EPEKTO NG PAGGAMIT NG “CELLPHONE” SA MGA PILING MAG AARAL NA NASA IKA-APAT NA TAON NG SICSICAN NATIONAL HIGH SCHOOL-Sta. Monica Annex SY 2012-2013
Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Sicsican National High School ( Sta. Monica Annex) Lungsod ng Puerto Princesa
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino -IV
Nina: Carine Inding Lorelyn Lianera Carla Joy Inding Earl Ervin Dela Cruz
MARSO 2013
TALAAN NG NILALAMAN APPROVAL SHEET PAGPAPASALAMAT PAGHAHANDOG
KABANATA I Panimula Paglalahad ng Suliranin Saklaw at Limitasyon Kahalagahan ng Pag-aaral KABANATA II Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura
KABANATA III Paraan ng Pananaliksik na Ginamit KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon KABANATA V Lagom, Konklusyon Rekomendasyon
TALASALITAAN BIBLIOGRAPHY CURRICULUM VITAE
Republika ng Pilipinas Sicsican National High School (Sta.Monica Annex) Puerto Princesa City
Approval Sheet Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na ” EPEKTO NG PAGGAMIT NG “CELLPHONE” SA MGA PILING MAG AARAL NA NASA IKA-APAT NA TAON NG SICSICAN NATIONAL HIGH SCHOOL-Sta. Monica Annex,SY 2012-2013 ay inihanda at ipinasa nina Carine Inding, Lorelyn Lianera, Carla Joy Inding, Earl Ervin Dela Cruz bilang bahagi ng katuparan ng proyekto sa Filipino-IV.
Nirekomenda ni: Ginoong Jonathan B. Araya Guro sa FILIPINO-1V
PAGPAPASALAMAT Ang lahat ng bumubuo ng pag-aaral na ito ay lubos na nagpapasalamat sa sumusunod na indibidwal sa bawat tulong na naiambag upang maisakatuparan ang aming pag-aaral; Sa aming guro sa katauhan ni Ginoong Jonathan B. Araya,sa kanyang mga itinuro patungkol sa mga pamamaraan ng pananaliksik,sa pagkakataong kanyang ibinigay upang magamit naming ang aming mga natutunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng proyektong ito.Maraming salamat po! Sa aming mga magulang,sa pagbibigay hindi lamang ng pinansyal maging ng lakas ng loob at karagdagang tiwala sa sarili upang matapos ang aming pag-aaral. Ganon din naman po an gaming pasasalamat sa aming mga nakatatandang kapatid,sa aming mga Kuya at Ate sa kanilang mga kritisismo na siyang naging gabay namin upang maitama ang ilan sa aming mga ginagawa,sa kanilang pagbabahagi ng kanilang mga nalalaman patungkol sa pagbuo ng nasabing pag-aaral. Itinataas din po namin ang aming pasasalamat sa ating Panginoon sa kanyang walang sawang pag gabay at sa talinong ipinagkaloob sa bawat isa.
PAGHAHANDOG Sa aming mga kapwa mag-aaral,ang pag-aaral pong ito ay aming inihahandog sa inyo,sa dahilang kayo po ang aming naging insperasyon upang lalo pang pagbutihin ang aming pag-aaral. Nais naming maimulat ang inyong mga isip sa mga maaaring maging epekto ng ilang bagay sa ating paligid kung ito ay gagamitin natin ng walang disiplina sa ating mga sarili.Ang mga makabagong kagamitan sana ay magsilbing isang malaking tulong sa bawat isa at hindi magdulot ng pagkasira di lamang ng ating pagaaral maging ng magandang kinabukasan na naghihintay sa bawat isa sa atin.
