Ang aborsyon ay ang pagpapatay ng isang hindi pa ipinanganganak na bata. Ito ay l abag sa batas. Ibang kasagutan: kasagutan: Sapilitang pagtanggal ng fetus ng bata sa sinapupunan nga babae. Isang napakasamang gawain sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Ang pagpapalaglag ay maaaring maging sanhi ng komplikasyon. Magtungo sa doktor upang agad malaman ang mga dapat gawin. Huwag matakot na komunsulta sa doktor, maaasahan mo sa kanila ang iyong privacy. Tandaan lamang na walang gamot sa konsensyang babagabag sa iyo dahil sa nagawa mo. Hindi lamang ito labag sa batas ng tao ngunit labag pati sa batas ng diyos.
Ibang kasagutan: Ang aborsyon ay ang pagkitil sa buhay ng walang kamuwa-muwang at kawa-awang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng isang babae. Anuman ang dahilan kung bakit ginagawa ito ng mga kababaihan, ito pa rin ay masama.
Ang pagpapalaglag , pagpapaagas o aborsyon
[1]
ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa
loob ng matris matris,, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan nakunan,, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal kemikal,, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o
abortion sa
Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng
pagbubuntis;; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay pagbubuntis nangyari bago ang ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis pagbubuntis,, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay. Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa buong kasaysayan natin. Ang mga legal at moral na mga batayan nito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi ng mundo mundo..
Maraming epekto ang pagpapalaglag sa mga kababaihan. Maaring manganib ang kanilang buhay. May emotional pain din silang mararamdaman, dahil sa katunayan kahit ayaw nila sil a'y napipilitan lamang dahil marahil sa hirap ng buhay. Pero kahit ano man ang kanilang rason o dahilan ang abortion o pagpapalaglag ay masama at delikado sa mga kababaihan.
Ibang kasagutan: kasagutan: Nakapagdudulot ito ng kahihiyan sa isang babae at sa pamilya nito. Habang buhay din nyang dadalhin ang pagkakasalang nagawa nya. Hindi rin matatahimik ang konsensya nya dahil sa nagawa nya. Ibang kasagutan: Una sa lahat alam naman nating ang aborsyon ang paraan na kung saan ang walang kamuwangmuwang na nilalalang ay a ting pinipigilang umusbong ang sanggol o ang dugo pa mismo, ang epekto nito ay nagiging imoral ang isang babae. Kung iisipin mo tayong mga kababaihan ay misyong pairalin ang ating lahi hi ndi ba? Isa pa, sa kanyang kalusugan maaari ring matuldukan ang kanyang buhay. Sana naman ay maging kontento o pagisipang mabuti bago umaksyon. Iba't ibang kasagutan: Malaking kahihiyan at skandalo para sa mga kababaihan at sa pamilya ng may gumagawa ng ganito. Nakakakonsensya Nakakakonsensya ang ganitong gawain!
It gives teenagers the chance to commit a sin because they have the option to kill a life. Isa sa mga masamang dulot ay ang posibilidad na hindi na maari pang magkaroon ng isa pang supling ang babaeng nagpalaglag Ito ay maaring makasama sa isang babae dahil ito ay makakaapekto sa kanilang kalusugan. Ito rin ay isang napakalaking pagkakasala sa Poong Maykapal. Kaya hindi ito dapat na ginagawa ng isang babae.
Kung ang tinutukoy ng tanong ay ang abortion o pagpapalaglag ng nasa sinapupunan ng babae.... Maraming paraan nguni't ito ay karumaldumal o kasuklamsuklam sa Panginoon. Kaya yung mga doctor na gumagawa o nagsasagawa ng abortion, mga babaeng willing na magpaabort kasama ng partner niya at ang mga ta ong sumasangayon dito ay mananagot sa Dios pagdating ng paghuhukom. Kung sana ay nasa tunay silang Iglesia, yung Iglesia ng Dios na sinasabi ng Biblia, dito ay it inuturo yung aral o utos tungkol sa kamay upang hindi gumawa ng masama. Katu nayang kasuklamsuklam sa Dios ang abortion, ito po ay nakasulat sa Biblia sa aklat ng KAWIKAAN 6:16-19 "May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan; Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid."
Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Dapat ba ito o hindi? Isa ako sa mga taong hindi sumasang-ayon sa aborsyon. Hindi ko ito sinang-ayunan dahil para sa akin ito ay isang hindi mabuting gawaain, at lalong-lalo ng hindi ito solusyon sa mga problema tulad ng populasyon at pagkalimot sa taong nakasama sa atin. Naniniwala ako na ang ating buhay ay bigay ng Diyos, at siya lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin. Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay walang kapantay, kaya’t dapat ay ganun din ang ating gawin sa ating kapwa at hindi ang pagpatay sa batang inosente. Para sa mga nagdalangtao sa pamamagitan ng hindi magandang paraan ay hindi din dapat magpa-aborsyon dahil hindi natin alam ang plano ng Diyos sa atin, alam ng Diyos ang kanyang ginagawa. Ako ay hind sumasang-ayon sa aborsyon dahil isang uri ito ng pagpatay. Dahil sa aborsyon marami din na mga nanay ang namamatay dahil sa komplikasyon kapag sila’y nagpapaaborsyon. Mayroon namang iba nagkakaroon ng impeksyon at permanenteng sakit sa kanilang katawan. Ang aborsyon ay may sikolohikal din na epekto ayon sa pag-aaral ni David C. Reardon. Ang mga magulang na nagpa-aborsyon ay nakadaramdam ng depresyon, ang iba naman ay binabangungot. Para sa iba, ang aborsyon ay dapat gawing legal, ngunit hindi nila naiisip na maaari nga itong maging legal dahil iyon ang gusto ng tao ngunit hindi nila naiintindihan na ito ay hindi nakabubuti o ligtas at sa mata ng Diyos ito’y isang uri ng pagpatay. Ang aborsyon ay hindi dapat gawin legal. Dapat itong itigil dahil sa mga masasamang epekto nito na naidudulot sa atin. >>Darlene Ong<< >1 BS Psychology< Ako ay hindi sang-ayon sa pagpapalaganap ng aborsyon. Sapagkat para sa akin, ito ay isang krimen. Ang aborsyon ay pagpatay ng bata sa sinapupunan ng kanyang ina. Kahit ano pa ang sabihin natin, ang batang ito ay nilikha ng Diyos. Kahit pa sabihin natin na ang batang iyon ay bunga ng kasalanan (hal. rape), walang alam ang batang ito na siya ay galing sa masama, at isa pa, hindi niya ito kasalanan. Marami ding paraan upang makontrol ang ating populasyon. Gaya ngayon, tayo ay nasa makabagong teknolohiya na, kaya marami ng alternatibong paraan upang mapigilan ang paglaki ng ating populasyon. Ang ating bansa ay binubuo ng malaking bilang ng mga katoliko. At dahil tayo ay nananampalataya na ang buhay ay mula sa Diyos, dapat lamang na ito ay bigyang halaga. Ang aborsyon ay gawain krimen sapagkat ito ay pagpatay. Alam din natin na isa sa sampung utos ng Diyos ang huwag pumatay, kaya marapat lamang na huwag pairalin ang aborsyon. Ang aborsyon ay gawain ng mga taong walang takot sa Diyos at
walang relasyon sa Diyos. At a ng aborsyon ay kasalanang walang kapatawaran at tanging Diyos lamang ang makakapaghatol. Kaya dapat nating mahalin ang buhay dahil ito ay biyaya ng Diyos. Jay Anne Villanueva 2-psychology para sa akin ang aborsyon ay isang malaking krimen..sapagkat pumaslang ka ng isang b atang walang kamuhangmuhang. lalo pa at sarili mong dugo at laman.parang pinagkaitan mo ang isang sanggol na makita ang mundo.hindi mo ba naisip na baka may plano ang diyos sayo para magbago..halimbawa na lamang ay ang ilan sa aking kakilala na nabuntis sa murang edad nung una ay gusto nila itong ipalaglag dahil naisip nila na isa itong problema, ngunit nang napagisip- isip nila na ito ay sarili nilang dugo at laman kaya ngayon masaya sila kasama ang munting anghel nila na nag pabago sa tkbo ng buhay nila naging responsable n sila..diba? hindi solusyon ang aborosyon ito ay kagustuhan ng diyos dahil mayroon syang mas magandang plano para sa iyo.
