu-sino. Magsisisayad ang mga paa ng silya sa makinis na sahig. Nakatutulig ang ingay. Mag-e-“excuse me” sila sa akin kapag masasagi ang aking binti, tila sagabal sa kanilang pagpapasa ng papel. Sagabal ako sa kanilang mga pangarap. Kumipot muli ang kanina’y malawak na kuwarto. Hindi ako makahinga. Rumaragasa ang mga tao, mga papunta at pauwi, patungo at pabalik — at nalulunod lamang ako ng kawalang kalawakan sa aking pagkakatayo. Mga puting unipormeng lumulutang papunta at palayo sa akin. Mga malalayang saranggola. Mga nagkikislapang bituin. Mga tiyak sa buhay nila kung saan na sila patungo. Samantalang ako pala rito ang siyang multo. Lalabas ang lahat. At ako na lamang ang maiiwan sa loob.
At ang gurong nag-aayos ng mga papel. Walang sinasabi. Hindi ako pinapansin. Nakaririndi ang katahimikan ng kuwartong walang laman. Tanging ang kumakaluskos na mga test paper ang orkestra sa kumpas ng mga gagambang daliri na nagiging kalansay na gumagalaw sa
mga sapot na hinahanginan ng pagbagsak ng ulan at hampas ng delubyong lalamon sa mga basag na salamin! Saka akong magigising. At papasok sa trabaho... Dalawang araw pagkatapos kong maisulat ang panaginip na ito ay makikita kong nasusunog ang Faculty Center ng UP. #
43
family computer Ipinagdadamot ni kuya ang de kuryenteng kahon na nakalubid sa leeg ng ulyaning telebisyon. May nagluluto ng pansit, pampahaba ng buhay, tinanggal sa kurot ang humalong hibla ng kulot na buhok sabay sabing: “Bawal butingtingin ang kutsilyo! Istorbo! Umalis ka rito!” Di maisisilid ang inis, tatalilis sa silid na kipkip ang ngitngit at hikbi, sa kama ibabato ang kamao, ihahagis ang unan sa salaming aninag ng talukap na pintuan ay pulang mata. Patay, nabulabog si itay. Samantalang sa sala, may bisitang chinitang nahuhulog sa patibong ng tubero’t pagong; at ang kusina’y sumisipol pa sa pagtikim ng huling lasa ng hapunang handog: Tuturuan si bunso ng leksiyon sa hagupit ng sinturon ni Vuitton. Habang ihihiyaw ng ina sa lahat: “Kakain na!” 44
Kandila Malusaw man ang katawan sa mahamog na umaga, dadausdos sa paanan punlang luha’t alaala. 45
9/11 Pinadasal kaming nakabilad sa araw, nakayuko sa nakalalapnos na quadrangle.
Umulan ng alitaptap na abo sa umagang tila nyebe sa bintanang gumuho ang gunita.
Dinig ko ang bulong ng kaba nang pinatawag ang guro ng Math, di-mapakaling nabitawan ang eraser, ang blackboard ay ginuhitan ng magkakambal na pie chart at bar graph.
Dama ko ang bigat ng babala nang nilakasan ang radyo, natabig ang tasang punô ng kape, ang whiteboard ay sinulatan ng magkakambal na mga numero at pangamba.
Walang nangahas magpalipad ng eroplanong papel sa tahimik na klase.
May tumalon sa kawalan ng yakap at boses ng itinakwil na anak.
Ang punong-guro sa tanggapan ay nagpupunas ng mga bintana. Tumingala ang pari sa nakapakong Hari, hiniling na iligtas sa paggunaw ang sanlibutan.
Ang matandang dyanitor ay nasa pantry, naghuhugas ng mga pinggan. Pumikit ang bata sa aninong dumapo, akala ay shooting star sa huling paghiling.
At pagdating ko sa bahay, Nang lumubog ang araw, yakap ang isinalubong ni Inay. samyo ng pulbura ang dumungaw. Habang iniluluha ng mukha sa telebisyon ay kalangitang
At sa gabi’y inanunsiyo ang nilalangaw na retrato ng mga lapidang
naglalagablab sa lagim.
46
g I. lson g pu raha n a kaliw g ba Pitik ak paran nuro, w ti Hulyo 25, 2011 Ha Ganito i tanaga. g n ulat . Pags II a? na b ? a k t aba iko Umi hilo sa k laala i Nah in ang a ininga. h h m a D tong gbun II. a p an, I Sa ayus an a k g ibigy asan Pag- tang bin pasyong s k Kari ingang e a tuso! s n i t Ng h mukuro . u K IV umero– , gn sin. at an ilak nito g di pan a d n i Kik a ang p gay an eryend Mat lang ba ’t magm k’wenta na ng hib g ga li ka mu ansit. Si Dalhin git n i m i . g a p Mar hunos-d ainit at pasahe g naban Mag peng m inaas ng minsan basa? a a g a ‘t Ng k ntimos ya 'yun ging bin n. ‘Pap a u a l y n Se m ‘ i aya librong . kasi Sa ting t . V ba m Mo na relo a igil na nabudol inakaw e. n m i u ek n d t ay ts g kaila gay, kung Saba os sana na tanda llet na m g tigren . Ay di ko pati wa bulton glamay Ko, asama a’ng re ong pa aryo. d ’y ?K gint ko n 'Yun noon a bang sa ngkay sa Lotto a Mul y: nakaa y ng ba uleta ng ta ula yr g n a B ng k pmata a salamin rdin. a t n i a a n g i s i n p g I n h at ak Kad At bal g mundo ten VI. i doon man D’ya adal e? mam g bagah on? g a N n h a a gk aiw Sa n laman n ante? ng bak Ano ilan ka . Ka VII salanang a , ng k alan a ma sa kaw hay l a W igil g bu Tum ayani n inatay. b p Ang a pusóy s . I y I A s, VI a uto yos. s n i l u i p g Pipi g nagpu ayo’y n p ... ho ng Pana g na isa Anak ko , n i g l an Hi n lam Taha 47
Relo ni Tatay
Insulin November 20, 2013 Nangangamoy insulin ang simoy ng hangin sa ulan—hindi ko alam kung dahil sa basang kahoy na lungga ng mga langgam, imbakan ng minatamis na mismis ng ulam at meriyenda sa hapon hanggang papagabi; o ugat sa kulubot na balat ng kurtinang basahan sa tabi ng bintanang pinupunasan, nakasanayan ang paglipas ng mga alikabok. May mga kalungkutang tatapik na lamang, mangangamusta bilang matandang kaibigan.