KABANATA I SULIRANIN AT SANLIGANG PANGKASAYSAYAN
PANIMULA Sa kasalukuyan nagiging mas modern na an gating panahon, kasabay nito dumarami pa ng husto ang mga imbensyon n gating mga dalubhasa.Ang mga imbensyon kagaya ng mga makabagong teknolohiya ay labis ang naitutulong o pakinabang sa atin lalo na upang mapadali ang ating mga gawain,transaksyon at marami pang iba. Sa tulong ng makabagong teknolohiya na nalikha sa pamamagitan ng matalino at malikhaing kaisipan ng tao masasabi nating ang lahat ng imposible ay possible na sa kapanahunan sa ngayon. Ang cellphone na siyang lubos na tinatangkilik ng maraming indibidwal sa ngayon bata man o matanda ang siyang pinakapatok na malamang sa dinami dami ng makabagong teknolohiya.Ang kakayahan nitong magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng tinatawag na “text messaging” ang lalo pang kinahiligan ng bawat indibidwal kaya nga ba lalong tumaas ang kompetisyon sa pagitan ng mga kompanya na gumagawa nito.Sa dami ng nagkalat na kompanya na nagnanais na kumita sa larangan ng paggawa ng cellphone mas lalo pang nagbabaan ang mga halaga ng mga ito,ang kung sino mang gustong bumili ng kahit ilang cellphone kahit sa ibat ibang modelo pa ay makakaya na.Ang mga bata na may gulang walo ay natututo narin na gumamit ng nasabing teknolohiya.
Ang mga makabagong teknolohiya ay napakalaking tulong upang mas mapagaan an gating pang araw araw na gawain,Ngunit sa kabilang banda ay maari din na magdulot ng masamang epekto depende kung paano natin ito gagamitin.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pilipinas o ang ating bansa ang kasalukuyang nanguguna,ito ay kung ang pagbabasehan ay ang dami ng bilang ng populasyon na gumagamit ng cellphone.Ang mga Pilipino ay labis nan gang nahuhumaling sa paggamit nito.Ilang “text messages” nga ba ang naipapadala ng bawat gumagamit ng cellphone sa ating bansa araw-araw? Ang paggamit ng cellphone sa lahat ng pagkakataon kasabay ng mga mahahalagang bagay tulad ng pag-aaral ay maituturing na adiksyon.Maoobserbahan natin na kahit saan tayo pumunta sa mga lansangan,maging sa mga pang pasaherong sasakyan,eskwelahan,pamilihan,terminal at marami pang iba ay angat parin ang bilang ng gumagamit ng cellphone. Ang teknolohiya na sanay nilikha upang mas mapabuti at magbigay ng kagaanan sa bawat transakyon,magbigay ng bukas na komunikasyon sa ating mga pamilya sa kabilang banda ay nagdudulot na rin ng masamang epekto lalo na sa ating mag-aaral na walang disiplina sa paggamit nito.Sinasabing ang cellphone sa panahon ngayon ay nagiging dahilan na rin upang magkaroon ng lugar ang pang-aabuso at,panloloko sa ating lipunan.Maging ang atensyon ng mga mag-aaral na dapat ay nakatutok sa kanilang pag-aaral ay naagaw na rin nito.
Ang sanay kabutihan na dala ng nasabing teknolohiya sa kabilang banda pala ay nagiging banta na upang masira ang natatanging pangarap ng bawat magulang sa kanilang mga anak,ang magkaroon ng magandang kinabukasan.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang
epekto ng paggamit ng
cellphone ng mga piling mag-aaral na nasa ika apat na taon sa sekondarya ng Sicsican National High School(Sta. Monica Annex). 1.Malaman ang mga pananaw ng mga mag-aaral patungkol sa mga epekto ng paggamit ng cellphone sa kanila bilang isang mag-aaral at gumagamit ng nasabing teknolohiya. 2.Upang alamin kung naiimpluwensyahan ba ang wika at abilidad sa tamang pag “spelling” ng mga mag-aaral sa paggamit ng cellphone. 3.Malaman kung ano ang pangunahing gamit at
kadahilanan kung bakit labis na
naiinganyo ang mga mag-aaral sa paggamit ng cellphone.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang pag-aaral na ito ay lubhang mahalaga sapagkat ito ay maaring maging gabay o instrument ng bawat isa lalo na ng mga mag-aaral.Maaaring magbigay kaalaman ito sa kanila upang lalo pa nilang maunawaan ang maaring maging epekto ng kawalang disiplina sa paggamit nito. Ito rin ay magsisilbing babala upang ang maling paggamit o labis na adiksyon sa cellphone ay maiwasan habang hindi pa ganon ka laki ang masamang epektong naidudulot nito sa kanila.
SAKLAW AT DELIMITASYON Ang pag-aaral na ito ay may paksang” EPEKTO NG PAGGAMIT NG “CELLPHONE” SA MGA PILING MAG AARAL NA NASA IKA-APAT NA TAON NG SICSICAN NATIONAL HIGH SCHOOL-Sta. Monica Annex,SY 2012-2013.Ito ay naglalayon na alamin kung mabuti o masama ang naiduldulot ng paggamit ng cellphone sa mga mag-aaral partikular sa napiling dalampung (20) taga tugon mula sa ika apat na taon ng sekondarya ng paaralang Sicsican National High School ( Sta. Monica Annex).