kathleen gail clave 2 psych
Ang aborsyon ay masasabing isa sa pinakamalaking isyu sa ating bansa. Marahil marami sa atin ang hindi sumasangayon sa isyung ito dahil sa kanikanilang rason. Kung ako ang tatanungin sumasangayon ako dito. Oo masasabi nga natin na hindi ito magandang gawain dahil iyo'y isang simpleng paraan ng pagkitil ng buhay, ngunit paano kung ang nasabingit ng kamatayaan ay ang taong nagdadalang tao at kailangang dumaan sa ganitong proseso??? Dapat bang ibuwis ang dalawang buhay o piliin na lng ang buhay ng nagdadala??? Hindi naman dahil ang aborsyon ay pagkitil ng buhay ay masasabi na nating hindi maganda, dahil ito'y tulong din naman sa atin lalong lalo na kung pag dating sa prosesong pang medikal at pangkalusugan. Ang i sang napakagandang halimbawa nga nito ay kung ang isang nagdadalang tao ay nangangailangan dumaan sa agarang aborsyon upang maisalba ang buhay sa isa sa kanila ng kanyang ipinagbubuntis at ang sariling buhay. Nasabi ko iyon dahil kung ang bata ay namatay sa sinapupunan ng ina maaari itong magdulot ng pagkalason ng dugo ng kanyang ina at mauwi din ito sa kanyang kamatayan. Hindi ba pagkitil din iyon ng buhay pagdating sa katayuan ng nanay??? Clara Sorneo 2 psych
Sa bawat paglipas ng panahon,naging malaking suliranin na ang Aborsyon sa ating lipunan. Marami ng mga kababaihan ang mas pinipiling sumailalim sa ganitong paraan kaysa ang buhayin at lingapin ang nasa sinapupunan nila. Marahil sa napakaraming kadahilanan at madalas dito ang kahirapan at kahandaan ng isang babae at lalaki na magsama. Kung ating susuriin, iisipin nati ng hindi makatarungan ang kanilang ginagawa at nakabababng moral bilang isang tao. Marahil nakararanas din sila ng paghusga sa ibang tao at paninira sa kanilang pagkatao.mahirap nga naman isipin na tama ang pagsasagawa ng aborsyon bilang isang babae na binigyang ng pagkakataon maging ina na nagbibigay buhay sa halip ay iyong pinapatay.Sang-ayon nga ba ako o hindi? Bilang isang mag-aaral at nagsaliksik sa dalawang panig ng aborsyon masasabing mahirap nga husgahan ang mga sumasailalim at hindi sa Aborsyon.Parehong panig ay may punto o paliwang na kanilang pinaniniwalan na kung ibabase sa kanilang mga datos at sinasabe ay kakikitaan ng liwanag sa panig na kanilang itinatayo. Para sa mga sang-ayon sinasabing ito ay regalo na binuhay sa katawan ng isang ina. Binibigyang diin din nila na sa maling panahon man,may karapatan pa din bigyan ng buhay angisang nabuo na sa loob ng bahay-bata. Higit na nagpatibay dito ay ang walng sinuman ang may karapatang kumitil ng isang buhay sapagkat ito'y sa Diyos nagmula at siya lamang ang may karapatang bumawi. Para naman sa hindi sang-ayon,sinasabi nilang ang nasa sinapupunan ay bahagi pa lamang ng isang tao at ito'y hindi
pa pinaniniwalaang may buhay na. Binibigyang diin din nila ang karapatan ng isang may katawan tulad ng babae,ang pagpilit sa pagbuhay nito na hi ndi nya kagustuhan ay masasabing pagkuha sa kan yang karapatan at buahay.At ang tanung na "Anung pipiliin mo: ang bumuhay ngunit ipamimigay na parang binawian mo na din ng buhay na ipararamdam mo habang buhay o ang pagkitil sa sandaling oras upng mapagpahinga mo na at hindi maiparanas ang kalupitan ng buhay?" Napakaraming mga dahilan at paniniwala,ngunit tanging sarili lamang natin ang magdedisisyon kung saan panig tayo.Bilang