48
Ulat sa paghuhugas ██ █████ Sa alaala ni Jossela Peñano, martir ng sambayanan ████████████████████████████████████████ ████████████████████████████████ ██████ ██████Tubig ang kumupkop, ███ █████ ███ █████ ██ ████ ███ █tila mandurugas, ███ █████ ██ ████ ████████ palaisipan pa ███ █████ ███ ██ ███████ ███sa ‘king paghuhugas. ███ █████ ████ ████ ███████ ███ ███ ████ Di maubos-ubos ███ ████ ████ ██ █████ █████luhang tumatagas ███████ ██████ ███████████ █sa gripo, kay bagal ███ █████ ████ ████ ████ ██████ng ulan lumipas. ███ ████ ████ ███████ ██████████ ██████████ ███ ████ ███ ████ ███████████ ██████████ ███ ████ █████ ████ Pambanlaw sa batyang ███ █████ ████ ██ ██ ███ ███malabnaw ay balon ███ █████ ████████ ███ █ █ █ng kahapon. Tila ███ █████ █████ ███████ █████nais kong tumalon ███ █████ ████ ████ ██ ███ sa talim ng basong ███ ████ ████ ███████ ███████salamin ang telon. ████ ████ ███████ ███ █████ ██ █ Pagkawala’y tila ███████ █████████████ ███████sambula ng sabon. ████ ████ ███ █████ ███ ████ ████ ███████ █████████████ ████ ███ ████ Dagliang daluyong, ███ █████ ███████sakunang sumugod ████ ████ ███████ ██ ██sa ’yo. Nagngangalit ███ ████ ████ ███████ ███████along nakatanod.███ ████ ████ ███████ ████ ████Bagyo sa kanluran ████ ████ ███████ ███████ ████ang naghihimutok███████ ███████ ███████ ██ ██ sa pagtawid, tangay ███ ████ ████ ███████ ███████anino mo’t gulok. ████ ███████ ████████ ███ ████ ████ ███████ ██████████ ███ ████ Sabi ng opisyal-███ █████ ████████ ██████ ███ ███████pahayag ng yunit: ███████ █████████████ ██ ██Di ka matagpuan. ███ █████ ████████ ████████ ██████Saglit lang umihip █████ ████████ ███ ███ ██ang bali-balita, ████ ████ ███████ ██████████ hindi na uminit.████ ████ ███████ █████ ██ ██ ██ █ ███ ████ ████ ███████ ██████████ ███ ████ █ Ilog kang bumasag █████████████████████████████ sa pinggan █████████████████████████████████ █████████kong isip.██████████████████████████ 49
soundtrip Dahak-dahak ng lumang player ang isinaksak sa kanang sikmura nitong maalikabok na casette tape. Naudlot ang himagsik ng himig, sa pagkakasubo ay nagkandabuholbuhol ang itim na dila ng mga laso sa nakaririnding garalgal ng granahe’t naglalahong basag na boses. Wala. Wala nang anumang forward o rewind ang makapagbabalik. Tanging idinudura ng kuwarto ay klik-klik-klik!...
50
Walang ngalan Sa alaala ni Mark Velasco, martir ng sambayanan
Walang ngalang kalungkutan, Nagambala kaibigan, walang iba ang tumupok kundi kami, sa ‘king araw silang lahat na lumisan. ay nagdiwang, palamuti’y mga aklat ng kundiman Ang balita’y at salapi. tila sibat, Nagpalitan nadungisan ng ngisi sa aking laya, tabi-tabi. at ulirat ay lumiban.
●
● Tabingi kang natagpuan sa madilim na bahagi ng bangin , ang patalim— itinarak sa ‘ming dibdib ay panimdim– walang ngalang mukha’y piring ng malagim.
Walang ngalan iyong bundok na inakyat, nagsulat ka ng sanlibo pang alamat. Walang takot, kaloobang buo’t tapat. Kapangalan mo na ngayon ay pagkidlat!
●
51
52
Ikatlong hati: Pagkabingit
53
Askal
seenzone
Askal sa ilalim ng hagdanan bungangang gumagaralgal sa inidoro ng MRT paslit na nagpupunas ng sapatos nakatagilid na nakahiga sa dyip may ketonging gitarista humihinga ang balat good morning towel na piga sa pawis tinalupan ang balahibo barkong hinipan sa dalampasigan nagnanaknak ang pigsa nangangalawang na bukangliwayway inaanay ang dumi sa ilalim ay may di mabilang na mga bangkay nilalangaw ang pata wakwak ang mukha sa ilalim ng lupa malapit nang pumikit winalis ng mga pulis at kapalit sa idlip ay bagong tatambayang de-aircon ang init na Mall may uha ng sanggol ng araw sa gilid ng estero ragasa ng ulan — Ngunit! mga dagang nagtatakbuhan anak tindig ng tenga— mayroon nang m a u u l a m! Sa gitna ng karaniwang harurot ng mga bus paglabnaw ng tubig-ulan busina ng mga batas trapikong masagana sa landas ng ilog sa mga nagpapatraffic na traffic enforcer mabubulabog sa lapot ng dugo ang lahat sa patungong tahimik Hubo’t hubad na babae na lagusan malaki ang suso ng kanal. hubo’t hubad mula ulo hanggang paa maitim pinaitim ng grasa isang babaeng humihiyaw nakataas ang kamay sa langit edad kuwarenta nagwawalang parang si Sisa hubo’t hubad nagwawala sa gilid ng EDSA sa ilalim ng MRT ng nagdaraanang mga taong papasok sa kanilang mga trabahong may sukbit na headset ng pagkataranta sa saliw ng tugtuging umuungol sa sasakyan ng mga pabrika at pagtatrabahong masamantala ang naroon pa rin ang aleng taong grasa nagwawala ngunit sa lamlam ng umaga tila walang pumapansin sa nagpapapansin walang nagpapansinan kung may pumapansin walang nagtatawanan kasi wala namang nakakatawa haha ha hay sa kanilang lahat na ang isip sa kanila na lamang, sa isip ng Askal. 54
Pusa CUBAO ni Julianne Marie B. Leybag Nabubuhay itong Cubao sa madilim, Nagkakanlong ng marungis na liwanag Sa pagitan ng sansaglit na patalim. Patay-sindi ang malamlam na patikim Ng palengkeng naglalako’t bumibihag, Nabubuhay itong Cubao sa madilim.