KABANATA II MGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA Sa kasalukuyan nagkalat ang ibat-ibang imbensyon. Mga makabagong kagamitan na nagiging daan upang maging mas komportable ang pamumuhay ng mga tao.Ang cellphone ay isa sa pinakapatok na imbensyon na bentang benta sa mga panahong ito. Maraming pakinabang sa tao ang paggamit ng cellphone sinasabi sa isang pahayagan na kung walang cellphone hindi tayo maaring magkaroon ng tuloy tuloy na komunikasyon sa ating mga kaibigan at kapamilya,maaaring hindi rin natin magawang gumising ng maaga dahil sa panahon ngayon ang cellphone ay malimit na nagsisilbing alarm clock sa atin,maaaring hindi rin malalaman n gating mga kaklase kung bakit tayo nahuli sa pagpasok kung walang cellphone,maging ang mga pangyayaring mahahalaga sa ating pang araw –araw na buhay ay hindi rin natin maipapaabot sa ating mga kapamilya na nasa malalayong lugar,higit sa lahat kung tayo ay nasa gitna ng napakaraming tao maaring hindi rin tayo matutunton n gating mga kasama.Ang mga nabanggit ay ilan pa lamang sa mga mahahalagang bagay na naitutulong ng makabagong imbensyon,ang cellphone. Ayon sa ginawang sarbey ng “Ipsos Media Atlas Philippines Nationwide Urban 2011-2012” pinpakita sa kanilang sarbey na nasa 22% ang gumagamit ng cellphone sa games,25% ay ginagamit ito bilang camera,habang nasa 23% naman ang gumagamit nito bilang audio player.Ayon pa kay Ginoong Steve Garten, Executive Director ng Ipsos Media Atlas Philippines ,ang mga tao sa kasalukuyan ay hindi na kayang
mabuhay ng walang cellphone,nakakasanayan na ng mga tao ang paggamit nito ng mas madalas. Ang cellphone ay nagiging instrumento din upang mabilis na maka konekta sa mga Social Networking Websites, makapag send ng email at makapag chat, makapangalap ng impormasyon sa internet,makapanuod ng video,at makapag download at upload. Mas nagiging mas masusi pa ang ginagawang pag-aaral sa mga panahong ito upang maging mas higit na kapaki pakinabang pa sa bawat tao ang cellphone.
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo ng pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskripto-analitik na pamamaraan. Tatangkaing ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang “Epekto ng paggamit ng cellphone sa mga piling mag-aaral na nasa ika-apat na taon ng Sicsican National High School- Sta. Monica Annex.
Respondente Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang dalawpu (20) na mag-aaral na nasa ika-apat na taon ng Sicsican National High School- Sta. Monica Annex.
Ang dalawampu na estudyante na napili upang maging taga tugon ay pamamagitan ng pure random sampling.
kinuha sa
Talahanayan I Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian BILANG NG RESPONDENTENG BABAE 13
BILANG NG RESPONDENTENG LALAKI 7
KABUUANG BILANG NG RESPONDENTE 20
Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay nagmula sa ika apat na taon ng sekondarya ng Sicsican National High School- Sta Monica Annex.
