PULUBI
Nakasandal ako sa weyting shed isang umaga,naghihintay ng byahe paluwas ng maynila. Nakadalawang stick ng ko ko ng marlboro pero pero wala pa ding nadaan na byahe. Alas nueve y biente ang oras sa aking relo. Higit kalahating oras na din pala ako dito. Sa di kalayuan may pumukaw ng aking pansin, isang taong grasa na nagkakalkal ng pagkain sa isang basurahan. Tatlong estudyante ang patawid sa kalsada, nakitawid din ang taong iyon kasunod ng tatlong babaeng palapit sa shed na kinatatayuan ko. Bulong ng bulong ang pulubi, patingin tingin sa kung saan saan. Kasabay pagbulong na iyon ay ang hagikihikan at ang paglaladian ng talong babae, pawang kinikilig sa kanilang kwentuhan. Hindi alintana ang pulubing sa kanila ay unti unting lumpalapit. "Ikaw Luz, diba ikaw iyan, at ang kapatid mong si vilma, aha at ikaw, ikaw nga si minda.." sigaw ng babae sa tatlong etudyante na pawang nagulat.. Nagtakip ng ilong sabay alisan sa pwesto. Kita sa reaksyon nila ang pandidiri sa pulibi.. oo nga naman, baka madumihan ang mga puti nilang damit. "ewwww, yuck, shit, so kadiri" ang kadiri" ang mga katagang lumabas sa bibig bibi g ng talong babae. Walang nangahas na sagutin ang tanong ng pulubi. Nagtakip ng panyo sa ilong. Imiikot ang mata sa inis. "Ang aarte nyo, samantalang kayo ay ako din.. teka, kayo ang mga pinalad no? kayo ang huwad na pagkataong pilit nyong ibinidikit sa akin. Kayong tatlo, hindi nyo matangap na kagaya ko kayo, tinitago nyo ang katotothanan.. Bakit? dahil ang suot nyo ay puti? ang wika nyo ay ingles? Aha, alam ko na, hindi nyo kayang tanggapin na ganito ako no? Kayo ang huwad at ako ang totoo. Kayo ang panlabas at ako ang panloob" Matalinghagang Matalinghagang sabi ng pulubi. Tila may pinagdaanan. Baka gutom siguro kaya kung ano ano ang sinasabi. "Excuse me, Halllerrrr.. I'm not luz.. iwww... lets go girls.. so yucky" sambit ng isa sa tatlo habang palayo, sa kanilang pagalis narinig ko pa ang kanilang hagikgikan. Napatingin sakin ang pulubi, nanlilisik ang matang lumapit sa akin. Ni hindi ako nakaramdam ng kaba. "Ikaw, sino ka, di mo din ba ako kinikilala? matapos nyong saiirin ang
kagandahan ko" ang tanong sakin ng pulubi sabay tingin mula ulo hanggang paa. "Kilala kita, at tama ka, silang tatlo at ikaw ay iisa." Humithit ako ng isa pa sabay pitik ng upos sa malayo. "Ikaw ang bansa ko, at ang tatlong babaeng iyon ay ang bumubuo sayo, ikaw ang katotothanan alam ko, at alam ko bakit ka nagkaganyan." Sagot ko sabay kuha ng isa pang stick na marlboro. "Sino
ka,
anong
pakialam
mo
sa
buhay
ko,
sagutin
mo
ako?"
"Hindi mo ba alam, nandito ka sa blog ko, topic kita ngayon, baka sakaling makita at maintindihan ng magbabasa nangyayari sayo. Ako si Banjo, sumusulat ng kwento mo." May padaan na bus at aking pinara. "Hanggang sa muli nating pagtatagpo dito. Sana'y maayos na ang pamumuhay mo sa mga susunod kong kwento"