Mas gusto ko pa ang matulog, Magising na s’yopaw, mahulog Sa tarik ng yero, matusok Sa tinik, sumunod sa usok, Mapisat ng tren o maligo, Kesa maniwala sa among Tsonggo na nga wala pang pusong Leon ng Reyna sa Ehipto! Ba’t ambantot ng mga aso?
Pusakal
Hatinggabi lumalabas ang malagim Na kilabot na kakayod nang masipag Sa pagitan ng sansaglit na patalim.
Saan ka susuot? Kanina pa kita Ang kalansay ng ‘sanlibong paninimdim, sikretong sinusundan, kahit nakapikit. Madaling masilip Ikinubli ng mapanglaw nitong sinag, ang itinatago mong Nabubuhay itong Cubao sa madilim. anino sa siyudad! Maging mahinahon. Tila punyal sa paghiling na taimtim Buwan man, ambon o sinag Ang harurot ng sasakyang di-matinag ay kayang takasan, Sa pagitan ng sansaglit na patalim. basta’t maliksi ka pa sa linlang ng lansangan. Ito’y pusod ng Maynila, ang maitim Na babaeng purong poot at bagabag. Huwag mo lang kakalmutin Nabubuhay itong Cubao sa madilim, ang ulol na bantay sa bawat búrol. Sa pagitan ng sansaglit na patalim.
bangketa
gusgusing kuting gusgusing kuting, hikbi‘y humalik, subsob sa limos, langibing lungsod.
bili ng yosi sukli ng kendi
hithit ng yosi sipsip ng kendi
sindi ng yosi bili ng kendi
upos ng yosi balat ng kendi
taktak ng yosi bukas ng yosi
buhay bangketa bangketang buhay
tamis ng barya gasgas na ginhawa. 55
Ang Unang Panaginip Kaibigan, tayo’y nagmamartsa, lusak ang mga paa sa putik, isang dapithapon sa gubat. Nakaabang sa anumang liligid na tiyak natin kung may bibig. Hingal na hingal tayong nagpahinga sa tapat ng dambuhalang puno, ang katawan ay kulay kahel sa sinag ng naghahalong brilyanteng hamog at bahagharing mga buntonghininga. Nilulukuban pa ng anino ang bakod nitong kalangitan nang biglang nagkandahulugan ang mga bunga, tila umulan ng maliliit na duyan ng dahon sa hangin. Ngunit nang titigan ko ang damuhan, naroon ay basyo ng mga bala, kumagat ang gabi at malulutong ang tunog ng talampakang natapakan ang tumpok ng mga tangkay. Nabulabog ang mga paniking nakarinig sa kaluskos na tumakas. Saka ko napansing may mga galos ng palakol ang pusod ng puno, tila isang misteryosong mapang nakamarka patungo sa kung saan. At sa pagtingala ko’y abot-langit ang pagkamangha sa itsura ng mga bunga: 56
Kumakaway, tinubuan ng mga daliri at nakaunat ang mga prutas na mga kamay. Pilit kong inabot ang tayog ng pabitin sa premyo ng tiwangwang na mga palad! Ngunit di nagpahintulot ang grabedad. Naupo na lamang ako at sumandal sa dibdib ng inukitang kahoy. Saka ko lamang napagtantong wala ka na pala sa aking tabi, kaibigan. Sayang, aakyat pa naman sana tayo sa pumapalakpak na puno.
57
na tula. Wala akong ibang napapala kundi ang maubo’t mamaluktot ang kaluluwa, maging lukot ang mukha sa liwanag ng bombilya, isa-isang bubunutin sa talukap ang ngipin na tanikala sa kaloobang tinarakan ng mga salubsob ng kristal na mga hibla ng iyong alaala bilang duguang manlalakbay na lulong sa disyerto't diyalektika ng sayaw sa bubog
Salamin
Mula sa bintanang salamin sa tuktok ng abuhing building, tinititigan ko ang tuldok ng naglalakad na tao. Mula sa salamin na tumititig sa computer screen ay nakatitig ako sa pagkurap ng tumutuldok na mga tao.
At mula sa kawalang tuldok ng mga makikinis na mukha ng salamin sa kuwarto, sasakyan, karagatan ng kasilyas at opisina ng kani-kanilang mga disipulo’t kulto ng pananalamin, at pangangalahati ng sari-sariling nangangalahati, naisip ko bigla ang ebanghelyong ang mata ay salaming pintuan ng kaluluwa. Sa bibig ng kalawakan kaya na lumilikha ng mas malalawak pang uniberso ng mga bersong tuldok na namumukadkad bilang basag na bituin, tayo ay mga butil ng alikabok kung ituring sa pawis ng balahibo ng bote ng beer? Isang kuko sa paningin ng inuman sa harap ng sari-sari store kung saan lagi kang kumukutkot, at kumakatok ng musmos na sigaw ng uhaw na: “Tao po! Pabili!”