Instrumento ng pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga datos upang malaman ang Epekto ng paggamit ng cellphone sa mga mag-aaral ng Sicsican National High School- Sta Monica Annex. Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyong ang mga mananaliksik sa iba’t ibang hanguan, sa aklatan tulad ng mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na nailahad. Natuklasan sa aming pag-aaral ang mga sumusunod na datos at impormasyon:
1. Gumagamit ka ba ng cellphone? A
OO
20
100%
B
HINDI
0
0%
2. Mayroon ka bang sariling cellphone? A
OO
19
95%
B
HINDI
1
5%
3. A B C
Gaano kadalas ang paggamit mo ng cellphone? madalas,minu-minuto sa 7 tuwing may mag tetext pag may importante lamang na 7 itetext o tatawagan minsan lamang pag gusto. 6
35% 35% 30%
4. Anu- ano ang iyong pangunahing dahilan sa paggamit ng cellphone? A
0
0%
B
panliligaw o komunikasyon sa Gf/ Bf. textmate
0
0%
C
paglalaro ng mga mobile games
2
10%
D
Komunikasyon kaibigan. iba pa:
18
90%
0
0%
E
sa
pamilya
at
5. Sa iyong pananaw naapektuhan 15n ga paggamit ng cellphone 15n gating wika? A
OO
20
100%
B
HINDI
0
0%
C
MEDYO LANG
0
0%
D
WALANG PAKIALAM
0
0%
6. Naapektuhan ba ang iyong abilidan sa pag “spelling” dahil sa nauusong malimaling spelling sa pagtetext? A
OO
13
65%
B
HINDI
7
35%
7. Nakikipagkita ka ba sa mga taong nakilala lamang sa pamamagitan ng cellphone? A
OO
3
15%
B
HINDI
17
85%
8. Bilang mag-aaral, sa iyong pananaw ano ang epekto sau ng paggamit ng cellphone, pagdating sa iyong pag-aaral? A
nakakasama
15
75%
B
nakakabuti
5
25%
9. Kung nakakasama, BAKIT? Nakakaligtaan ang pagreview ng mga aralin. Naapektuhan nito ang kakayahan sa pag spelling ng tama. Nakakawala ng konsentrasyon sa pag-aaral sa tuwing tumutunog ang cellphone.
10. Kung nakakabuti, BAKIT? Malaking tulong sa kumunikasyon sa pamilya at kaibigan Maaring gamitin pang camera at pang soundtrip Maaaring gamitin pag kalap ng impormasyon Madali lamang naipapaabot ang mga mensahe na nais ipaabot
KABANATA V LAGOM,KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM Ang pag-aaral na ito ay magbabahagi sa bawat mambabasa ng kaalaman patungkol sa mga benipisyo na maaaring maidulot ng cellphone sa bawat indibidwal na gumagamit nito.Bagama’t alam natin ang benipisyo at ang mga negatibong epekto nito ay nakadepende parin sa kung paano ang gingawang paggamit natin dito sa pang araw-araw nating buhay.Sa paglipas ng panahon masasabi nating lalo pang nakakainganyo ang mga “feature” ng mga cellphone kung dati ay nagiging daan lamang ito upang makapagpadala ng mga mensahe o ang tinatawag na “text messaging” at “call” ngayon ay maari na itong gamitin pang internet,upang makapag research,makapanuod ng videos,at gayundin nagagamit na ito upang makapaglaro ng mga mobile games.Nakakaaliw ang mga bagong hatid ng mga makabagong kagamitan kaya marahil paminsan hindi na natin mamalayan na ang ating oras pala ay halos maubos na natin sa paggamit nito,nakakaligtaan na ang ilan pa sa mga mahahalagang bagay na dapat na gawin pa.
KONKLUSYON as
REKOMENDASYON Imunumungkahi ng mga mananaliksik na higit na mapaghusay pa ang kanilang pag-aaral sa larangan ng Social Networking sa kadahilanang nais pa nilang higit na maunawaan ang mga mabubuting implikasyon na Social networking. Nais din irekomenda ng mga mananaliksik ang ilang mga dapat na gawin upang makaiwas sa mga manloloko. Isa sa mga dapat gawin dito ay ang pag-iingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong network. Ito ay makakatulong upang higit na mas mapaganda ang pag gamit ng social networking. Para higit na mas mpagtibay ang mga datos na nakalap, dapat din tangalin ang limitasyon sa mga tagatugon. Sa mga gusto pang ipag patuloy ang pag-aaral tungkol sa social networking, nais ng mga manunulat na payuhan ang mga magaaral na huwag limitahan ang social networking sa isang aspekto lamang at huwag din limitahan ang kanilang mga tagatugon.
APENDIKS -1 Sarbey: Pangalan: (opsyonal)________________________________________________ Kasarian: ( ) babae ( ) lalaki Panuto: Pumili lamang ng isa sa bawat pagpipilian,lagyan ng tsek ang iyong sagot. 1. Gumagamit ka ba ng cellphone? ( ) OO ( ) HINDI 2. Mayroon ka bang sariling cellphone? ( ) OO ( ) HINDI 3. ( ( (
Gaano kadalas ang paggamit mo ng cellphone? ) madalas,minu-minuto sa tuwing may mag tetext. ) pag may importante lamang na itetext o tatawagan ) minsan lamang pag gusto.