isang mag-aaral at babae makatarungan pa din ang hindi pagsasagawa nito dahil unang-una kung pinili mong makipagtalik ng walang iniisip nararapat lamang na kunin mo ng buong buo ang responsibilidad na kaakibat nito. Lalo na't bilang tao alam natin ang mangyayari sa ganitong pagkakataon,nagiging mahina lamang tayo kapag dumating na. Masasabi kong sa buhay, dapat maging maingat at huwag na hintayin pa na kailangan natin pumili o gumawa ng ganung desisyon. Mas makabubuting maging matatag sa ating mga nararamdaman. dahil mas mahirap pumili ng "pumatay o bumuhay" kaysa m ag-isip sa mga dapat ihanda o gawin bilang isang babae at lalaki.Para sa mga sang-ayon moral bilang tao lamang ang kanilang itinatayo at paniniwala at para sa hindi naman tanging 'buhay' ang kanila din pinahahalagahan. Bilang isang malaya,nasa sa iyo na ang desisyon at paniniwala ngunit walang sinuman ang may karapatang humusga. Tao lamang tayo na may kanya kanyang paniniwala ngunit ating isipin na ang kalayaan at karapatan ay para sa tama at makatarungan gawin sana nating makabuluhan ang bawat hakbang sa ating buhay. -jerldan Garcia-2 Psychology-
Kapag ang isang babae ay nagahasa at hindi gustong na magkaroon ng bunga ang kahalayang sinapit sila’y napipilitang mag- punta sa mga albularyo. Ang mga taong ito ay nag- bibigay panganib sa babae sa pamamagitan ng delikadong pamamaraan, sapagkat sila’y hindi lisensyado na ang ibig sabihin ay walang masyadong kaalaman sa Siyensya ng panggagamot. Para lamang malaglag ang bata kahit illegal at malaking kasalanan sa Dyos ang sariling buhay ay isususgal. Kahit ito ay pinagbabawal patuloy parin ang ganitong gawain dito sa ating bansa, marahil kung ito ay gagawing legal maaring masubaybayan ang mga ganitong gawain at tataas ang porsyento ng kanilang kaligtasan. Kung ito naman ay itutuloy niya, pareho lamang silang mahihirapan ng bata sa kadahilanan hindi nila ito ginusto. Kadalasan din ang mga babae ay tumiti gil sa pagaaral para sakanyang pagbubuntis na simula ng pagkasira ng kanyang mga pangarap dahil mapipilitan na syang magkaroon ng responsibilidad na maaaring ina at ama sa murang edad. Magiging kaawa- awa tulo’y ang mga babaeng ito wala pang sapat na kaalamanan sa buhay. Isang napakahirap na gampanin sapagkat sa halip na pag- aaral at pag- paplano sa kanyang magiging kinabukasan ay kinabukasan n ng kanyang magiging anak ang kanyang pag- aaralan at pag- paplanuhan. Ang pangunahing tungkulin ng isang magulang ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kainlang magiging anak, subalit dahil sa sapilitang pagbuo sa buhay na hindi nila napag- planuhan hindi ito nasasakatuparan Samantalang kung mapapahihintulutan ang pagpapalaglag, ang kaligtasan ng kanyang buhay ay sigurado na. Dahil sa batas na “anti-abortion” na ang mga Babae ay umiiwas na pumunta sa mga Ospital dahil sa takot na sila’y mahuli. Na nag- dudulot ng depresyon, dahil sa kahirapan na dinararanas sa murang e dad, nawawalan na ng kumpiyansa sa sarili ang magiging ina sa sinapit. Sa dami ng iniisip pati ang batang nasa loob ng sinapupunan ay naapektuhan sa nararamdaman ng kanyang ina. Dito k adalasang humahantong sa pagpapatiwakal, na mas lalong nag- duddulot ng malaking problema. Pumapabor ako sa aborsyon sapagkat tinitignan ko ang mas lalong mag- papakabuti sa dalawang buhay na nakasalalay dito.
Gripo, Mary Red II-Psychology
Ang aborsyon ay pagpatay sa isang tao. Sabihin man nating ito ay isang fetus pa lamang na nagsisimula pa lamang mabuo, ito pa rin ay tao. Ayon sa sampung kautusan ng Diyos "huwag papatay". Tayo ay ginawa ng Diyos dahil tayo ay may iba't ibang misyon na dapat gawin sa mundo. Bilang nilalang ng Diyos, ako ay hindi sumasang-ayon sa pag-aagas. Halimbawang ang isang babae ay nabuntis dahil sa rape. Ang krimen ay ang rape at hindi ang pagbubuntis ng dahil dito. Walang kasalanan ang bata kung siya ay nabuo dahil dito. Sabi nga nila, "marahil ay may dahilan ang Diyos kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito". Ang masamang karanasan ng rape ay nagdulot ng isang anghel sa sinapupunan ng biktima. Isa pang halimbawa ay ang pagbubuntis ng walang sapat na pangbuhay sa bata. Ito ay hindi dahilan upang pumatay. Dapat nalalaman natin ang responsibilidad ng bawat isa sa ginawa nating aksyon. Isipin din natin kung ipinalaglag tayo ng ating ina. Hindi tayo nabigyan ng tsansang mabuhay at gawing ang ating misyon. Ang aborsyon ay pagtakas sa responsibilidad na ikaw ang gumawa at ibinigay ng Diyos. Mayroong mga mag-asawa na gustong-gusto magkaanak ngunit sa pisikal na mga kadahilanan hindi ito maibigay sa kanila. Iba't ibang paraan pa ang kanilang sinasaliksik para lamang mabigyan ng anak. Ang iba ay nag-aampon pa. Isipin nating ang lahat ng bagay na ibinibigay ng Diyos ay may dahilan, nasa atin na lamang kung paano natin it o pahahalahagan. Nalalaman kong ang mga sumasang-ayon dito ay may dahilan kung bakit nila ito tinatanggap pero ilagay natin sa ating puso ang Diyos, at magdasal upang mabigyan tayo ng linaw sa ating gagawing aksyon. Ang idudulot ng sanggol na iyong papatayin ay hindi natin nalalaman. Maaaring ito ang makapagbibigay at makapagbabago sa mundo at mundo mo. Lorilie Refuerzo 2-Psychology
Maraming tao ang nagiisip ng mabuti tungkol sa isyu ng aborsyon. Ang argumento na ipiniprisenta ng pagsang-ayon sa buhay o "pro-life" ay ang bawat bata na bubuhayin ay ginusto at kailangan alagaan, at bawat batang ipinagbubuntis ng kanyang ina ay kailangan mabuhay. Samantalang, sa kabilang panig naman ay ang "pro-abortion" o tuwirang karapatan ng mga kababaihan na magdesisyon para sa kanilang sarili; kung ang batang nasa kanilang sinapupunan ay gusto o hindi ba nila ito gutong buhayin. Ang batang nasa sinapupunan ng kaniyang ina ay kanyang pagmamayari at nasa kanyang sariling pangangatawan at ang buhay ay hindi nagsisimula hanggat ang bata ay hindi pa nailuluwal sa mundong ibabaw. Ang pansariling karapatan ng mga kababaihan at sariling kabuuang kalayaan ay nagbibigay pahintulot sa mga kababaihan na magdesisiyon para sa kanilang sarili kung nais ba nilang ilaglag o ituloy ang kanilang pagbubuntis. Ang karapatan sa pagpili ng aborsyon ay personal at napaka-halaga sa buhay ng kababaihan; Na kung wala ang karapatan na ito sa pagpili at pagdedesisiyon ay hindi tuwirang naisaisagawa at natutupad ang iba pang pundamental na karapatan at kalayaan na tiyak na nararapat lamang nilang matamo. Sa ganitong sitwasyon, ang estado ay walang direktong karapatan at hindi maaring makialam o sumalungat sa bawat pribadong buhay ng mamamayan sa kaniyang bansa. Sa pagkakaroon ng karapatan ng pagpili n g aborsyon, ang mga kababaihan ay maaaring makapag-saya at magawa ang kanilang plano sa buhay ng kanilang buong kagustuhan at pagdedesisyon; Ang kapangyarihan ng bawat nilalang
na gamitin ang lakas at impluwensiya ng kanilang isip at pangangatawan. Kagaya na lamang ng mga kalalakihan, mayroon silang karapatan na mamili at gustuhin ang mga bagay-bagay sa kanilang buhay. Ang mga lalaki ay maaaring umayaw o umalis sa isang relasyon ng kasing dali at bilis ng kanilang pagdedesisyon na iwanan ang babae sa madaling panahon n a malaman nito ang tungkol sa isang pinagdadalantao. Walang animo tanung-tanong o kinalaman ang mga ito ukol sa naganap na pangyayari. Pinili nila ang ganitong desisyon. Ginawa niya ang kanyang gusto. Maaari lamang natin sabihin na patas o parehas ang pinaglalabanang karapatan kung ang mga kababaihan ay maaari rin bigyan ng parehas at kaayon na pagdedesisyon. Kung ang isang babae ay ayaw humawak ng responsibilidad at akuin ang kanyang tungkulin bilang isang ina at humarap sa isang pananagutan, samakatuwid, naaayon sa kanya ang aborsyon; ang pagdedesisiyon sa pagpili ng aborsyon bilang isang pagpipiliang opsyon. Hindi lahat ng "contaceptives" o gamot sa pagapapalaglag o mga alternatibong paraan ng hindi pagbubuntis ay epektibo at sigurado. Hindi sa lahat ng oras ito ay nasa kamay o pwedeng gamitin. (availability of the object) Ang aborsyon ay kinakailangan sa mga kababaihan na alam at may kakayahang malaman kung gusto at kailan magbubuntis o ipalalaglag ang isang bata. (whether and when to "bear or beget a child") Ang pagkakaroon ng aborsyon ay hindi lamang posible upang magkaroon ng sapat na karapatan sa pagpili ng dami ng numero ng anak na gusto sa isang pamilya kundi, ang pagbuo ng uri at klase ng pamilya na kanilang ginusto sa kanilang mga sarili kasabay ng pagkamit ng kanilang mga responsibilidad. Kung ang isang babae ay hindi makapili o makpagdesisyon sa kanyang sarili na hindi ituloy o ipalaglag ang kaniyang dindala na hindi naman niya ginusto o ayaw nitong buhayin, Siya mismo ay maitatanggi at maitatatwa sa pansariling karapatan sa “posesyon at control” ng kaniyang sariling pangangatawan. Isa sa pinakasagradong karapatan ng isng batas ay ang PAGPILI, at kung ang isang babae ay hindi ito kayang gawin, kung gayon, ang pinaka-importanteng posesyon ay inaalis at pinawawalang halaga. Ang ABORSYON ay hindi lamang pangkababaihang KARAPATAN, ito ay karapatan ng mga kababaihang PUMILI. Lara, Marianne V. 2-Psychology – ECE
Ako ay hindi sang-ayon at kailanma’y hindi sasang-ayon sa isyung gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas. Ang proposisyong gawing legal ang aborsyon ay maaring maging solusyon sa problemang pangkabuhayan ngunit ito rin marahil ang magbibigay karapatan sa mga m agulang na maging iresponsable sa kanilang gawa. Hindi ito nararapat na gawing legal sapagkat ang mga inosenteng sanggol ay biyaya sa atin ng poong Maykapal. Karapatan nila na maranasan ang masaganang buhay na sa ati’y ipinahiram ng Diyos. Mangyari pa, ang aborsyon ay nagdudulot ng i ba’t ibang pisikal at sikolohi kal na epekto sa mga babaeng nagpapaabort. Sa pisikal na aspeto, ang kababaihan ay maaring makaranas ng pagdudugo na maaari nitong ikamatay. Maaari rin itong magdulot ng matinding lagnat na ,kapag hindi naagapan, ay maaaring humantong sa “renal failure”. Magdudulot rin ito ng matinding pananakit, pagkawala ng gana, insomnia, pagbaba ng timbang, “ectopic pregnancy” at “menstrual disturbances”. Sa aspetong sikolohikal, maaari silang makaranas ng pagkakonsensya, pagkawala ng kumpiyansa sa sarili, pagtanim ng galit, at pagpapakamatay. Samakatwid, hindi lamang ang buhay ng walang kamuwa muwang na sanggol ang damay ngunit pati na rin ang buhay at kalusugan ng mga kababaihan. Noong nakaraang sabado, ika-21 ng Enero taong 2006, ipinalabas ng programang Imbestigador ang walang awang
pagkitil sa buhay ng mga sanggol. Dahil dito, dinakip at naparusahan ang manghihilot na sangkot sa pag-aabort. Ayon sa pahayag ng isang doktor, talagang mapanganib ang aborsyon sa kalusugan ng taong nagpapalaglag. Sa mga kaso naman ng panggagahasa, hindi ako sang-ayon sa solusyong aborsyon. Oo nga’t ang batang bunga ng kahalayang ito ang sanhi ng kanyang mga kabiguan, hindi tama na ipagkait sa bata ang karapatang mabuhay. Ika nga nila, hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Nawa’y magsilbi itong gabay sa ating lahat lalo na ngayo’t mapupusok na ang mga kabataan. Sana’y maging ehemplo tayo ng magagandang asal sa ating mga magiging anak.
