Diksyonaryo sa Araling Panlipunan Isinumite ni:
Maglinte, Angel Shrine G. 9- Augustus Isinumite kay:
Gng. Gliceria Ortiz
Absolute Monarchy- Uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi nalilimitahan ng sinuman. Acropolis- ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece. Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan maaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece. Allied Powers- mga bansang nagsanib-sanib upang labanan ang Axis Powers. Kabilang dito ang United States, Great Britain, at Soviet Union. Alyansa- pagbubuong grupo o lupon ng mga makapangyarihang bansa sa Europe. Apollo 11- sasakyang panghimpapawid na mula sa United States, unsang sasakyang nakarating sa buwan. Armistice- kasunduan na pansamantalang pagtigil ng labanan o digmaan. Axis Powers- mga bansang nagsanib upang kalabanin ang Allies noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang dito ang Germany, Italy at Japan. Barter- pakikipagpalitan ng produkto. Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian. Cold War- labanan ng mga ideolohiya, labanan na hindi ginagamitan ng dahas. Death March- isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Japan sa Pilipinas laban sa mga sumukong sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan. Demokrasya- uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan upang pumili ng kanilang kinatawan sa pamahalaan. Enlightenment- kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang agham sa pagsagot sa mga suliraning ekonomikal, politikal, at maging kultural. Fascism- ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini, na tumututol sa anumang uri ng oposisyon sa pamahalaan. Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal. French Revolution- Rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglayong magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at kalayaan. Genocide- malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig lalo na laban sa mga Hudyo. Geocentrism- paniniwala noong Panahong Medieval na ang Daigdig (Earth) ay ang sentro ng Solar System.
Glasnost- openness o pagiging bukas, nangangahulugang malayang pag-uusapan ang mga suliranin ng bansa sa pamamagitan ng malayang pamamahayag. Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay. Heliocentrism- paniniwalang ang araw ang sentro ng solar system. Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang Hellas, isang lugar sa hilagang-kanluran ng Greece. Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta ng ginagwa nilang tagapagsaka ng kanilang malawak na lupain. Humanismo- Isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista ang taong tumatangkilik sa ideyang ito. Imperyalismo- Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit, at iba pang pamamaraan upang maisakatuparan ang layunin. Industriyalisasyon- pgababagong pang-ekonomiya na unang naranasan sa England na gumamit ng mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon. Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin Kolonyalismo- Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Kontra-Repormasyon- kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristiyanismo partikular sa Katolisismo. Krusada- ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito. Laissez faire- binibigyang-diin sa kaisipang ito ang ang malayang daloyng ekonomiya at hindi nararapat na pakialamanng pamahalaan. Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang Obispo ng singsing at tauhan para sa kaniyang opisina. League of Nations- itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920 na ang pangunahing layunin ay tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya. Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo.
Marxism- teoryang politikal at ekonomiko ni Karl Marx na nagsasaad ng pagiging superyor ng lahing Ayan, ang lahing kinabibilangan ng mga German. Merkantilismo- patakarang pang-ekonomiya nakatuon sa pag-iipon ng mahahalagang metal tulad ng ginto at tanso. Mesoamerica- nangangahulugan ang katagang meso ng “gitna”, ang Mesoamerica ay rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America. Monarchy- uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari, reyna, at mga kauri nito. Napoleonic Wars- digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na naglayong pagisahin ang buong Europe. Nasyonalismo- pagmamalasakit at pagmamahal ng mga mamamayan sa sariling bansa. Nation-state- terminong pampolitka na tumutukoy sa isang teritoryo ba pinananahanan ng mamamayan na may magkatulad na wika, kultura, relihiyon ar kasaysayan at napasailalim sa isang pamahalaan. Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava na ginamit sa Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng kutsilyo. Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America; nangangahulugan ang salitang Olmec na rubber people dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber o goma. Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa sinaunang Athens. Perestroika- tumutukoy sa pagsasaayos ng ekonomiyang USSR upang manaig ang puwersang pampamilihan. Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Philiosophes- Grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment na naniniwalang ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto sa buhay. Physiocrats- mga taong naniniwala at nagpapalaganap ng ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman. Piyudalismo- isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na nakabase sa pagmamay-ari ng lupa. Rebolusyon- Nangangahulugan ng mabilis, agaran at radikal na pagbabago sa isang lipunan.
Renaissance- tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece na sumibol sa bansang Italya. Repormasyon- kilusang panrelihiyon na naglalayong maghingi ng reporma sa Simbahahang Katoliko. Sibilisasyong Minoan- itinuturing na kauna-unahang sibilisasyong nabuo sa Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo. Sputnik- kauna-unahang space satellite sa kasaysayan na inilunsad ng USSR Teotihuacan- nangangahulugang ang katagang ito na “tirahan ng Diyos” at isa ito sa mga unsang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico. Third Reich- panahon sa Germany mula 1933-1945 kung saan na pasasailalaim ang bansa sa kontrol ng ideolohiyang totalitarian. Third World- mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas. Treaty of Paris- kasunduang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaan Pandaigdig, naganap noong Hunyo 28, 1919 sa pagitan ng Allies at Germany. Triple Alliance- kilala sa tawag na Central Powers na kinabibilangan ng Germany, Austria, Hungary, at Italy. Triple Entente- tawag sa alyansang France, Great Britain, at Russia, kilala bilang Allies Tsar- tawag sa pinuno ng Russia. Tyrant- sa sinaunang kasaysayan , ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Vassal- taong tumatanggapng lupa mula sa lord. Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa.