Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV-Ekonomiks (Collaborative Learning Approach) I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nailalahad ang mga nagiging dahilan ng pagkakaroon ng implasyon at ang mga epektong dulot nito. b. Natutulungan ang sarili bilang bahagi ng ekonomiya sa paglutas ng suliranin ng implasyon. c. Nakabubuo ng hakbang upang malutas ang suliraning dulot ng implasyon na ilalapat sa isang awitin. II.
Pamamaraan A. Dril / Balik-Aral 1) Bago magsimula ng aralin, tatanungin ang mag-aaral kung sino ang maaring magpaliwanag ng batas ng suplay at demand at gumuhit ng grap nito? B. Pagganyak 1) Gagamit ang guro ng dominos. Ihahanay ito sa mesa at sasabihan ang mga magaaral na pagmasdan ang mga dominos na nakahanay. Itutumba ang unang hanay. Pagkatapos ay itatanong ito: i. Ano ang nangyari sa mga kasunod na dominos? 2) May ikakapit na larawan ang guro sa pisara na nagpapakita ng sitwasyong ito: Lumilipad paitaas ang presyo ng mga serbisyo at produkto na nagiging dahilan ng paghihirap ng mamamayan. 3) Base sa larawan, itatanong ang mga sumusunod: i. Anong ideya ang ipinapakita ng larawan? ii. Ihambing ngayon ang ideyang ipinapakita ng larawan sa nangyari sa mga dominos. iii. Ano naman ang implikasyong ipinapakita ng larawan? C. Paglinang ng Aralin
1) Sa ekonomiks, ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa halos lahat ng pamilihan sa buong ekonomiya ay tinatawag na IMPLASYON. i. Alam ba ninyo kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng implasyon? 2) Para sa bagong aralin na ito, ipakikilala ng guro ang mga inaasahang makamit o magawa ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin. {sasabihin ang layunin ng aralin} 3) Tutuklasin ng klase ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon sa pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat. Mahahati ang klase sa 6 na grupo. 4) Ang guro ay may inihandang mga papel na may nakasulat na iba’t-ibang sitwasyon na nagiging sanhi ng implasyon. (ang mga sitwasyon ay kalakip ng banghay-aralin na ito) 5) Ito ang panuto para sa gawain: i. Bubunot ang bawat grupo ng isang papel na naglalaman ng sitwasyon. ii. Babasahin ng mabuti ang sitwasyon. Pag-uusapan ang nilalaman ng teksto sa pangunguna ng lider ng grupo. iii. Mula sa sitwasyong binasa, bubuo ng kongklusyon o synthesis na isusulat sa Manila paper. iv. Bibigyan ang bawat grupo ng 5 minuto upang gawin ang gawain at karagdagang 1 minuto upang ipaliwanag ang nabuong konklusyon. Bago ipaliwanag ang kasagutan ay babasahin muna ng malakas ang sitwasyong napapunta sa grupo. Pagkatapos ipaliwanag ay ikakapit sa pisara ang papel na pinagsulatan ng dahilan. 6) Ipo-proseso at ibubuod ang naging gawain sa pagtatanong ng mga sumusunod: i. Ano-ano ngayon ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon base sa nabuo sitwasyong inyong nabasa? 1. Ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon ay ang mga sumusunod: (Ibubuod ng guro) a. Labis na salapi sa sirkulasyon b. Middleman sa pamilihan c. Monopolyo / Kartel d. Mataas na gastos sa produksyon e. Export orientation o ang labis na paglalabas ng produktong local. f. Import dependent o ang kahiligan sa produktong gawa sa ibang bansa. 7) Mananatili pa rin sa grupo ang mag-aaral at aalamin ang magiging epekto o bunga ng mga naibahaging dahilan o sanhi. 8) Sa makulay na papel na matatanggap ng bawat grupo ay isusulat sa itaas ang sanhi ng pagkakaroon ng implasyon na nalaman ng grupo. Ang papel na iyon ay ipapasa sa ibang grupo upang ilista ang mga posibleng epekto o bungang kalalabasan. Maaaring maglista ng kahit gaanong karaming epekto. Mayroon lamang isang minuto ang bawat grupo upang ilista ang mga epekto. Iikot ang
9) 10) 11)
12)
papel ng bawat grupo sa buong klase hanggang makarating sa totoong may-ari ng papel. Pagkatapos ay ibubuod ang mga epektong inilista ng ibang grupo sa Manila paper at ikakapit sa pisara sa katabing papel ng mga DAHILAN / SANHI. Ano-ano ngayon ang mga epektong dulot ng implasyon? Tatalakin ng bawat grupo ang epektong dulot ng implasyon. (Iuulat ng mag-aaral ang mga epekto na ibubuod naman ng guro.) Ang mga maaring bunga ng implasyon ay ang mga sumusunod: i. Pagtaas ng demand ii. Pagdaragdag ng halaga ng produkto iii. Pagkokontrol ng presyo iv. Pagbaba ng suplay v. Kakulangan ng suplay sa lokal na pamilihan vi. Pagdagsa ng imported products. Masama ba ang epektong dulot ng implasyon?
D. Pangwawakas na Gawain 1) Pagbubuod i. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implayon? ii. Ano-ano naman ang mga maaring epekto o bunga ng implasyon? E. Pagpapahalaga 1) Bilang bahagi ng pagkakaroon ng implasyon. Ano-anong mga kaasalan ang dapat taglayin ng mga Pilipino upang makatulong sa pagsugpo o mabawasan ang implasyon? 2) Mula sa mga asal na dapat taglayin ng mga Pilipino upang makatulong sa pagsugpo o mabawasan ang implasyon, iranggo ang mga kaasalang binahagi sa pamamagitan ng paglalagay ng: 1 ang pinakamataas at 10 ang pinakamababa. F. Paglalapat 1) Nalaman na natin ang mga dahilan at epekto ng implasyon. Ngunit wala pa tayong konkretong solusyon sa implasyon. Ipapangkat muli ang klase sa 3 malaking grupo. Magsasaliksik o magtatanong sa ibang tao ng mga soslusyon upang malutas ang suliranin ng implasyon. Ilalapat ang mga nakalap na impormasyon sa isang awitin at aawitin harap ng klase. Mamarkahan ang jingle/ awit na ginawa base sa pamantayang ito: i. Pagkamalikhain………………………25% ii. Substansya ng nilalaman……………25% iii. Kaayusan ng presentasyon…………25% iv. Kaangkupan ng awiting inilapat…….25% v. Kabuuan……………………………...100% G. Pagtataya / Ebalwasyon
Pagsusuri: Suriin ang sitwasyon at isulat ang B kung ito ay bunga ng implasyon, S kung sanhi ng implasyon. 1) Dumarami ang mga middleman S 2) Ang presyo ng bigas ay kontrolado ng mga negosyante B 3) Mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang price controlB 4) Tumataas ang gastusin sa produksyon S 5) Nababawasan ang supply ng produkto sa pamilihan S H. Takdang-Aralin 1) Mangalap ng balita na nagtatalakay sa tungkulin at gawain ng pamahalaan sa ekonomiya. [gagamitin ang mga balitang ito para sa sunod na aralin]