4. ( ( ( ( (
Anu- ano ang iyong pangunahing dahilan sa paggamit ng cellphone? ) panliligaw o komunikasyon sa Gf/ Bf. ) textmate ) paglalaro ng mga mobile games ) komunikasyon sa pamilya at kaibigan. ) iba pa: ________________________
5. Sa iyong pananaw naapektuhan ban g paggamit ng cellphone an gating wika? ( ) OO ( ) HINDI ( ) MEDYO LANG ( ) WALANG PAKIALAM 6. Naapektuhan ba ang iyong abilidan sa pag “spelling” dahil sa nauusong malimaling spelling sa pagtetext? ( ) OO ( ) HINDI 7. Nakikipagkita k aba sa mga taong nakilala lamang sa pamamagitan ng cellphone? ( ) OO ( ) HINDI 8. Bilang mag-aaral, sa iyong pananaw ano ang epekto sau ng paggamit ng cellphone,pagdating sa iyong pag-aaral? ( ) nakakasama ( ) nakakabuti 9. Kung nakakasama,BAKIT?______________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 10. Kung nakakabuti,BAKIT?_______________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________
APENDIKS -2
Mahal naming respondente; Maalab na pagbati! Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino IV na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong papel patungkol sa pananaw, reaksyon, kaalaman at saloobin ng mga mag-aaral mula sa seksyon Amethyst ng Sicsican National High School ( Sta. Monica Annex) hinggil sa mabuting epekto ng pagsali ng mga mag-aaral sa mga Social Networking Sites . Kaugnay po nito inihanda namin ang kwestyoneyr na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik. Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan. Marami pong salamat!
-MANANALIKSIK
BIBLIOGRAPHY
Acquisti, A., & Gross, R. (2006). Imagined communities: Awareness, information sharing, and privacy on the Facebook. In P. Golle & G. Danezis (Eds.), Proceedings of 6th Workshop on Privacy Enhancing Technologies (pp. 36-58). Cambridge, UK: Robinson College.
Wikipedia
http://en.wikipedia.org/wiki/Computer http://en.wikipedia.org/wiki/Internet http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com http://multiply.com/info/about
Health and Home (2007-2008)
KURIKULUM BITEY
Pangalan:
Lorelyn Llanera
Kapanganakan:
July 31, 1997
Lugar ng kapanganakan: Barangay San Jose,Puerto Princesa City Palawan Mga Magulang :
Rolly Llanera Jane Llanera
Mga Paaralang pinag-aaralan: Sta. Monica Elementary School Sicsican National High School -Sta. Monica Annex
Pangalan:
Carla Joy Inding
Kapanganakan:
March 11, 1996
Lugar ng kapanganakan:
Barangay Sta. Monica,Puerto Princesa City Palawan
Mga Magulang :
Elpidio G. Inding Sr. Alma G. Inding
Mga Paaralang pinag-aaralan: Sta. Monica Elementary School Sicsican National High School -Sta. Monica Annex
Pangalan:
Carine Inding
Kapanganakan:
June 11,1997
Lugar ng kapanganakan: Barangay Sta. Monica ,Puerto Princesa City Palawan Mga Magulang :
Elpidio G. Inding Sr. Alma G. Inding
Mga Paaralang pinag-aaralan: Sta. Monica Elementary School Sicsican National High School -Sta. Monica Annex
Pangalan:
Earl Ervin A. Dela Cruz
Kapanganakan:
December 18,1993
Lugar ng kapanganakan: Barangay Sta. Monica,Puerto Princesa City Palawan Mga Magulang :
Warlito A. Dela cruz
Analiza A. Dela cruz
Mga Paaralang pinag-aaralan: Sta. Monica Elementary School Sicsican National High School-Sta. Monica Annex
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na nailahad. Natuklasan sa aming pag-aaral ang mga sumusunod na datos at impormasyon:
EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTENG NASA IKA APAT NA TAON SA SEKONDARYA NG SICSICAN NATIONAL HIGH SCHOOL (Sta.Monica Annex)
ISANG PAG-AARAL NA INIHARAP SA KAGURUAN MITHIIN NG GURO
ISANG PAG-AARAL BILANG BAHAGI NG MITHIIN NG GURO SA
FILIPINO-1V
IPINASA NINA: JERNALYN C. DUMANDAN MARILYN MAGBANUA EYRA EVE ABIS GLENN ROXIM ALIPIT
MARSO 2013