Kaya’t ang tambad ng tangkang tumapak nang nakayapak sa likod ng pakpak ng panaginip na agila ay pagkapuwing sa pangamba– pagaspas ng mga alimurang mapagpanggap na hininga!
Sa pag-uwi ko araw-araw sa kuwarto, hatinggabi lagi kong nakalilimutang may mga kahibangang nagkalat sa sahig, na mga durog-durog na piraso ng baso, bote at salamin, mga palatandaan ng paraiso na nakaligtaan kong walisin.
Salarin
58
Makiling H’wag maakit Sa mukha kong Mahiwaga. Nagbabala Ang kagubatan: “Kagandaha’y Binhing sumpang Bumibihag Sa binata.”
Naulilang Panaginip Ba’y pangamba? Umaasang Sadyang hubdan Balahibong Alitaptap Sa kabundukang Mahiwaga?
Pulang tuko Ang kumapit Sa tanaga Ng diwatang Kabundukan At tulisan, “H’wag mabihag Sa mukha n’yang Mahiwaga.”
Katalik kong Kagubatan Ay malayang Sapang kayang Punan iyong Lalamunan Ng pagsumpang Tumitighaw Sa binata.
Kagubata’y Balat-ahas Ang tiwala, At bisita’y Puting uwak Sa aklatan: “Isinumpa Ang binihag Na binata!”
Nasa kweba Ang gasera Ng hinagap Na d’yamanteng Pagnanasang Kabundukan! H’wag akitin Ang kagubatang Mahiwaga,
Ako’y sumpang bumibihag ng binata.
59
Minsan dumarating ang mga talinghaga Minsan dumarating ang mga talinghaga sa kalagitnaan ng pag-order ng ulam sa loob ng fastfood. Magdaraan ito sa anyong madungis na batang paslit na ang munting mga daliri at palad ay ididikit sa bintana. Walang kurap na pumipili ang mga nakapila, dilat ang mata sa kahihintay. Papasok ang pulubing may hawak na basong plastik, patuloy ang daloy ng pag-iwas ng mga tingin, at aalis siyang maiiwan ang mga kataga, isang duming hugis-kamay sa salamin. Maaalala ang putikang kinasasadlakan ng mga kababayan matapos ang matinding dagok ng unos. Ang mga bangkay na di mahukay o matagpuang lubos. Hanggang tanggalin, kuskusin, pakintabin ng dyanitor gamit ang tubig, sabon at ispongha, kasabay ng pagpupunas ng pasmadong kamay sa pawisang noo. Minsan dumarating ang mga talinghaga, isang matandang kuba ang manlilimos sa Quiapo. Kasing payat ng kalapati, parang gusgusing kuting ang bitbit niyang sanggol na balot sa itim na plastik. Kasabay ng pag-uha ay mangangalabit ang ale, tititig ang malamlam niyang mga mata at pagbukas ng bunganga’y kanyang dila’y susubukang sabihin, sa gitna ng pasikot-sikot 60
ng ingay ng eskinita’t esterong malikot sa sasakyan at pasahero, ang balitang ang nakapaskil na balita ay kanyang pamilyang nilunod sa ihi’t regla ng lungsod. Mga taludtod ng mga uod sa kuko ng gutom na uwak ang mga daliring kumukurot sa tuyot na lalamunang nililingkis ng naaagnas na kamay ng patay na oras... Tila tinuturukan ng karayom ang balikat! Dinidiinan ng kutsilyo ang leeg! At kasabay ng koro ng mga abuhing anghel ng matandang simbahan, ibubulong ng ale sa likod ng kanang tenga ang isang tula. Hanggang magising sa kuwarto, sa di maipaliwanag na pangamba, malamig na pawis sa noo, humihingal, naghahanap ng lapis at papel sa ilalim ng mga lukot na kumot at isang basong tubig mula sa malalim na balon ng ulilang mundong batbat ng karimlan...
61
KUNG PAPAANO TAYO TINURUANG MANAHIMIK SA KLASE Pssst! HOY! Sinong maingay diyan sa likod ng row four? Subukan niyo ngang magsalita rito sa harap nang makita niyo kung gaano kahirap? Ilista ‘yang maingay na ‘yan! Namimihasa ka na ha? Bastos ka ba? Akala mo nakakatawa ginagawa mo? Ipapatawag ko nanay mo bukas! Sa Guidance Office ka na dumiretso! Lumabas ka sa klase ko! Walang hiya ka! Walang modo! Wag ka nang pumasok! Pumapasok pa ba kayo? Ang babata niyo pa! Bakit niyo kailangang mag-ingay? Puwede naman natin itong mapag-usapan! Walang mapapala ang pagprotesta niyo kundi gulo! Mag-aral muna kayo! In the future, kapag nasa posisyon din kayo, maiintindihan niyo rin ang mga patakaran dito! Kailangang sundin at ipatupad natin! Gusto natin payapang nakikipag-ayos tayo. Basta’t bawal ang ginagawa niyong yan! Alam niyo bang puwede kayong masuspend o ma-expel sa ginagawa niyo? Handa naman kaming tugunan ang inyong hinaing! Pero let’s make ends meet! Remember this: Di lahat ng gusto, puwede! Di lahat ng kailangan, maibibigay mga anak! Anak ng! Di ba talaga kayo aalis? Sinabi nang bawal dito ang ginagawa niyo! Di ba kayo tinuruan ng mga magulang niyong sumunod sa batas! Hindi puwede ang ginagawa niyo! Wala kayong permit sa pagrali! Umalis na kayo! Mga bingi ba kayo? Nakakaabala na kayo sa mga tao ha! 62
Umalis na kayo! Bibigyan namin kayo ng limang minutong palugit! Kung hindi pa kayo lalayas, sabihin niyo sa mga kasamahan niyo: Hindi namin kasalanan kung magkasakitan dito! Binalaan na namin kayo! Anak ng puta! Hindi ka ba talaga aamin? Pinipilosopo mo ba ako? Akala mo ba nagbibiro lang kami? Kilala mo ba kung sino kami? May angas ka pa? Umamin ka na kasi! Ikaw ang pasimuno! Pinaglololoko mo ba ako? Hindi ka pa rin magsasalita? Eh kayo ‘tong laging nag-iingay sa kalsada? Kilala ka namin! Umamin ka na! Umamin ka na! Kung ayaw mong masaktan pa! Alam namin ang totoo mong pangalan! Ikaw si Ka ████! Alias mo ‘yan noong umakyat ka! Kasama ka sa nangyaring engkwentro noong nakaraang linggo! Asan ang tapang mo ngayong hayop ka ha? Magbibilang ako ng TATLO! Kung gusto mo pang makita ANG PAMILYA MO, AT MAKALABAS DITO NG BUHAY: TANG INA KA! KUMANTA KA NA! KUMANTA KA NA! TANGINA KANG HAYOP KA! DAHIL MAINGAY KANG BATA KA! KUMANTA KA! Kumanta ka sa flag ceremony bukas! Malinaw ba? May Reklamo Ka ████?
63
Fire & Blood Sa alaala ng mga biktima ng Kidapawan Massacre Nag-aalipato ang dibdib ko nang una kitang makitang tinutupok, habang nakahandusay ka sa lupang nananaghoy, at naging kasing kulay ng isang dagat ng apoy ang mga butil ng pawis na iyong ipinunla sa tunay na libro ng kasaysayang puno ng ngitngit, galit, higanti at hustisya sa pag-asang matatapos sa ngiti ng pangarap at gunita. Nagkukulang ang mga salita... Nagkukulang ang mga salita! NAGKUKULANG ANG MGA SALITA! PAANO BA GAWING BALA ANG MGA KATAGA? ANG MGA PUTANG INA AT HAYOP! ANG MGA NAKAPANGGIGIGIL NA LIKE, LOVE, SAD, HAHA, ANGRY AND APPARENTLY THANKFUL SA FACEBOOK! ANG MGA WALANG KINAHAHANTUNGANG ANGAS! KUNDI ABO SA ILALIM NG MGA NAGNININGAS NA KAHOY! SA KANLUNGAN NG ATING MGA SAGRADONG MUNDO! AYOKONG WALA NA TAYONG DARATNANG MUNDO! AYOKO NG GANITONG KLASENG MUNDO!
Bakit ba kasi hindi pa natin ito mabago-bago? Paano pabago-bago isip nati’y pabago-bago? Pagdadawalang-isip ng mga nagdadalawang-isip! Gayong iisa lang naman ang kaaway natin! Sabi nga ni Heneral Luna: ANG ATING MGA SARILING KADUWAGAN! KAYA SIGE, LET ME BE FRANK WITH MY POETRY!
May isang nobelistang nagngangalang Ray Bradbury na nagsulat ng isang dystopia na pinagsusunog ang panitikan! Mga bomberong pumapatay ng libro! Mga ahente ng estado! Ang pagbabasa ay itinuturing na subersibo! 64
Bawal ang pag-iisip nang radikal! Required ka laging maging hangal! Saka pinasabog ang buong bayan nila NG ISANG BOMBANG NUKLEYAR!
Kahapon lang, naabot na natin ang matatawag na realization of this science fiction. Naging totoo ang kathang-isip habang ang dugo mo’y sumisirit... Naging bangungot ang panaginip nang kitlin ka sa huling ihip! Kaya’t ang problema ko ngayo’y kahit anong pilit kong kumawala sa pagkakatanikala ng katawan ko sa sanlibo’t isang mga tulad kong mga bangkay na rin lamang NA NILALANGAW NA NGA’T MAPANGLAW AY SABOG PA ANG UTAK AT KALAMNAN SA NANGANGALANSAY NA BUTO’T LAMAN!
Ginigising ko ang sarili ko, OH DIYOS KO! ginigising ko ang sarili ko ginigising ko ang sarili ko ngunit hindi ako magising-gising hindi ako magising-gising hindi ako magising-gising ginigising ko ang sarili ko ngunit hindi ako magising-gising hindi ako magising-gising hindi ako magising-gising ginigising ko ang sarili ko pero hinehele nila ako kaya hindi ako magising-gising hindi ako magising-gising ginigising ko ang sarili ko ngunit hindi ako magising-gising HINDI AKO MAGISING-GISING MULA SA ITIM NA IMPIYERNONG ITO! Bakit tila hindi ako magising-gising hindi ako magising-gising kailan ako magigising? Kailan ba tayo magigising? 65
ODA SA PANAHON NG PAGPAPASIYA SA PAGKILOS III. Pakinggan ang di binabanggit I. Sinupin ang naiwang kalat sa kuwarto, na babala sa radio, tanggalin bilangin mga alaalang nakausli sa bulsa: ng tiket, balat ng kendi at itim na barya; ang maskara ng kaayusan sa telebisyon pigain ang panyong may kumapit na luha. at kilatisin ang mga totoong detalye sa diyaryo, sa pagitan ng mga talata ng balita; Pagnilayan ang mga larawan Tipunin ang mga inaagiw na papeles, at mukha; pansinin ang magkakaparehong alamin ang pakay ng bawat liham tala ng mga makata at diyarista: at dokumento, pansinin ang mga guhit sari-saring petsa, lugar, tao, numero sa likod ng kuwaderno, punan ng tinta at pangyayari ngunit iisang paksa ang mga pahinang blanko. ang pilit ikinukuwento. Ipihit pasara ang pumapatak na gripo, pagtipunin ang basag na plato at baso, IV. Sagpangin ang mga pagkakataon at gawing pang-ukit ng pangalan at iambag ang tig-isang segundo ang mga bubog at biyak na piraso. ng bukas, upang pabilisin ang oras, ang panahon sa pag-igpaw sa tigil ng kawalang pakialam. II. Kutkutin ang dumikit na alikabok sa telepono, tawagan ang pinakamatalik na kaibigan at kamustahin, kwentuhan Kalimutan ang bakas ng iniwang landas, huwag nang ipasan ang agam-agam ng pinakahuling panaginip. na sadyang magbabaklas sa ugat Magtiklop ng mga kinulob na damit ng pagtindig at pananaw ng pagbalikwas. at magpatugtog ng paboritong kanta mula sa memorya, ulitin ang koro, Magtanong subalit matuto rin na ang sagot ay matagal nang ipinunla’t inihulma isabay ang ritmo sa di umaandar na relo. ng nagbubungkal at nagpapanday na mga braso at kamay. Pagmasdan ang bukang-liwayway sa gabi, kumutin ang araw sa pagsilip ng mga ulap, sumipol kasama ang hangin, maghintay ng ulan sa mga tagpuang pakaiingatan.
66
V. Durugin lahat ng espasyo ng duwag, huwag mag-iwan ng puwang sa pag-aalinlangan! Unawain ang pulso ng sakripisyo, kausapin at damhin ang napopoot na puso, dingin ang umaalingawngaw na daíng ng api na kailanman ay hindi naging pipi. Kilalanin ang sarili sa mata ng kapwa, haplusin ang bitak-bitak na balat at lupa, ilibing ang sariling takot ng kamatayan; ialay ang hininga sa pagbuhay ng naghihingalong bayan.
VI. Simulan ngayon ang higit pang hinihingi ng nakararami, sapagkat ang iisa’t iisang husay lamang ay mananatiling mangmang sa tunay na kasaysayan. Yakapin ang kumpas ng kalsada sa daluyong ng libu-libong yapak itigil ang retorika ng pagpapasiya at kumilos.
67
Pépe Nakaukit ang mukha ko sa mamiso. Mawalay man magkapares na tsinelas Sa habagat o baybaying makakalat, Magsasanib balang araw ang rebultong Daigdig ko’t sansinukob, ‘pagkat henyong Inihulma pagkahugis-Filipinas. Ilustradong umiibig sa yumakap Na dalaga sa halika’t sigarilyo. Adhikaing iminarka’y mitsang k’witis O kamatis sa sinehang iniipis? Salamangka ng baraha at gasera, Ang ‘sinugal sa panitik at siyens’ya! Makalipas ang sansiglo, etsa-pwera’t Matsing pa rin ang pagturing sa ‘ting lahi? Habambuhay pangturista? Ay de puta! LIBINGAN KO PA’Y LIBANGAN N’YONG MAPANGHI!
68
Kartilya ng Makabagong Kilusang Propaganda: HIGIT SA LAHAT AY PUSO’T DAMDAMIN. HINDI ISINUSULAT ANG ISINASALITA NG HANGIN. 1. Metaunawa (Pagkameron ng Lumang mga Ideya) 2. Metabasagan (Pagkawasak ng Bulok nang mga Ideya) 3. Metamalasakitan (Pagsilang ng mga Bagong Ideya Sa pamamagitan ng Pagmamalasakitan). <3 UPANG MAPAIGTING ANG PAGSULONG NG MAPAGPALAYANG KAMALAYAN SA LALONG MADALING PANAHON. /weh
69
OBOSEN Anak, o b o s e n mo Ang eyong almosal, Alam mo, marameng Nagogotom ngayon. Somonod ka na lang, Andame mong alam.
H’wag ka nang mangarap Ng eba, may esang Bagyong nanalanta, Pate n’yog ay potol. Anak, o b o s e n mo, Ang eyong almosal. Naaalala mo se Mayáng na aswang? Ano? Tawagen ko Nanay mong besakól? Komaen ka na nga, Andame mong alam. Ayaw mong makeneg? Pa’no ka lalake Benge ka ba, bongal? Neyan? Kabaklaan Sege na’t bebele Ang bagsak mo, kopal! Pa ‘ko ng Fondador. Bote pa’ng sogarol! Anak, o b o s e n mo Enomen mo na ‘yan! Ang eyong almosal! Andame mong alam! Bokas-makalawa, H’wag mong masombatang Bangkay na ‘ko, olol! Nasa’n ang sentoron? Anak! O b o s e n mo Ang eyong almosal! ANDAME MONG ALAM!
70
$
D D @ K
●
71
Tala sa ilang tula “Si Marcos ang Pinakamagaling na Presidente” ay nagkamit ng Honorable Mention sa Jimmy Y. Balacuit Literary Award (Filipino Poetry) ng 23rd Iligan National Writers’ Workshop (INWW) noong Mayo 29 - Hunyo 4, 2016 sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology. “Bayan Ko v.2”, “9/11”, “bangketa”, at “gusgusing kuting” ay unang inilathala sa Salita’y Sandata: Mga piling akda ng nakikisangkot na panulat (self-published, 2015). “KUNG PAPAANO TAYO TINURUANG MANAHIMIK SA KLASE” ay unang inilimbag ng Pingkian: Journal for Emancipatory and Anti-imperialist Education, Vol. 2, No. 2 ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND, 2014). “#FoodPornTrip!”, “Minsan dumarating ang mga talinghaga”, “Relo ni Tatay” at “Oda sa Panahon ng Pagpapasiya sa Pagkilos” ay unang inilathala sa Plumang Punyal: Mga Tula at Dagli na Pinatalim ang Puno't Dulo (self-published, 2013).
72
Insulin Translated by Prof. Dennis Aguinaldo The smell of insulin hung in the wind of the rain—I do not know if from the wet wood, keep of ants and store of candied crumbs from meal and snack, from afternoon towards evening; or vein in the wrinkled skin of the curtain rag beside the window oft wiped, accustomed to migrations of dust. Among sorrows are they who could but pat in the greeting of an old friend.
73
ODE TO THE PERIOD OF RESOLVING TO ACT Translated by Ysh Cabana I. Tidy up the rubbish that remain in the chamber, tally the memories that out of the pocket have swollen: of a pass, candy wrap and a black coin; squeeze the kerchief from which tears held on. Gather the papers covered with old cobwebs and soot, determine the object of every letter and chronicle, take heed of the rules behind the journal, fill out with ink the blank folio. Turn off the dripping faucet, collect the broken plates and glasses, and use to etch a name them the crystals and cut pieces. II. Wipe away the dust that settled on the phone, call on one’s blood brother/sister to ask how he/she is, converse of your most recent vision. Fold the clothes sealed airtight, and play a favorite song from one’s recollection, repeat the chorus at the rhythm of the faulty timepiece. Watch the night come down as dawn breaks, overlay the sun while the clouds peek, whistle together with the breeze, wait for rain in the rendezvous well kept.
74
III. Listen to the radio broadcast not aired on, strip off the screen of harmony from the television and scrutinize the true details in the periodical, between the passages of news; Contemplate the images and faces; note the same record of the poet and of the journalist: various dates, places, people, figures and events. But one subject is forcibly being told. IV. Take every chance you have and devote each second of tomorrow, to hasten time, the season to make effort in ceasing apathy. Forget the traces of the old nature, never bear doubts anymore which will debilitate the root principles and view of dissidence. Throw questions but also grasp that the answer has long been implanted and forged by the tilling and smithing appendages and mitts.
V. Destroy all spaces a coward, Do not leave a gap for doubt! Understand the pulse of sacrifice, talk and feel every hateful heart, listen to the resounding cry of the oppressed that was never pressed. Identify yourself in the eyes of a fellow, caress the cracked skin and soil; bury one’s own fear of death; raise a dying people by dedicating one’s breath. VI. Commence to further the demands of the masses because one with a skill alone will remain moron in genuine history. Embrace the rhythm of the way in the surge of a thousand paces halt the rhetoric of decision and act.
75
Talasalitaang Kailukuan 1
batillog — a.k.a. ukel-ukel — scientifically ispiking, the most fragile part of the male reproductive organ consisting of sac and balls. 2
Mukatin — mutahin — a.k.a. “the way you look at me in the morning”
3
Uray anya nga paet, — Kahit anong pait, Nu mabayag, agkammet, — Kung matagal, kamayin, Sa’n laeng nakset! Nyamet! — H’wag lang sunog! Anuber! 4
Idiay bantay — Doon sa bundok marunggay — malunggay (duh!) dinengdeng — var. ng inabraw, ulam na gulay (secret herbs & spices) utong — sitaw (dafuq wer u thinking bro?) i-much ngay — slang exp. “naimas ngay/ansarap naman!” tungtongan — kwentuhan dinardaraan — dinuguan w/ an “ar-rrrrrr!” agpupugrut — poorita blues, as in waley anju, var. ng agbabakol, hal: Ayna kabsat agpupugrut/agbabakol ak la unay! Uray ipugiit mo ket awan latta ti rumwar nga kwarta! agpag-ut — var. ng agpar-ut — magbunot/uproot Ti battit nga daga! Awan la’tdi utut! — Gapiranggot na lupa, basta’t walang daga! Kunak nu ansisit, marabutit nga kyut! — Akala ko duwende, dagambukid na cute!
5
Nagbastusen! — Ambastos! (ni Marcos, pwe!)
6
tinupig — tipo ng kakanin na masarap kainin (err, lahat naman yata?)
7
asinsinsin luklukmeg pingping-ping — “asin (a)sin (a)sin (a)sin tataba ang pisngi” — onomatopoeic pampagana para sa walang ganang kumain na bata.
Bonus word — sumarampiteng — luka-luka hal.: Ayna sumarampiteng manen ti billit na nga bassit! 76
Taos-pusong pasasalamat Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nag-ambag ng kanilang panahon para sa pagbubuo ng koleksyong ito. Maraming salamat sa patnubay: Fidel Rillo, Luna Sicat-Cleto, at Jun Cruz Reyes. Sa mga guro at panelista sa LIRA: Virgilio S. Almario, Michael Coroza, Joselito delos Reyes, Edgar Calabia Samar, Joel Toledo, En Villasis, Louie Jon A. Sanchez, Rebecca Añonuevo, Allan Popa, Romulo P. Baquiran Jr., John Enrico Torralba, Giancarlo Abrahan, Michael Jude Tumamac at Ergoe Tinio; sa mga LIRA co-fellows: Karlo Oropesa, Eluna Cepeda, Juan Ekis, Popoy Tibayan, Adoh Belleng, Kino Kwan, Khaila Gurion, Inay Amy, Ivie Urdas, Oksan Evangelista, Eloisa Toledo Francia, Mia Sumulong, Nel Villa, Anthony Marco, Herman Caniete, at Francis Delgado; sa resident members: Aldrin Pentero, Merl Peroz, Lester Abuel, Louise Lopez, Roy Cagalingan, Roma Estrada, Joel Donato Jacob, Dakila Cutab, Cheska Lauengco, Karl Isaac Santos, Karl Orit, Anna Liza M. Gaspar, Raphael Fulgar at Aubrey Graze Pareja; Sa mga panelista ng 23rd INWW: German Gervacio, Christine Godinez Ortega, Shirley Lua, Isidoro Cruz, John Iremil Teodoro, Victor N. Sugbo, Erlinda K. Alburo, Steven P.C. Fernandez, at Pranesh Prasad; at sa mga INWW co-fellows: Jack Alvarez, Thomas David Chavez, EJ Betita Villena, Krishna Mie Ceniza Zabate, Saquina Karla Cagoco Guiam, Alboy B. Gra-as, Arjhay Babon, Charles Sanchez, Tilde Acuña, Dom Sy, Elsed Silfavan Togonon, Erwin E Cabucos, Joyce Roque, Nal Jalando-on; at INWW staff: Jez Timonera Orbe, Loi Magusara, Ace B. Guro, Christi Fidelis E. Hinacay, JD Enriquez at Jermae Benette V. Dollete. Kay U Z. Eliserio at sa mga kaklase sa MP: Nix Policarpio, Mark Norman Boquiren, John Toledo, Rhea Buendia Gulin, Erick Dasig Aguilar, Krisinia Marou Candido, Arman Mangilinan, Franklyn Salcedo, JA Baltazar, Jayson Paderon, Jose Carlos Malvar, Lea So, Paul Belisario, Romano Borja Redublo, Jerome Hipolito, John Patrick Solano, Melencio Fernando Jr., Mirick Paala, Pauline Grace Fajardo Ventura, Maria Rowena Malaya Angeles, Arlo Mendoza, Diosa Fe Garcia, Reina Peralta at Rolando Glory. Kay Larissa Mae Suarez para sa mga puna; Kay Ysh Cabana, at Dennis Aguinaldo para sa mga salin; RM Topacio-Aplaon, John Berida, at Glen Sales para sa blurbs at huntahan sa panitikan. Voltaire Abiog para sa copy-editing; Kina Markus Maraño, Rasel Reyes, Gene Marx Guiao, at Jandel Uy para sa astig na mga dibuho (kahit na late na ang pasabi). Kay Zenaida Garduce ng Southern Voices Printing Press. Sa The Artidope lalo na kay Julianne Marie Leybag, Tom Sarapat, Karlen Fajardo, at Ogre’s Kitchen para sa venue ng lunsad-aklat; Brix Artan ng White Wall Poetry. Kay Mr. Bonifacio Ramos at John Rommel Fernando para sa Ilokano references. At higit sa lahat, salamat sa aking kapatid, Arjay A. Gonzales, 77 at ina, Mrs. Juliana A. Gonzales, balon ng inspirasyon sa panulat.
Di pa tapos na taos-pusong pasasalamat At para sa lahat ng nag-ambag para sa pagsasabuhay ng proyektong ito: #TnxMgaBes #HeartSalamuch <3
;) #PaumanhinKungDiNabanggit!
Kimberly Fernando & Allan Jay Javier, Debbie S. Viereck, May Bertulfo, Doris Sharon Bulan, Simonette Lim, Jan Nemrick Dolor Maligaya, Christian Montuya, Mrs. Dolly Altre, Mrs. Virgie Ibarra, Mr. Felix Malaque, Rey Araja, Rec Jecarta, Marco Melgar, Regina Mae Ongkiko, Mr. Carlito Bisa, Toby Roca, Froi Hizon, Carlo Fulgencio, Jam Castillo, Jan Carlo Casupanan, Brittanny Fusilero & Jay -mar Aquino Diaz, Sam Lumban, Paulin Amor Zaragoza, Nova Raspado-Gregorio, Guien Garma, Mc Delos Santos Manalang, Anna Victoria Flores, Mrs. VJulian Castillo Morales, Isabella Jhocson, Sev D. Olid, Joycelyne Melegrito, Allan Sobrepeña, Kalagz Rodillas Rivere & Kay Jimenez, Gaze Sangalang Gaco, Melanie Limos, Maia Legson, Arianne Villaluna, Rovamae, PA Pangahas, Danalee Loprandado, Louie Marie, Trista Isobelle E. Gile, Yves Suiza, Ted Edward Ferreras, Maria Nadisha, Eileen Kae Relao, Rustom Cruz, John Rhommel Fernando, Mengel Maningas, Faith Arroco Oren, Mariell Jeline Udtohan, Victoria Jean Ella, Rosette Anne Rogelio, Mike Clester Perez, Jamille C. Santos, Kitty Yumang Barcenas, Kirstie Ann Joy Funelas, Shane Marasigan, Shayney Perry, Lady Aileen Ambion, Andrew Labrador, Mara Atienza, Benj Agraam, Beiah Tudio, Fatima Dominique Nazareno, Saquina Karla Cagoco Guiam, Raiza Formentera, Estel Lenwij Estropia, Andeng Velasquez, Jerick Ongose Barbacena, Pia Christine Bungubung, Shai Garcia, Adz Diel-Sebastian, Wanesa Diane Yuhmo, Wilbert Laforteza, Eula Marie Mangaoang, Nal Jalandoon, Gemma Destor & Jane Destor, Jonalyn Mencias, Winnie Rose Conge, Lin Bullozo, TJ Herrera, Bianca Caugma, Charisse FernandezBrauer and YzaMik Fernandez Morales, Dibyong Espiritu, Judie Anna Urayan, Czarina Mae Lajara, Aileen Macalintal, Aaron Aspi, Ninya Calleja, Luigie Villariña Sababan. Elliott Grieco & Anna Calinawan pati na rin kina Oedipus at Rizal. #TTTTTIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIME!
78
79
Tungkol sa May-akda Ipinanganak sa Maynila ngunit lumaki sa Solano, Nueva Vizcaya si Rogene A. Gonzales. Siya ay nagtapos ng BS Development Communication sa UP Los Baños at kasalukuyang kumukuha ng MA Malikhaing Pagsulat sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Siya ay naging fellow sa 23rd Iligan National Writers’ Workshop at Poetry Clinic ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo o LIRA. Dating tagapangulo ng CEGP-Southern Tagalog at patnugot ng UPLB Perspective. Liban sa pasulat-sulat, sumusulpot siya paminsan-minsan sa Newsfeed at spoken word events bilang miyembro ng The Artidope at KM64. 80
2