Jobelle Bunoy BS Psych 2
Alam nating lahat na isang malaking malaking usapin sa simbahan at gobyerno ang aborsyon.Sari saring opinyon ang maririnig sa bawat indibidwal hinggil sa aborsyon. Kung ako bilang isang tao/babae ang tatanungin hinggil sa usaping ito...sumasang-ayon ako hindi dahil sa gusto kong kumitil ng buhay kundi dahil sa mga bagay na kakaharapin nito. Isipin na lang natin na kung ang isang babae ay ginahasa at ito nabuntis, sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagsilang ng bata ito ay kanyang kamumuhian, ano na lamang ang magiging kinabukasan ng bata, lalaki sya na puro galit ang makikita. Makakabuti rin ang aborsyon para sa isang babae na hindi pa handa sa responsibilidad, alam natin na mapusok na ang kabataan ngayon kung kaya't wag na nating dagdagan ng isa pang mabigat na suliranin ang isang babae kung ito'y hindi pa handa sa responsibilidad, kung kanyang itutuloy ang pagbubuntis may maibibigay ba syang magandang kinabukasan sa kanyang anak. ano ang maaasahan mo sa isang tao na hindi handa sa pagiging ina na hindi kayang maging ina at takot sa responsibilidad. Ang teknolohiya ngayon ay masyadong nang advance. Ang isang magiging ina ay nagpapa-check up, sa siyensya meron tayong tinatawag na genetic engineering sa pamamagitan nito makikita nang isang dalubhasa kung magiging isisilang na normal ang isang bata. Kung makikita ng dalubhasa na magiging abnormal ang bata, dapat na lamang na ipa-abort ang bata dahil kung itutuloy ito ng mga magulang magiging kawawa lamang ang bata,mahirap din para sa magulang kung makikita nilang hindi tanggap sa lipunan ang kanilang anak. At higit sa lahat karapatan ng isang babae ang mag desisyon para sa kanyang sarili, alam nya kung ano ang nararapat at nakabubuti para sa kanyang sarili. Anut'ano man ang maging desisyon ng isang babae hindi natin sila maaaring pigilan....maaari lamang natin ibigay ang ating suporta sa kanila. 2 Psychology Paninder Pal K. Gill
Ang aborsyon ay isa sa mga isyung talaga namang kapag narinig mo e..mapapa-isip ka..alin nga ba ang tama?, alin nga ba ang dapat? bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang paniniwala..may kanya-kanyang way of reasoning, at aminin man natin o hindi we most often based what we believed to be right on this "way of reasoning"..We actually convinced people on our thoughts by mere reasoning. I believe in the bible..i've read HIS commandments for so many times,it is commandeth that we shalt not kill.,so as the church were against in all along,but then what the bible says are all rationalizations and metaphors na ganito lang kababaw nating titingnan?wala tayong karapatan humusga sa iba?we maybe god's of ourselves but we can never be as God himself..He kno ws everything.higit kanino man, SIYA lang an g may karapatang humusga sa atin'.,naniniwala din ako na walang bagay na meron dito sa mundo na hindi nya ginustong magkaroon dito.na walang approval niya..even satan won't be here in this earth without his permission..He can have satan go back to hell whenever HE wanted.HE is GOD,the most powerful.but HE didn't.,ever wonder why? :)
..................... way back on the topic..still isa ako sa mag sumasang-ayon.bakit? chances are inevitable.madaling magsalita,madaling maghusga..pero mahirap umintindi sa sitwasyon lalo na't wala tayo sa posisyon nila.sabi nga.."only a hungry man will truly appreciate a loaf of bread" oo, madaling magdahilan..madaling lumusot kung gugustuhin mo..,but then its more than words-you could feel how worst the situation maybe. as a parent or soon to be..you always want the best for your child.but in circumstances hindi mo magagawa kasi you're not prepared.pagsisihan mo man to'..alam mong huli na.sabihin mo mang sana mas nag-isip ka at hindi mo sana nagawa yon..,there's no use.nangyari na eh..kung ang broken family nga eh..isa ng napakalaking burden sa bata..lalo pa ang malaman niyang an ak siya sa pagkadalaga, or worst..anak siya sa labas.